Pagpapakilala ng mga dayuhang residente na aktibo sa mga lokal na komunidad na patungo sa isang multikultural na lipunan 多文化共生社会に向けて地域社会で活躍する外国人住民の紹介 Share! Click to share on Facebook (Opens in new window) Facebook Click to email a link to a friend (Opens in new window) Email Click to share on X (Opens in new window) X Click to share on WhatsApp (Opens in new window) WhatsApp 2019/09/02 Monday Araw-araw na Pamumuhay at Batas Ang bilang ng mga dayuhan na naninirahan sa Mie Prefecture ay mas tumaas sa loob ng limang taon. Ayon sa data, mayroong 50,612 na dayuhan mula sa mahigit 100 na mga bansa ang naninirahan sa Mie Prefecture ang naitala hanggang katapusan ng Disyembre 2018. Sa video na ito, ipakikilala namin ang mga dayuhang residente na may iba’t ibang pananaw at kulturang pinagmulan ngunit aktibo sa lokal na pamayanan upang lumikha ng isang multikultural na lipunan. Sa pagkakataong ito, nakipag-usap kami sa mga tao na mula sa Vietnam at Indonesia na mas dumarami simula pa nang nakaraang taon. Una, Nakapanayam namin si Mr. Usaha, isang Indonesian citizen, na nakatira sa Kuwana City. Si Mr. Usaha ay ikinasal sa isang Haponesa at naninirahan sa Japan ng higit sa 20 taon. Si Mr. Usaha ay may aktibong ugnayan sa kominidad kung saan siya nakatira, at nakikilahok sa iba’t ibang mga aktibidad. Bilang karagdagan sa kanyang trabaho, aktibo rin siya bilang isang boluntaryong interpreter. Interview Mr. Usaha Q: Madalas mo bang nakakahalu-bilo ang mga Hapon? Nakatira ako kasama ang mga Japanese. Kahit na sa trabaho (mga kakilala ko) halos lahat ay Hapon. Ang aking asawa ay may tindahan sa lugar ng aming tinitirhan. Ang mga customer ay halos Hapon. Tumutulong ako minsan, kilala ako ng mga kostumer at sa palagay ko mahalaga na makakaugnayan ko sila. Ang mga tao sa lugar na ito ay kilala ako dahil nakikilahok ako sa iba’t ibang mga aktibidad tulad ng mga evacuation drills (ginagawa sa aming rehiyon), mga pista at kasalan. Sa totoo lang, kapag pinagkakatiwalaan ka ng tao pagkatapos ng lahat, ay ang pinakamahalagang bagay. Q: Maaari mo bang sabihin sa amin ang tungkol sa iyong karanasan bilang isang boluntaryo sa Ise-Shima Summit? Naaalala ko may isang lumapit na interviewer mula sa Indonesia (sa booth kung nasaan ako). Hindi niya alam na ako ay isang Indonesian, ngunit nang tiningnan ko ang kanyang ID tag at nalaman na siya ay isang interviewer mula sa Indonesia, tinanong ko, “Indonesian ka ba?” Pagkatapos ay sumagot siya, “Oo, Indonesian ako,” at pagkatapos ay nagsimula na ang aming pag-uusap. Ito ay isang napakahusay na karanasan (lumahok sa gawaing boluntaryo), kabilang ang isang masaya (hindi sinasadya) na pagtatagpo. Nagpa-litrato din ako kasama ang gobernador ng prefecture. Ito ay isang napaka-mahusay na karanasan. Tumanggap din ako ng letter of appreciation. Para sa akin, ito ay isang napakahalagang treasure. Susunod ay si Maekawa Hong Nhung mula sa Vietnam na nakatira sa Lungsod ng Ise. Siya ay may-asawa na Hapon at ngayon ay nagtatrabaho bilang isang interpreter sa isang technical trainee accepting organization. Siya ay nanirahan sa Japan sa loob ng 15 taon at tumutulong sa kapwa Vietnamese sa iba’t ibang mga sitwasyon bilang isang interpreter. Ibinahagi niya ang kanyang mga karanasan. Interview Maekawa Hong Nhung ① Maraming mga Vietnamese trainees na pumupunta sa Japan. Ang mga teknikal na trainees ay nag-aaral ng Japanese sa Vietnam, ngunit hindi pa ito sapat. Bago italaga ang mga trainees as trabaho, nagtatrabaho ako bilang isang instructor upang matulungan silang masanay sa buhay as Japan, turuan sila ng Japanese, Japanese customs, batas, at paghihiwalay ng basura. Nagbigay ng mensahe si Maekawa sa mga dayuhan na nakatira sa Mie Prefecture. Interview Maekawa Hong Nhung ② Maraming mga Japanese language classes at mga boluntaryo (Mga tagasuporta). Nag-aral din ako ng wikang Hapon sa nasabing silid-aralan. Kung nais mong mag-aral ng Japanese, ang mga boluntaryo ay handang magturo sa iyo nang masigasig. Huwag sanang sumuko ang mga dayuhan at isipin na mahirap, mag-aral at kumayod lang araw-araw. At sa huli, nakapanayam namin ang isang babaeng Vietnamese na nakatira sa Tsu City. Nagtatrabaho din siya bilang isang interpreter / translator upang matulungan ang kanyang kapwa dayuhan. Tinanong namin siya tungkol sa kanyang mga karanasan sa pag-aaral ng Japanese. Interview vietnamese woman ① Noong una akong dumating sa Japan, nahirapan ako dahil hindi ko maintindihan ang wika. Hindi ko maipahayag ang nais kong sabihin. Laking lungkot ko dahil nakapagsalita lang ako tulad ng mga salitang bata. Sa oras na iyon, napagtanto ko na ang language ay may mahalagang papel sa pagkonekta sa mga tao. Madalas akong nagsisisi dahil hindi ako marunong magsalita ng wika o hindi sapat ang aking Japanese. Gayundin, dahil na din sa iba’t ibang kultura, ang paraan ng pakikihalubilo ng mga tao sa bawat isa at kung paano naiiba ang iniisip nila, kaya may mga oras pa na nahihirapan pa rin ako sa pakikipag-ugnayan sa mga Japanese. Q: Sa sarili mong pananaw, ano ang Japan para sayo ngayon? Ang pakikilahok ko sa mga workshop, mga pangkat ng pag-aaral, mga pagpupulong sa exchage, pakikipag-ugnay sa mga Japanese, pag-aaral tungkol sa paraan ng pag-iisip at kultura ng Japan at pag-alam kung ano ang mga alam nila, ang bansang ito ay naging pangalawang tahanan na para sa akin. Ibinahagi niya sa amin ang kanyang opinyon sa kung ano ang mahalaga para sa Mie upang maging isang multikultural na lipunan. Interview vietnamese woman ② Upang mapagtanto ang isang lipunang multikultural, ang mga dayuhang residente at lokal na residente ay dapat kilalanin ang kahalagahan ng isang pagkakaisang multikultural. Sa katotohanan, gayunpaman, kahit na mayroon kang mga lektura at mga kaganapan sa pagkakaisa ng multikultural, ang ilan ay hindi nakikilahok. Sa palagay ko, mahalaga ang palitan ng impormasyon tulad ng interviewer na ito. Mayroon ding mga taong aktibong nagtatrabaho upang suportahan ang mga dayuhang residente habang nag-aaral ng Japanese sa kanilang sariling kagustuhan at pagpapahalaga sa kanilang mga kaugnayan sa mga lokal na komunidad. Ang unang hakbang sa pagkamit ng isang lipunan kung saan ang mga residente ng Japan at mga residenteng dayuhan ay maaaring mabuhay nang mapayapa ay sa pamamagitan ng pagtanggal ng mga hadlang sa wika at kultura sa pamamagitan ng pagkilala nang mabuti sa bawat isa. Kung mayroon kang isang pagkakataon upang makilala ang bawat isa, tulad ng isang event o aktibidad na boluntaryo, mangyaring aktibong makilahok dito. Sa pamamagitan ng pakikipag-halubilo sa mga taong may iba’t ibang kultura at paniniwala, tiyak na mapapalawak natin ang ating mundo. Share! Click to share on Facebook (Opens in new window) Facebook Click to email a link to a friend (Opens in new window) Email Click to share on X (Opens in new window) X Click to share on WhatsApp (Opens in new window) WhatsApp « 2019 Second semester ng “Japanese para sa trabaho” (Libreng Japanese language course) Para sa mga nag-iisip na gamitin ang nursery schools simula Abril 2020 » ↑↑ Next Information ↑↑ 2019 Second semester ng “Japanese para sa trabaho” (Libreng Japanese language course) 2019/09/02 Monday Araw-araw na Pamumuhay at Batas 2019年第二期定住外国人向けしごとのための日本語(無料の日本語学習コース)のご案内 Share! Click to share on Facebook (Opens in new window) Facebook Click to email a link to a friend (Opens in new window) Email Click to share on X (Opens in new window) X Click to share on WhatsApp (Opens in new window) WhatsApp Mula Setyembre 2019, ang Japan International Cooperation Center (JICE) ay magsasagawa ng isang praktikal na kurso ng Japanese na kapaki-pakinabang para sa trabaho, na bahagi ng 2019 Foreign Resident Employment Training Course sa Mie Prefecture. Sa oras na ito, ituturo ang level 1 at 2 Ang nilalaman ng level 1 ay nakatuon sa mga first-time Japanese language speakers na hindi pa nakakapagsalita ng wikang Hapon, at / o hindi makabasa at makasulat ng hiragana at katakana.. Ang level 2 ay para sa mga taong nakakabasa at nakakasulat ng hiragana at katakana, at nakakaalam ng mga simpleng conversation sa wikang Hapon. Ang pagrehistro ay maaaring gawin sa Hello Work na pinakamalapit sa iyong bahay (para sa mga detalye, tingnan ang brossure). Sino ang maaaring sumali Sa mga mahilig makahanap ng matatag na trabaho Sa 16 taong gulang at pataas na maaaring katayuan ng paninirahan sa “Asawa ng Hapon, atbp”, “Permanent Resident”, “Asawa ng Permanenteng residente, atbp” sa “Long Term Resident” ※ Ang pagbubukas ng kurso ay maaaring kanselahin kung ang klase ay maaaring konting aplikasyon. ※ Ang antas ng klase ay naka-planado at maaaring magbago. Iskedyul · Lugar · Paraan ng pag-apply Lugar Oras Level check Class period Week days Level Kuwana 6:45 pm – 8:45 pm Ika-11 ng Setyembre Setyembre 18 hanggang Disyembre 20 Lunes hanggang Biyernes 2 Yokkaichi 9am – 12pm Ika-10th ng Setyembre Setyembre 17 hanggang kalagitnaan ng Nobyembre Lunes hanggang Biyernes 2 Suzuka 9am – 12pm Ika-2 ng Setyembre September 9th until mid November Monday to Friday 2 Tsu 6:45 pm – 8:45 pm Ika-3 ng Oktubre Oktubre 10 hanggang Pebrero 14 Lunes, Miyerkules, Huwebes at Biyernes 2 Matsusaka 7pm- 9pm Ika-4 ng Setyembre Setyembre 11 hanggang January 22 Lunes, Miyerkules, Huwebes at Biyernes 1 * Para sa higit pang mga detalye sa nilalaman, lokasyon at pagrehistro ng mga klase (sa Hello Work), tingnan ang mga pamphlet sa ibaba. Flyers (Japanese, English, Chinese, Portuguese and Spanish) I-click dito upang mabuksan sa PDF Makipag-ugnayan sa Japan International Cooperation Center (Nihon Kokusai Kyouryoku Center – JICE) TEL: 052-201-0881(Japanese only) Para sa Kuwana, Yokkaichi at Suzuka (Portuguese at Spanish) tumawag sa: 080-4336-1832 Para sa Tsu at Matsusaka (Portuguese at English) tumawag sa: 080-4335-8133 Share! Click to share on Facebook (Opens in new window) Facebook Click to email a link to a friend (Opens in new window) Email Click to share on X (Opens in new window) X Click to share on WhatsApp (Opens in new window) WhatsApp