I-dial and 119 upang tumawag ng ambulansya

救急車を呼ぶには119

2019/03/06 Wednesday Kalusugan at kapakanan

・Kung ikaw o ang ibang tao ay nakakaranas ng malubhang sakit o nasugatan at ang mga sintomas ay malubha na sa palagay mo ay kinakailangan ng pagsusuri ng doktor sa lalong madaling panahon, mangyaring humingi ng emergency na tulong. Madadala ang pasyente sa isang institusyong medikal alinsunod sa mga sintomas ng karamdaman o lala ng sugat.

・Tumawag at ipaalam sa 119 at magpapadala agad sila ng ambulansya

→Kapag tumawag sa 119, ikokonekta kayo sa fire department.

→Ang opisyal ng fire department ay magtatanong kung “Sunog (Kaji)” ba o “Emergency (Kyukyu)”, kalmadong sumagot na “Emergency (Kyuukyu)”.

→Sabihin ang lokasyon ng emergency at ang landmark ng lugar.

→Sabihin sa operator sa simpleng paraan kung “sino”, “kailan”, “saan”, “anong nangyari”.

→Ibigay ang sapat na impormasyon kung gaano karami ang nasugatan, anong sakit, edad at kasarian ng pasyente.

→Sabihin ang pangalan at phone number.

・Ang toll charges at transportation costs ay libre, ngunit kailangang magbayad ng medical expenses sa medical institutions.

・Hindi ito maaaring magamit kung hindi naman malala ang sintomas ng sakit at ng sugat.

・Ang 119 ng Yokkaichi City, Kuwana City and Komono-machi ay may “three-way telephone interpreting system”, at available ito sa 5 languages (English, Chinese, Korean, Portuguese, Spanish) Maaaring makipag-ugnayan. (As of February 2019).

・Mga aksyon na kailangang gawin tuwing may emergency (biglaaang pagkasakit o pagkasugat) (video)
http://mieinfo.com/ja/video-jp/kenkou-video-jp/kyu-yu-tokini-ni/index.html

Ang article na ito ay binase sa “Multilingual Living Information “Local Government Internationalization Association” 「多言語生活情報」(一般財団法人自治体国際化協会). For more information please see here.

http://www.clair.or.jp/tagengorev/ja/f/index.html

  • Mangyaring tignan din ang “Ambulance User Manual” (Fire Department)「救急車利用マニュアル」(消防庁)

http://www.fdma.go.jp/html/life/kyuukyuusya_manual/pdf/2011/japanese.pdf (日本語)

http://www.fdma.go.jp/html/life/kyuukyuusya_manual/pdf/2011/english.pdf (English)

http://www.fdma.go.jp/html/life/kyuukyuusya_manual/pdf/2011/chinese.pdf (中文)

http://www.fdma.go.jp/html/life/kyuukyuusya_manual/pdf/2011/korean.pdf (한국어)

Kinakailangan and reservation kapag nais pumunta sa dentista. Pahalagahan natin ang oras ng reservation

2019/03/06 Wednesday Kalusugan at kapakanan

ほとんどの歯科で予約が必要です!予約時間は守りましょう!

Ang pag-reserba ay karaniwan tuwing nais pumunta sa dentista. Sundin ang oras ng reservation upang hindi maging late o kanselahin nang walang paunang abiso.

  1. Kapag pupunta sa dentista sa unang pagkakataon

  1. Tuwing follow-up examination

Mangyaring dumirecho sa dental clinic sa tamang oras na naka-schedule na appointment.

  • Sa Japanese dentistry, ang treatment ay hindi natatapos ng isang beses, Kailangang bumalik ng ilang beses. Isa sa mga rason nito ay para hindi masyadong mahirapan ang katawan ng pasyente, atbp. Mangyaring ipagpatuloy hanggang matapos ang treatment.
  • Ang mga treatment ay kadalasang dala sa insurance ngunit may ibang mga treatment na hindi covered ng insurance. Mangyaring kumunsulta ng mabuti sa inyong dentista bago ang treatment.