Japanese Medical Culture and Rules

知っておきたい!日本の医療文化とルール

2019/03/13 Wednesday Kalusugan at kapakanan

[Pangunahing kaalaman ng mga institusyong medical]

Karamihan sa mga klinika at mga ospital sa Japan, ang mga konsultasyon ay first-come-first-served basis. Samakatuwid, maaaring maghintay ka ng 1 hanggang 2 oras.

  • Sa dentista naman ay karaniwan ang reservation system. Kailangan din ng ibang mga klinika at mga ospital ang pagpapareserba.
    http://mieinfo.com/ja/jouhou/kenkou/dentist-japan/index.html
  • Mangyaring sabihin sa receptionist, nurse atbp nang maaga, ang availability ng iyong iskedyul at mga restriction para sa pagpapagamit dahil sa mga relihiyosong dahilan, allergies, iskedyul ng trabaho atbp.
  • Dapat nating obserbahan ang oras ng reservation at oras ng pagbisita.
  • May mga lugar sa ospital kung saan ang mga mobile phone ay hindi dapat gamitin. Mag-check sa mga kawani ng ospital kung gusto mong gamitin ito.

 [Mga bagay na kailangan para sa konsultasyon]

  • Health insurance card
  • Residence card (ID card)
  • Gamot na kasalukuyang iniinom
  • Letters of recommendation (kung mayroon)
  • Ang gastos sa medikal ay dapat bayaran ng cash. Maaaring magamit ang credit card sa ilang lugar.

 [Para sa ligtas na medical care]

  • Kapag nagaalala tungkol sa language, mangyaring gitin ang interpreting service. Kapag hindi available ang service, dapat mayroong kang kaalaman sa wikang Japanese o humingi ng tulong sa kakilalaa na maaaring mag-interpret para sayo.

[Medical institutions na may medical interpreter]
http://mieinfo.com/ja/jouhou/kenkou/tsuyaku-hospital-2019/index.html

  • Mahalaga ring tanungin ang doktor para sa isang paliwanag tungkol sa mga resulta ng medikal na pagsusuri at gamot atbp hanggang sa maunawaan mo ito.
  • Upang makatanggap ng medical treatment ng kampante, importante na gumamit ng isang consultation agency o isang medical social worker ng hospital.
  • Available ang “Multilingual medical questionnaire form” “Multilingual examination application form”. Para sa mga nahihirapang ipaliwanag ang mga sintomas o medical history sa wikang Japanese, Mas mabuting sagutan ang questionaire at form ng mas maaga at dalhin ito.

[多言語医療問診票] (国際交流ハーティ港南台、かながわ国際交流財団) “Multilingual Medical Questionnaire” (International exchange, Kanagawa International Foundation)

http://www.kifjp.org/medical/index.html (18 languages)

「Multilingual examination application form」(AMDA International Medical Information Center)

http://amda-imic.com/oldpage/amdact/PDF/jap/pl-shinsatsu-j.pdf (Japanese)
http://amda-imic.com/oldpage/amdact/PDF/por/pl-shinsatsu-p.pdf (Portuguese)
http://amda-imic.com/oldpage/amdact/PDF/spa/pl-shinsatsu-s.pdf (Spanish)
http://amda-imic.com/oldpage/amdact/PDF/fil/pl-shinsatsu-f.pdf (Filipino)
http://amda-imic.com/oldpage/amdact/PDF/chi/pl-shinsatsu-c.pdf (Chinese)
http://amda-imic.com/oldpage/amdact/PDF/eng/pl-shinsatsu-e.pdf (English)

*Mangyaring gamitin ito at your own risk.

[Pharmacy]

  • Kung nakatanggap ng reseta sa isang medikal na institusyon, pumunta sa isang pharmacy.
  • Ang reseta ay may petsa ng expiration

*Ang article na ito ay base sa “Multilingual Living Information” (Local Government Internationalization Association) 「多言語生活情報」(一般財団法人自治体国際化協会)

Para sa iba pang impormasyon, tignan dito:
http://www.clair.or.jp/tagengorev/ja/f/index.html

*Mangyaring tignan din ang iba pang website.

“Medical Guidebook for Foreigners” (Center for Multicultural Society Kyoto)「外国人のための医療ガイドブック」(多文化共生センターきょうと)
https://www.tabunkakyoto.org/%E5%A4%9A%E8%A8%80%E8%AA%9E%E8%B3%87%E6%96%99/ (Easy Japanese, English, Chinese, Korean)

“Foreign Tuberculosis Telephone Consultation” (Japan Anti-Tuberculosis Association) [外国人結核電話相談] (公益財団法人結核予防会)
http://www.jata.or.jp/outline_support.php#jump4 (Japanese, English, Korean, Chinese, Vietnamese, etc.)

http://www.jata.or.jp Top page of The Research Institute of Tuberculosis (結核研究所のトップページ)

Gamitin natin ng tama ang insurance card!

2019/03/13 Wednesday Kalusugan at kapakanan

保険証は正しく使おう!

[Japanese Public Medical Insurance]

  • Sa Japan, obligado ang mga tao na sumali sa isang pampublikong medical insurance upang maibsan ang kanilang pang-ekonomiyang pasanin kapag sila ay may sakit o nasugatan at upang makapag-pagamot ng kampante pagdating sa pinansyal ng gastos sa pagpapagamot. Ito ay tinatawag na “Kokumin Kai Hoken Seido”.
  • May dalawang uri ng public medical insurance sa Japan.

Health Insurance (Kenko Hoken): Ang mga taong nagtatrabaho sa mga kumpanya at mga establisimyento ay dapat sumali sa insurance na ito. Ang paagsali sito ay isasagawa sa kumpanya o opisina kung saan ka nagtatrabaho. Mangyaring makipag-ugnayan sa iyong lugar ng trabaho.

National Health Insurance (Kokumin Kenko Hoken): Ang isang tao na hindi maaaring sumali sa  health insurance ay dapat sumali. Ang procedure sa pagsali ay gagawin sa munisipal na tanggapan ng munisipyo ng iyong tinitirhang lugar.

  • May mgatreatment na hindi saklaw ng insurance tulad ng aksidente sa trapiko at panganganak.
  • Hindi maaaring magpahiram o humiram o bumili at ibenta ang mga insurance card.

[Ang abiso ay kinakailangan sa mga oras tulad ng ito]

  • Kapag nagretiro ka o huminto sa pagtatrabaho mula sa isang kumpanya o opisina (Hindi mo maaaring gamitin ang iyong health insurance card mula sa araw pagkatapos ng iyong pagreretiro. Mangyaring i-surrender agad ang iyong health insurance card at lumipat sa national health insurance)
  • Maaari kang umalis mula sa National Health Insurance (kapag sumali ka sa health insurance sa iyong trabaho)
  • Kapag nawala ang iyong insurance card o kapag nasira ito at marumi
  • Kapag nanganak
  • Kapag nagbago ang head ng household
  • Kapag namatay ang may-ari ng insurance
  • Kapag nagbago ang address
  • Kapag lumipat ka sa ibang bansa

※Ang article na ito ay ibinase sa “Multilingual Living Information” (Local Government Internationalization Association)「多言語生活情報」(一般財団法人自治体国際化協会)

Para sa iba pang impormasyon, mangyaring tignan dito.
http://www.clair.or.jp/tagengorev/ja/f/index.html