Naghahanap ng mga Foreign Participants para sa Special Arc Welding Course

2025/07/22 Tuesday Edukasyon

Ang Mie Prefectural Human Resources Development Center ay kasalukuyang nagre-recruit ng dayuhang participants para sa Special Arc Welding Course.

Ang mga interesadong aplikante ay dapat makipag-ugnayan sa Mie Prefectural Human Resources Development Center sa pamamagitan ng telepono sa panahon ng pagpaparehistro.

Mga requirements para makasali

  1. Mga indibidwal na nangangailangan ng pagsasanay sa kaligtasan upang magamit ang mga kagamitan sa arc welding.
  2. Mga dayuhan na residente at may sapat na visa at walang mga restriction sa trabaho.
    ※ Gayunpaman, kailangang marunong magbasa at magsulat ng hiragana (basic Japanese alphabet).

Horas at araw ng courses

  • 1st Class: September 17–19, 2025 (3 araw)
    Oras: 8:40 AM–5:00 PM
    Registration Period: August 1–September 1, 2025
  • 2nd Class: March 17–19, 2026 (3 araw)
    Oras: 8:40 AM–5:00 PM
    Registration Period: February 2–March 2, 2026

Mga bakante

6 na participants kada klase (first come first serve)

Participation fee

8,000 yen (kasama na ang course materials)

Nilalaman ng kurso

Ang special course ay isasagawa base sa Occupational Safety and Health Law.

Ang mga participants ay matututo ng paggamit ng arc welding equipment.

Sa katapusan ng kurso, makakatanggap ng Certificate of Completion of the Arc Welding Special Course.

Paano mag apply

  1. Sa panahon ng aplikasyon, makipag-ugnayan sa Mie Prefectural Human Resources Development Center (Mie-ken Jinzai Kaihatsu Center) sa pamamagitan ng telepono.
    Telepono: 059-234-6883 (sa wikang Japanese lang, weekdays mula 9:00 a.m. hanggang 4:30 p.m.)
  2. Pagkatapos makipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng telepono, pumunta sa center nang personal upang kumpletuhin ang proseso ng aplikasyon.
    Address: 514-0817 Mie-ken, Tsu-shi, Takachaya Komoricho 1176-2

Contact (sa wikang Japanese lamang)

Mie-ken Jinzai Kaihatsu Center (sa loob ng Mie Kenritu Tsu Koto Gijutsu Gakko)

Address: 〒514-0817 Mie-ken Tsu-shi Takachaya Komoricho 1176-2

Tel: 059-234-6883

E-mail: jcenter@kr.tcp-ip.or.jp

Iwasan natin ang Heatstroke!

2025/07/22 Tuesday Edukasyon

Maaaring mangyari ang heat stroke kahit sa loob ng bahay, nang hindi ka gumagawa ng anumang physical activities. Sa ilang mga kaso, maaari itong humantong sa kamatayan. Magkaroon ng kamalayan sa mga pagbabago sa iyong kalusugan at alagaan din ang mga tao na nasa paligid mo upang maiwasan ang pinsala sa inyong kalusugan.

  • Iwasan ang init

Gumamit ng air conditioning sa loob ng bahay.

Kapag lalabas, gumamit ng parasol o magsuot ng sombrero.

  • Panatilihing maging hydrated

Palaging uminom ng tubig, kahit na hindi ka nauuhaw o kapag lumalabas.

Mga sintomas ng heatsroke

Pagkahilo, panghihina, labis na pagpapawis, pananakit ng kalamnan, at iba pa.

(Kung lumala ang mga sintomas)

Sakit ng ulo, pagsusuka, pagkapagod, nahihirapang mag-concentrate, nanghihina, kombulsyon, pagkawala ng malay, atbp.

Kung makakita ka ng taong pinaghihinalaan mong nagkakaroon ng heatstroke

  • Agad na dalhin ang tao sa isang malamig na lugar.
    • Maluwag ang kanilang damit at palamigin ang kanilang katawan (lagyan ng yelo ang kanilang leeg, kilikili, at singit).
  • Kung ang tao ay hindi makainom ng tubig nang mag-isa o tumugon nang normal, huwag mag-atubiling tumawag ng ambulansya.

Pamphlet (Portugues): [i-click dito]

Pamphlet (Spanish): [i-click dito]

Pamphlet (Vietnamese): [i-click dito]

Pamphlet (Tagalog): [i-click dito]

Pamphlet (Chinese): [i-click dito]

Pamphlet (English): [i-click dito]

Pamphet (Japanese): [i-click dito]