Iwasan natin ang Heatstroke!

2025/07/01 Tuesday Anunsyo, Kalusugan at kapakanan

Maaaring mangyari ang heat stroke kahit sa loob ng bahay, nang hindi ka gumagawa ng anumang physical activities. Sa ilang mga kaso, maaari itong humantong sa kamatayan. Magkaroon ng kamalayan sa mga pagbabago sa iyong kalusugan at alagaan din ang mga tao na nasa paligid mo upang maiwasan ang pinsala sa inyong kalusugan.

  • Iwasan ang init

Gumamit ng air conditioning sa loob ng bahay.

Kapag lalabas, gumamit ng parasol o magsuot ng sombrero.

  • Panatilihing maging hydrated

Palaging uminom ng tubig, kahit na hindi ka nauuhaw o kapag lumalabas.

Mga sintomas ng heatsroke

Pagkahilo, panghihina, labis na pagpapawis, pananakit ng kalamnan, at iba pa.

(Kung lumala ang mga sintomas)

Sakit ng ulo, pagsusuka, pagkapagod, nahihirapang mag-concentrate, nanghihina, kombulsyon, pagkawala ng malay, atbp.

Kung makakita ka ng taong pinaghihinalaan mong nagkakaroon ng heatstroke

  • Agad na dalhin ang tao sa isang malamig na lugar.
    • Maluwag ang kanilang damit at palamigin ang kanilang katawan (lagyan ng yelo ang kanilang leeg, kilikili, at singit).
  • Kung ang tao ay hindi makainom ng tubig nang mag-isa o tumugon nang normal, huwag mag-atubiling tumawag ng ambulansya.

Pamphlet (Portugues): [i-click dito]

Pamphlet (Spanish): [i-click dito]

Pamphlet (Vietnamese): [i-click dito]

Pamphlet (Tagalog): [i-click dito]

Pamphlet (Chinese): [i-click dito]

Pamphlet (English): [i-click dito]

Pamphet (Japanese): [i-click dito]

(July/2025) Impormasyon tungkol sa panahunang pag-aapply sa pabahay ng prepektura

2025/07/01 Tuesday Anunsyo, Kalusugan at kapakanan

Panahon ng aplikasyon para sa buwan ng July
July 1 (Martes) ~ July 31 (Viernes), 2025

Maaring malaman sa website na nasa ibaba ang mga detalye tungkol sa basic information ng pabahay (katulad ng lugar, sukat, upa at iba) at kung paano mag-apply para dito.

I-click dito upang makita ang PDF file (Japanese Version)

I-click dito upang makita ang PDF file (Portugues Version)

I-click dito upang makita ang PDF file (Spanish Version)

*Ang mga aplikante na hindi makakatugon sa bilang ng aplikasyon para sa periodic recruitment ay tatanggapin simula sa araw pagkatapos ng lottery date na may first come first serve basis hanggang sa susunod na Miyerkules ng susunod na buwan. Ang deadline para sa recruitment ay hanggang July 31.

*Simula sa Abril 2020 recruitment, ang mga single-person household ay maaari na ngayong lumipat sa prefectural housing.

Schedule ng Aplikasyon (Taon-taon ay pareho ang panahon ng pag-apply)

Buwan ng Aplikasyon Panahon ng pag pasa ng aplikasyon sa Post office  Araw ng bunutan  Araw ng pag-upa 
Abril Unang araw ng aplikasyon hanggang ika- 30 ng buwan Kalagitnaan ng Mayo Hulyo 1
Hulyo Unang araw ng aplikasyon hanggang ika- 31 ng buwan Kalagitnaan ng Augusto Oktubre 1
Oktubre Unang araw ng aplikasyon hanggang ika- 31 ng buwan Kalagitnaan ng Nobyembre Enero 1
Enero Unang araw ng aplikasyon hanggang ika- 31 ng buwan Kalagitnaan ng Pebrero Abril 1

※Ang araw ng simula ng pagpasa ng aplikasyon ay matatapat sa unang araw ng Martes o Biyernes ng buwang nakasaad sa itaas.

(Gayunpaman, ang mga aplikasyon sa Enero ay tatanggapin sa unang Martes o Biyernes pagkatapos ng Enero 4.)

 Makipag-ugnayan sa:

Mie Ken Kendo Seibi-bu Jutaku Seisaku-ka Kou’ei Jutaku-han TEL: 059-224-2703 (*Sa wikang hapon lamang)

Ang contact information sa bawat rehiyon ay ang mga sumusunod

(1) Hokusei Bloc (Kuwana city, Yokkaichi city, Suzuka city) TEL: 059- 373- 6802

(2) Chusei Iga Bloc (Tsu city, Iga city) TEL: 059-221-6171

(3) Nansei-Higashi Kishu Bloc (Matsusaka city, Ise city, Owase city, Kumano city) TEL: 059-222-6400

Mangyaring sumangguni sa sumusunod na URL para sa impormasyon tulad ng “Mga Kwalipikasyon para sa paglipat” at “Mga dapat tandaan tungkol sa paglipat.”

http://www.pref.mie.lg.jp/JUTAKU/HP/35745031344.htm

*Lahat ng impormasyon ay nasa Japanese.