(July/2025) Impormasyon tungkol sa panahunang pag-aapply sa pabahay ng prepektura (2025年7月)県営住宅の定期募集 Share! Click to share on Facebook (Opens in new window) Facebook Click to email a link to a friend (Opens in new window) Email Click to share on X (Opens in new window) X Click to share on WhatsApp (Opens in new window) WhatsApp 2025/06/25 Wednesday Anunsyo, Paninirahan Panahon ng aplikasyon para sa buwan ng July July 1 (Martes) ~ July 31 (Viernes), 2025 Maaring malaman sa website na nasa ibaba ang mga detalye tungkol sa basic information ng pabahay (katulad ng lugar, sukat, upa at iba) at kung paano mag-apply para dito. I-click dito upang makita ang PDF file (Japanese Version) I-click dito upang makita ang PDF file (Portugues Version) I-click dito upang makita ang PDF file (Spanish Version) *Ang mga aplikante na hindi makakatugon sa bilang ng aplikasyon para sa periodic recruitment ay tatanggapin simula sa araw pagkatapos ng lottery date na may first come first serve basis hanggang sa susunod na Miyerkules ng susunod na buwan. Ang deadline para sa recruitment ay hanggang July 31. *Simula sa Abril 2020 recruitment, ang mga single-person household ay maaari na ngayong lumipat sa prefectural housing. Schedule ng Aplikasyon (Taon-taon ay pareho ang panahon ng pag-apply) Buwan ng Aplikasyon Panahon ng pag pasa ng aplikasyon sa Post office Araw ng bunutan Araw ng pag-upa Abril Unang araw ng aplikasyon hanggang ika- 30 ng buwan Kalagitnaan ng Mayo Hulyo 1 Hulyo Unang araw ng aplikasyon hanggang ika- 31 ng buwan Kalagitnaan ng Augusto Oktubre 1 Oktubre Unang araw ng aplikasyon hanggang ika- 31 ng buwan Kalagitnaan ng Nobyembre Enero 1 Enero Unang araw ng aplikasyon hanggang ika- 31 ng buwan Kalagitnaan ng Pebrero Abril 1 ※Ang araw ng simula ng pagpasa ng aplikasyon ay matatapat sa unang araw ng Martes o Biyernes ng buwang nakasaad sa itaas. (Gayunpaman, ang mga aplikasyon sa Enero ay tatanggapin sa unang Martes o Biyernes pagkatapos ng Enero 4.) Makipag-ugnayan sa: Mie Ken Kendo Seibi-bu Jutaku Seisaku-ka Kou’ei Jutaku-han TEL: 059-224-2703 (*Sa wikang hapon lamang) Ang contact information sa bawat rehiyon ay ang mga sumusunod (1) Hokusei Bloc (Kuwana city, Yokkaichi city, Suzuka city) TEL: 059- 373- 6802 (2) Chusei Iga Bloc (Tsu city, Iga city) TEL: 059-221-6171 (3) Nansei-Higashi Kishu Bloc (Matsusaka city, Ise city, Owase city, Kumano city) TEL: 059-222-6400 Mangyaring sumangguni sa sumusunod na URL para sa impormasyon tulad ng “Mga Kwalipikasyon para sa paglipat” at “Mga dapat tandaan tungkol sa paglipat.” http://www.pref.mie.lg.jp/JUTAKU/HP/35745031344.htm *Lahat ng impormasyon ay nasa Japanese. Share! Click to share on Facebook (Opens in new window) Facebook Click to email a link to a friend (Opens in new window) Email Click to share on X (Opens in new window) X Click to share on WhatsApp (Opens in new window) WhatsApp « Ang Tsu Technical School ay Magkakaroon ng Automotive Bodywork at Painting Open School sa Hulyo at Agosto 2025 Iwasan natin ang Heatstroke! » ↑↑ Next Information ↑↑ Ang Tsu Technical School ay Magkakaroon ng Automotive Bodywork at Painting Open School sa Hulyo at Agosto 2025 2025/06/25 Wednesday Anunsyo, Paninirahan 2025年 津高等技術学校 自動車板金・塗装科オープンスクールのお知らせ Share! Click to share on Facebook (Opens in new window) Facebook Click to email a link to a friend (Opens in new window) Email Click to share on X (Opens in new window) X Click to share on WhatsApp (Opens in new window) WhatsApp Ang Tsu Technical School (Tsu Koto Gijutsu Gakko – 津高等技術学校), na matatagpuan sa Tsu City, Mie Prefecture, ay tumatanggap na ngayon ng mga aplikasyon para sa Automotive Bodywork at Painting Open School. Ang event ay naglalayong sa mga taong interesado sa pag-aaral ng mga praktikal na kasanayan at paghahanap ng trabaho sa larangan. Ang registration ay dapat gawin sa pamamagitan ng telepono. Open School Dates Unang edisyon: Hulyo 28, 2025 (Lunes), mula 9:00 a.m. hanggang 12:00 p.m. Mga alternatibong petsa: Hulyo 29 (Martes) o Hulyo 30 (Miyerkules) Ika-2 edisyon: Agosto 3, 2025 (Linggo), mula 9:00 a.m. hanggang 12:00 p.m. Mga alternatibong petsa: Agosto 17 o Agosto 24 (Linggo) Deadline ng pagpaparehistro Para sa unang edisyon: hanggang Hulyo 24 (Huwebes) Para sa ika-2 edisyon: hanggang Hulyo 31 (Huwebes) Target na madla Para sa mga taong interesado sa automotive painting Para sa mga taong marunong makipag-usap sa Japanese Pagpaparehistro at impormasyon Person-in-charge: Professor Tsuji – Automotive Bodywork and Painting Course (Tsu Koto Gijutsu Gakko Jidousha Bankin Toso-ka)) Telepono: 059-234-3135 Address: Tsu-shi Takachaya Komori-cho 1176-2 Available din ang information pamphlet: Português version English version Japanese version Makilahok at mas malaman ang higit pa tungkol sa propesyonal na pagsasanay na inaalok ng Tsu Technical School! Share! Click to share on Facebook (Opens in new window) Facebook Click to email a link to a friend (Opens in new window) Email Click to share on X (Opens in new window) X Click to share on WhatsApp (Opens in new window) WhatsApp