Gamitin natin ng tama ang insurance card! 保険証は正しく使おう! Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp 2019/03/08 Friday Kalusugan at kapakanan [Japanese Public Medical Insurance] Sa Japan, obligado ang mga tao na sumali sa isang pampublikong medical insurance upang maibsan ang kanilang pang-ekonomiyang pasanin kapag sila ay may sakit o nasugatan at upang makapag-pagamot ng kampante pagdating sa pinansyal ng gastos sa pagpapagamot. Ito ay tinatawag na “Kokumin Kai Hoken Seido”. May dalawang uri ng public medical insurance sa Japan. Health Insurance (Kenko Hoken): Ang mga taong nagtatrabaho sa mga kumpanya at mga establisimyento ay dapat sumali sa insurance na ito. Ang paagsali sito ay isasagawa sa kumpanya o opisina kung saan ka nagtatrabaho. Mangyaring makipag-ugnayan sa iyong lugar ng trabaho. National Health Insurance (Kokumin Kenko Hoken): Ang isang tao na hindi maaaring sumali sa health insurance ay dapat sumali. Ang procedure sa pagsali ay gagawin sa munisipal na tanggapan ng munisipyo ng iyong tinitirhang lugar. May mgatreatment na hindi saklaw ng insurance tulad ng aksidente sa trapiko at panganganak. Hindi maaaring magpahiram o humiram o bumili at ibenta ang mga insurance card. [Ang abiso ay kinakailangan sa mga oras tulad ng ito] Kapag nagretiro ka o huminto sa pagtatrabaho mula sa isang kumpanya o opisina (Hindi mo maaaring gamitin ang iyong health insurance card mula sa araw pagkatapos ng iyong pagreretiro. Mangyaring i-surrender agad ang iyong health insurance card at lumipat sa national health insurance) Maaari kang umalis mula sa National Health Insurance (kapag sumali ka sa health insurance sa iyong trabaho) Kapag nawala ang iyong insurance card o kapag nasira ito at marumi Kapag nanganak Kapag nagbago ang head ng household Kapag namatay ang may-ari ng insurance Kapag nagbago ang address Kapag lumipat ka sa ibang bansa ※Ang article na ito ay ibinase sa “Multilingual Living Information” (Local Government Internationalization Association)「多言語生活情報」(一般財団法人自治体国際化協会) Para sa iba pang impormasyon, mangyaring tignan dito. http://www.clair.or.jp/tagengorev/ja/f/index.html Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp « I-dial and 119 upang tumawag ng ambulansya Japanese Medical Culture and Rules » ↑↑ Next Information ↑↑ I-dial and 119 upang tumawag ng ambulansya 2019/03/08 Friday Kalusugan at kapakanan 救急車を呼ぶには119 Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp ・Kung ikaw o ang ibang tao ay nakakaranas ng malubhang sakit o nasugatan at ang mga sintomas ay malubha na sa palagay mo ay kinakailangan ng pagsusuri ng doktor sa lalong madaling panahon, mangyaring humingi ng emergency na tulong. Madadala ang pasyente sa isang institusyong medikal alinsunod sa mga sintomas ng karamdaman o lala ng sugat. ・Tumawag at ipaalam sa 119 at magpapadala agad sila ng ambulansya →Kapag tumawag sa 119, ikokonekta kayo sa fire department. →Ang opisyal ng fire department ay magtatanong kung “Sunog (Kaji)” ba o “Emergency (Kyukyu)”, kalmadong sumagot na “Emergency (Kyuukyu)”. →Sabihin ang lokasyon ng emergency at ang landmark ng lugar. →Sabihin sa operator sa simpleng paraan kung “sino”, “kailan”, “saan”, “anong nangyari”. →Ibigay ang sapat na impormasyon kung gaano karami ang nasugatan, anong sakit, edad at kasarian ng pasyente. →Sabihin ang pangalan at phone number. ・Ang toll charges at transportation costs ay libre, ngunit kailangang magbayad ng medical expenses sa medical institutions. ・Hindi ito maaaring magamit kung hindi naman malala ang sintomas ng sakit at ng sugat. ・Ang 119 ng Yokkaichi City, Kuwana City and Komono-machi ay may “three-way telephone interpreting system”, at available ito sa 5 languages (English, Chinese, Korean, Portuguese, Spanish) Maaaring makipag-ugnayan. (As of February 2019). ・Mga aksyon na kailangang gawin tuwing may emergency (biglaaang pagkasakit o pagkasugat) (video) http://mieinfo.com/ja/video-jp/kenkou-video-jp/kyu-yu-tokini-ni/index.html Ang article na ito ay binase sa “Multilingual Living Information “Local Government Internationalization Association” 「多言語生活情報」(一般財団法人自治体国際化協会). For more information please see here. http://www.clair.or.jp/tagengorev/ja/f/index.html Mangyaring tignan din ang “Ambulance User Manual” (Fire Department)「救急車利用マニュアル」(消防庁) http://www.fdma.go.jp/html/life/kyuukyuusya_manual/pdf/2011/japanese.pdf (日本語) http://www.fdma.go.jp/html/life/kyuukyuusya_manual/pdf/2011/english.pdf (English) http://www.fdma.go.jp/html/life/kyuukyuusya_manual/pdf/2011/chinese.pdf (中文) http://www.fdma.go.jp/html/life/kyuukyuusya_manual/pdf/2011/korean.pdf (한국어) Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp