Kinakailangan and reservation kapag nais pumunta sa dentista. Pahalagahan natin ang oras ng reservation

ほとんどの歯科で予約が必要です!予約時間は守りましょう!

2019/03/06 Wednesday Kalusugan at kapakanan

Ang pag-reserba ay karaniwan tuwing nais pumunta sa dentista. Sundin ang oras ng reservation upang hindi maging late o kanselahin nang walang paunang abiso.

  1. Kapag pupunta sa dentista sa unang pagkakataon

  1. Tuwing follow-up examination

Mangyaring dumirecho sa dental clinic sa tamang oras na naka-schedule na appointment.

  • Sa Japanese dentistry, ang treatment ay hindi natatapos ng isang beses, Kailangang bumalik ng ilang beses. Isa sa mga rason nito ay para hindi masyadong mahirapan ang katawan ng pasyente, atbp. Mangyaring ipagpatuloy hanggang matapos ang treatment.
  • Ang mga treatment ay kadalasang dala sa insurance ngunit may ibang mga treatment na hindi covered ng insurance. Mangyaring kumunsulta ng mabuti sa inyong dentista bago ang treatment.

Mie Prefecture International Student Scholarship – Pagtanggap ng Scholarship para sa taong 2019 –

2019/03/06 Wednesday Kalusugan at kapakanan

三重県留学生奨学金  ―2019年度 奨学生の募集―

Sa Mie Prefecture, upang maitaguyod ang human resources na sagana sa internasyonal na pananaw, kami ay nag-aalok ng scholarships sa mga privately financed na overseas students na nag-aaral abroad, foreign students na nag-aaral sa prefecture, at foreign students na nag-aaral sa isang medical at nursing universities sa prefecture, atbp. Ang mga nilalaman ng recruitment ng scholarship para sa 2019 ay ang mga sumusunod.

[Target at Halaga ng tulong]

Mayroong upper limit sa tuition fee ng papasukang university, ang halaga na ibibigay ay:

  1. Private Expenses hanggang 5 International students   hanggang 1,200,000 yen kada taon (School agreement hanggang 840,000 yen kada taon)
  2. Private Expenses hanggang 5 Foreign students  hanggang 600,000 yen kada taon
  3. Private Expense hanggang 3 Medical / Nursing foreign students   hanggang 600,000 yen kada taon

[Mga kinakailangan sa kwalipikasyon]

  1. Privately financed na overseas international students (na nagnanais na mag-aral abroad, simula sa April 1, 2019)
    1. Sa mga mayroong address sa Mie prefecture na patuloy ng mahigit isang taon, o ang kanilang anak.
    2. Kapag ikaw ay isang foreign national at matugunan ang isa sa mga kundisyon na nakasaad sa ibaba.

① Sa mga tao na may alin sa residence status na “Permanent Resident”, “Spouse of Japanese, etc.”, “Spouse of Permanent Resident etc.”, “Settlers”, at mayroong address sa Mie prefecture na patuloy ng mahigit isang taon.

② Sa mga tao na may “Special Permanent Resident” status of residence at mayroong address sa Mie prefecture na patuloy ng mahigit isang taon.

③ Yaong mga magkasya sa mga item ① at ②, atbp.

  1. Privately financed na foreign international students na pumapasok sa universities, atbp. sa prefecture.
  2. Privately financed na foreign students na pumapasok sa doctor at nurse training institutions ng prefecture.

* Dapat ay 40 years old pababa simula sa April 1, 2019

[Panahon ng pagtanggap]

Simula Marso 4, 2019 (Lunes) hanggang Abril 19 (Biyernes) hanggang 5pm (Hindi lampas, Maaring by mail)

[Paraan ng pag-apply]

Para sa mga detalye, manyaring makipag-ugnayan sa Mie-ken Kokusai Koryu Zaidan.

Pagkatapos ng Abril 1, 2019, mangyaring makipag-ugnayan sa Mie-ken Kankyo Seikatsu-bu Diversity Shakai Suishin-ka

Kapag ikaw ay isang foreign student, mangyaring kumunsulta sa International Student Affairs Division ng iyong university.

[Makipag-ugnayan sa]

Koeki Zaidanhojin Mie-ken Kokusai Koryu Zaidan
Address 〒514-0009 Tsu-shi Hadokoro-cho 700 UST-TSU 3F
TEL    059-223-5006  FAX  059-223-5007 E-mail  mief@mief.or.jp

*Simula Abril 1, 2019, makipag-ugnayan sa:

Mieken Kankyo Seikatsu-bu Diversity Shakai Suishin-ka Tabunkakyosei-han
Address 〒514-0009 Tsu-shi Hadokoro-cho 700 UST-TSU 3F
TEL  059-222-5974  FAX  059-222-5984  E-mail  tabunka@pref.mie.jp