Ang Nobyembre at Disyembre ay ang Prefectural Tax “Seizure Strengthening Month”

11月・12月は県税の「差押強化月間」です

2019/10/31 Thursday Kultura at Libangan

Ang mga buwis na binabayaran ng mga mamamayan ay ginagamit para sa kapakinabangan ng lipunan.  Ang mga buwis ay dapat bayaran sa loob ng nakatakdang panahon.  Karamihan sa mga tao ay nag-aambag sa loob ng panahon, kaya hindi patas ang pagkakaroon ng mga taong hindi nagbabayad ng kanilang mga buwis.

Samakatuwid, ang prefecture ay magsasagawa ng mga parusa batay sa konstitusyon para sa mga taong hindi nagbabayad ng kanilang mga buwis ng lalawigan kahit na may mga ari-arian at at mga natatanggap na sweldo (sa Japanese, ang mga taong ito ay itinuturing na “tainousha”).

Itinakda ng prefecture ang “Mga Buwan ng Pagkumpiska at Inspeksyon ng Ari-arian” para sa Nobyembre at Disyembre, at ang Tax Office ng 8 na prefecture ay magsasagawa ng pagkumpiska ng mga ari-arian.

Ang mga asset tulad ng suweldo, mga accounts na matatanggap, mga savings at deposito, life insurance, seguridad sa pananalapi, mga sasakyan, real estate at marami pang iba ay napapailalim sa pag-kumpiska.

Para sa “Automobile Seizure” isang “Tire Lock” ang maaaring mai-install upang hindi ito magamit. Ang mga nasamsam na sasakyan, real estate, at iba pa ay ibebenta sa pampublikong auction sa internet at gagamitin ito para sa mga buwis na hindi nabayaran.

Bilang karagdagan, maaari din isagawa ang isang panukalang tinatawag na “Search” ito ay upang matuklasan kung may mga tinatagong ari-arian na maaring isama sa seizure. Ang prefecture tax na “seizure strengthening month” ay para sa dalawang buwan ng Nobyembre at Disyembre, ngunit maaari din isagawa ang seizure sa anumang oras kahit na sa ibang mga panahon.

Sa mga hindi nagbabayad ng prefectural tax, mangyaring siguraduhing bayaran ito sa lalong madaling panahon.

Reference

  • Main prefectural taxes na nakolekta ng prefectural tax offices: automobile tax, personal business tax, real estate acquisition tax, atbp.
  • Bilang ng mga naisagawang seizures sa taong FY2018: 4,992

Makipag-ugnayan sa

 Mie General Affairs Section Tax Revenue Department

(Mie-ken Soumu-bu Zeishu Kakuho-ka)

TEL 059-224-2131

Instagram #visitmie Campaign – Mag-post ng mga attractions ng Mie Prefecture at manalo ng prizes!

2019/10/31 Thursday Kultura at Libangan

インスタグラム #visitmieキャンペーン ~色とりどりの三重県の魅力を発信して賞品をゲットしよう~

Gamit ang temang: “#visitmie Celebrate the Colors” (Ipagdiwang natin ang mga kulay ng Mie), ang Mie Prefecture ay pinagsasama ang mga post sa Instagram na nagpapakita ng seasonal events tulad ng mga fireworks at fiesta, magagandang tanawin at karanasan na maaari mo lamang makita at madama sa Mie.

Inaanyayahan ang lahat na mag-post ng mga larawan at video sa loob ng prefecture at magkaroon ng tyansang manalo ng premyo.  May mga magagandang premyo ang nakahanda para sa kampanyang ito.

※Para sa mga detalye, mangyaring tingnan ang mga event pages para sa campaign na ito mula sa sumusunod na URL:
https://visitmie.jp/ja/ (Japanese version)
https://visitmie.jp/en/ (English version)

※Instagram Account:
English: @visitmie
Thai: @visitmie_th
Chinese (Traditional Chinese): @visitmie_tw

Paraan ng pagapply

  1. IFollow ang official Instagram account ng Mie Prefecture [@visitmie]
  2. Gamitin ang hashtag na [#visitmie] sa inyong Instagram account kapag magpo-post

Maaari din isali ang mga photos na kinuha kahit bago pa nagsimula ang campaign period.

Tignan ang poster dito (JapaneseEnglish)

Tungkol as mga prizes at giveaways

Bukod pa sa “Governor of Mie Award” para sa best publication, may mga giveaways din na inihanda ang mga sponsor na tourism companies ng iba’t-ibang rehiyon .

Tignan ang mga giveaways sa link na ito.

Promotion period

Second stage: October 1, 2019 (Martes) hanggang January 6, 2020 (Lunes)

 Announcement ng resulta

Ang results ng second stage ay ia-anunsyo sa campaign website sa unang bahagi ng February.

 Iba pang mga detalye

Gaganapin din ang #visitmie Supporter 2019.  Kung mahilig ka sa paglalakbay, sa culinary ng Mie, pagkuha ng mga larawan at video o nais mo lamang na maikalat ang kagandahan ng Mie Prefecture sa mundo, tignan ang website sa ibaba at maging isang tagasuporta.

https://visitmie.jp/ja/supporter/

Contact Information

E-mail: info@visitmie.jp (administrative office)

* Mail :info@visitmie.jp (Administrative Office)
* Ang mga Inquiries ay simula 10:00 ~ 17:00. Sasagutin namin ang mga katanungan ng magkakasunod sunod.
* Mangyaring tandaan na maaaring maantala ang tugon ng inyong mga katanungan independe sa nilalaman.