Kamakailan lamang, ang tinatawag na “parallel imported products” (heiko yunyu-hin) at “personal imported products” (kojin yunyu-hin) ay malawak na ipinagbibili sa Internet dahil ang mga ito ay mas mura kaysa sa mga “genuine imported products” (seiki yunyu-hin).
Gayunpaman, may mga problemang nagaganap tulad ng mga produkto na nagdudulot ng mga epekto dahil sa pagkakaroon ng hindi magandang kalidad, na nagiging sanhi ng mga problema sa balat lalo na sa mga makeup o hindi na maibalik ang item kahit ito ay na-recall na.
Kapag bibili ng parallel o personal imported products galing abroad, kailangan mong maunawaan ang mga panganib at bumili lamang mula sa isang maaasahang seller.
*1 – Ang Parallel Imported Products (heiko yunyu-hin) ay mga produkto na na-import sa pamamagitan ng mga ruta maliban sa mga ruta ng mga tunay na produkto, hindi sila na-import sa Japan sa pamamagitan ng mga foreign affiliate o mga factory sa Japan at iba pang mga opisyal na tindahan na may mga kontrata sa pagbebenta.
*2 – Ang Personal imported products (kojin yunyu-hin) ay mga produktong binili nang direkta mula sa ibang bansa para sa personal na paggamit.
< Mga payo upang maiwasan ang problema >
- Ang Parallel imported products at personal imported products na dumadating sa Japan ay maaaaring iba keysa sa genuine products na kung saan mayroong instructions at safety measures. Bilhin ang mga ito na tandaan na maaaring naiiba sila sa mga tunay na produkto sa Japan.
- Purchase the products after verifying the seller’s address, return conditions and other details in the contract.
- Kumpirmahin na ang produkto ay hindi naka-recall bago ito bilhin.
- Kumpirmahin ang impormasyon ng contact ng nagbebenta at siguraduhin na nai-save mo ito.
<Mie Info materials>
Mahalagang puntos upang hindi makasali sa mga isyu sa online na bentahan
https://mieinfo.com/tl/video-tg/impormasyon/ecommerce/index.html
Alamin Kung paano hindi makasali sa Mga Isyu sa Pamimili sa Online ~
Mahalagang Mga Punto Tungkol sa Overseas Internet Shopping ~
https://mieinfo.com/tl/nilalaman/anunsyo/upang-hindi-makaranas-ng-problema-sa-internet-shopping-mga-puntos-na-kailangang-pansinin-tuwing-gagamit-ng-overseas-online-mail-order/index.html
Consultation Center
Consumer Hotline:
TEL: 188
Sa pagtawag, magkakaroon ng voice guidance at ang tawag ay mata-transmit sa pinakamalapit Municipal Consumer Consultation Center or to the Mie Provincial Consumer Center.
Kung nagkakaroon ka ng mga problema sa mga produktong binili mula sa mga nagbebenta sa ibang bansa, mangyaring kumunsulta sa Transnational Consumer Protection Center. (Ekkyo Shouhisha Center)
https://www.ccj.kokusen.go.jp/sdn_process
FAX: 03-3443-8879
I-Click dito upang mabuksan ang consultation form.
* Ang mga konsultasyon ay sa pamamagitan ng FAX o online form lamang. Walang mga konsultasyon sa telepono.
* Ang mga konsultasyon ay nasa wikang Hapon lamang.
* Ang mga konsultasyon ay hindi kasama ang mga transaksyon sa pagitan ng mga indibidwal o sa pagitan ng mga mangangalakal.
Reference: “Important Points when Purchasing Parallel Imported Products and Personal Imported Products from Abroad” from the Consumer Department.
https://www.caa.go.jp/notice/assets/consumer_safety_cms204_190830_01.pdf