Sundin ang “Limang Panuntunan para sa Ligtas na Paggamit ng Bisikleta” 「自転車安全利用五則」を守りましょう Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp 2024/05/21 Tuesday Anunsyo, Kaligtasan Kapag nagbibisikleta, sundin ang limang panuntunan sa ibaba Sa pangkalahatan, ang mga siklista ay dapat magmaneho ng bike sa kalsada Manatiling magmaneho sa kaliwang bahagi ng kalsada. Maaari kang dumaan sa mga bangketa kung saan may mga “bicycles allowed” signs, ngunit ang mga pedestrian pa din ang may karapatan sa daan! Ang mga bisikleta ay itinuturing na “light vehicle”. Sa mga kalsada kung saan may pagitan ng bangketa at kalsada, sa pangkalahatan ay dapat kang magmaneho sa kalsada. Magmaneho sa kaliwang bahagi ng kalsada. Kung may karatula sa kalsada na nagsasabing “pwede ang mga bisikleta”, maaari kang dumaan sa bangketa, ngunit dahan-dahang tumakbo sa gilid ng kalsada sa bilis na nagpapahintulot sa iyo na huminto kaagad. Kapag nagmamaneho sa bangketa, bigyang-priyoridad ang mga pedestrian. Sundin ang mga traffic lights at mga stop sign sa mga intersection at tingnan kung ligtas Palaging sundin ang mga traffic light sa mga intersection. Laging huminto sa mga stop sign at tingnan kung ligtas. I-on ang iyong mga headlight sa gabi Kung hindi mo bubuksan ang iyong mga headlight, hindi mo makikita ang unahan. Napakadelikado dahil mahihirapan kang makita ng iba. Buksan ang iyong mga headlight sa gabi at gumamit ng mga reflective na materyales. Ipinagbabawal ang pag-inom ng alak at pagmamaneho. Tulad ng pagmamaneho ng kotse, hindi ka dapat magmaneho kung nakainom ka ng alak. Magsuot ng helmet Ang paggamit ng helmet ay nagbabawas ng pinsala sa kaganapan ng isang aksidente sa trapiko. Magsuot ng helmet kapag nagbibisikleta. i-click dito upang makita ang pamphlet (sa wikang Japanese lamang). Para sa iba pang impormasyon. Makipag-ugnayan sa Mie-ken Kankyo Seikatsu-bu Kurashi/Koutsu Anzen-ka Koutsu Anzen-han (三重県 環境生活部 くらし・交通安全課 交通安全班) Telephone number: 059-224-2410 Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp « Mie Prefectural Tsu Technical College – open na ang pagpaparehistro para sa kursong automotive painting at sheet metal para sa Oktubre Ang Ilegal poaching ay isang krimen! Hindi maaaring dahilan ang “Hindi ko alam na bawal”! » ↑↑ Next Information ↑↑ Mie Prefectural Tsu Technical College – open na ang pagpaparehistro para sa kursong automotive painting at sheet metal para sa Oktubre 2024/05/21 Tuesday Anunsyo, Kaligtasan 三重県立津高等技術学校 自動車板金・塗装科10月生を募集します。 Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp Ang sheet metal at automotive painting course ay bahagi ng proseso ng pagpapanumbalik at muling pagaayos ng mga nasirang sasakyan sa kanilang orihinal na estado. Sa loob ng 5 buwan, ang mga mag-aaral ay magkakaroon ng kaalaman at kasanayan sa sheet metal at automotive painting na magagamit nila upang makahanap ng trabaho sa mga sektor na ito. Training period Oktubre 10, 2024 – Marso 5, 2025 (9:30-15:40) Libre ang tuition fee Gayunpaman, may halagang humigit-kumulang 10,000 yen na kinakailangan para sa mga bagay tulad ng protective gear at disaster insurance, na pag-aari ng mag-aaral. Sino ang maaaring makapag apply? Ang mga nag-apply ng trabaho sa Public Employment Security Office (Hello Work). Mga dayuhang may residence status na walang restrictions sa kanilang visa sa pagtatrabaho. *Gayunpaman, ang mga kandidato ay dapat na marunong ng daily conversational na Japanese at marunong magbasa at magsulat ng Hiragana. Ang mga walang o kaunting karanasan sa trabaho. Ang mga gustong magtrabaho at dapat may independent profession. Para makasali sa kursong pagsasanay, kakailanganin mo ng instruction, rekomendasyon, o pansuportang instructions mula sa pinuno ng Public Employment Security Office (Kokyo Jigyou Antei Shocho -公共職業安定所長). Para sa mga detalye sa pamamaraan ng pag rehistro, mangyaring sumangguni sa gabay sa aplikasyon. Registration guide (Portuguese) Registration guide (Spanish) Registration guide (English) Registration guide (Japanese) I-cick dito upang makita ang pamphlet sa pagpapa-rehistro (Japanese). Para sa mga importasyon, makipag-ugnayan sa Tsuji, head of the Sheet Metal and Automotive Painting Department, Tsu Technical School 〒514-0817 Tsu-shi Takachaya Komori-cho 1176-2 059-234-3135 Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp