Ang Ilegal poaching ay isang krimen! Hindi maaaring dahilan ang “Hindi ko alam na bawal”!

密漁は犯罪です!「知らなかった」は通用しません

2024/05/29 Wednesday Anunsyo, Kultura at Libangan

Ang mga dagat ng Japan ay tahanan ng iba’t ibang isda, shellfish, at seaweed, ngunit naging problema ang poaching.

Upang maiwasan ang poaching, binago ang batas noong 2018. Ang mga lalabag ay papatawan ng mabibigat na parusa.

[Mgaapapailalim sa illegal poaching]

Abalone (awabi), sea cucumbers (namako), glass eel fry (young fish) (shirasu unagi)

→ Parusa: pagkakulong ng hanggang tatlong taon o multang hanggang 30 milyong yen.

Vôngole (asari), clams (hamaguri), sea snail (sazae), Ise-ebi lobster, octopus (tako), sea urchins (uni), wakame algae, etc.

→Mga multa na hanggang 1 milyong yen.

Kung hindi mo susundin ang mga patakaran, maaari kang maparusahan para sa ilegal na pangingisda.

Tingnan ang mga halimbawa ng ilegal na pangingisda sa ibaba:

  • Halimbawa) Nangisda ako at nagkataong nakahuli ako ng octopus, kaya inuwi ko ito.
  • Halimbawa) Naglalaro ako sa dalampasigan at nakakita ako ng sea cucumber at pinulot ko ito.
  • Halimbawa) Akala ko ok lang kahit kainin ko.
  • Halimbawa) Akala ko okay lang kahit tinikman ko lang ng kaunti.

Kahit na kakainin mo lang ito kasama ng iyong pamilya at wala kang balak na ibenta ito sa sinuman, huwag mong hulihin.

Kung sakaling makahuli ka ng isa, mangyaring ibalik ito kaagad sa dagat.

“Mga panuntunan para sa paghuli ng mga lamang dagat ” 捉海洋生物的规则 (sa wikang Chinese)

“Mga panuntunan para sa paghuli ng mga lamang dagat” Aturan untuk menangkap makhluk laut (sa wikang Indonesian)

“Mga panuntunan para sa paghuli ng mga lamang dagat” Quy tắ c đánh bắ t sinh vắ t biể n (sa wikang Vietnamese)

Contact information *sa wikang Japanese lamang

Daiyon Kanku Kaijou Hoanbu Keibi Kyunanbu Keijika (第四管区海上保安部警備救難部刑事課)

TEL: 052-661-1611

Mie-ken Nōrin Suisanbu Suisan Shigen Kanrika (三重県農林水産部水産資源管理課)

TEL: 059-224-2582

Sundin ang “Limang Panuntunan para sa Ligtas na Paggamit ng Bisikleta”

2024/05/29 Wednesday Anunsyo, Kultura at Libangan

「自転車安全利用五則」を守りましょう

Kapag nagbibisikleta, sundin ang limang panuntunan sa ibaba

  1. Sa pangkalahatan, ang mga siklista ay dapat magmaneho ng bike sa kalsada

Manatiling magmaneho sa kaliwang bahagi ng kalsada.

Maaari kang dumaan sa mga bangketa kung saan may mga “bicycles allowed” signs, ngunit ang mga pedestrian pa din ang may karapatan sa daan!

  • Ang mga bisikleta ay itinuturing na “light vehicle”.
  • Sa mga kalsada kung saan may pagitan ng bangketa at kalsada, sa pangkalahatan ay dapat kang magmaneho sa kalsada.
  • Magmaneho sa kaliwang bahagi ng kalsada.
  • Kung may karatula sa kalsada na nagsasabing “pwede ang mga bisikleta”, maaari kang dumaan sa bangketa, ngunit dahan-dahang tumakbo sa gilid ng kalsada sa bilis na nagpapahintulot sa iyo na huminto kaagad.
  • Kapag nagmamaneho sa bangketa, bigyang-priyoridad ang mga pedestrian.
  1. Sundin ang mga traffic lights at mga stop sign sa mga intersection at tingnan kung ligtas
  • Palaging sundin ang mga traffic light sa mga intersection.
  • Laging huminto sa mga stop sign at tingnan kung ligtas.
  1. I-on ang iyong mga headlight sa gabi
  • Kung hindi mo bubuksan ang iyong mga headlight, hindi mo makikita ang unahan.
  • Napakadelikado dahil mahihirapan kang makita ng iba.
  • Buksan ang iyong mga headlight sa gabi at gumamit ng mga reflective na materyales.
  1. Ipinagbabawal ang pag-inom ng alak at pagmamaneho.
  • Tulad ng pagmamaneho ng kotse, hindi ka dapat magmaneho kung nakainom ka ng alak.
  1. Magsuot ng helmet
  • Ang paggamit ng helmet ay nagbabawas ng pinsala sa kaganapan ng isang aksidente sa trapiko.
  • Magsuot ng helmet kapag nagbibisikleta.

i-click dito upang makita ang pamphlet (sa wikang Japanese lamang).

Para sa iba pang impormasyon. Makipag-ugnayan sa

Mie-ken Kankyo Seikatsu-bu Kurashi/Koutsu Anzen-ka Koutsu Anzen-han (三重県 環境生活部 くらし・交通安全課 交通安全班)

Telephone number: 059-224-2410