Tungo sa isang Mie Prefecture kung saan ang lahat ng mga bata ay maaaring mamuhay nang mapayapa ~Available na ngayon ang mga pamphlet na nasa iba’t-ibang wika para sa “Mie Prefecture Children’s Ordinance”~

すべての子どもが安心して暮らせる三重県へ ~「三重県子ども条例」の外国語版パンフレットができました~

2025/12/15 Monday Anunsyo, Kaligtasan

Alinsunod sa mga prinsipyo ng Convention on the Rights of the Child, binago ng Mie Prefecture ang “Mie Prefecture Children’s Ordinance” noong Marso 2025, na naglalayong maisakatuparan ang isang lipunan kung saan ginagarantiyahan ang mga karapatan ng mga bata at maaaring mabuhay ang mga bata nang may mga pangarap at pag-asa para sa hinaharap.

Upang mapataas ang kamalayan tungkol sa mahalagang ordinansang ito, naghanda kami ng mga polyeto sa iba’t ibang wika. Pakibasa ang mga ito kasama ang iyong pamilya at mga miyembro ng lokal na komunidad.

▼ “Available na ngayon ang Mie Prefecture Children’s Ordinance Awareness Pamphlet ”
Link: https://pangletos.pref.mie.lg.jp/SHOSHIKA/HP/m0329700335.htm

▼ Maaaring ma download ang pamphlet sa link na ito:

Para sa mga batang nasa grade 1-3 ng elementary school:

Para sa mga batang nasa grade 4-6 ng elementary school.

Para sa mga High school at college students

Para sa mga matatanda

▽Ano ang mga pinahahalagahan ng ordinansa (mga pangunahing prinsipyo)

  1. Ang mga bata ay may mga karapatan mula pa sa kapanganakan at hindi dapat dumanas ng anumang uri ng diskriminasyon, anuman ang dahilan.
  2. Ang buhay at kalusugan ng mga bata ay dapat protektahan, at dapat silang lumaking malusog.
  3. Ang mga bata ay maaaring magpahayag ng kanilang sariling mga opinyon at lumahok sa iba’t ibang aktibidad sa lipunan.
  4. Ang mga opinyon ng mga bata ay dapat igalang, at ang kanilang mga interes ay dapat palaging isaalang-alang.

Ang pagprotekta sa mga karapatan ng mga bata ay hindi lamang responsibilidad ng prefecture.

Ang mga magulang at tagapag-alaga, mga negosyo, mga paaralan, at iba pa na kasangkot – lahat ng tao sa lipunan – ay may mahalagang papel na dapat gampanan.

Magtulungan tayo upang suportahan ang paglaki ng mga bata.

▽ Tungkol sa binagong bersyon ng “Mga Regulasyon ng mga Bata ng Prefecture ng Mie” (sa wikang Japanese lamang)
Link: https://www.pref.mie.lg.jp/SHOSHIKA/HP/m0329700298.htm

Magsasagawa ang Prefectural Museum ng Exhibition na “Fundamentals ng Western Painting” na naka “Easy Japanese”

2025/12/15 Monday Anunsyo, Kaligtasan

Ang Mie Prefectural Museum of Art ay nagbukas noong September 1982. Mayroon itong humigit kumulang 6,000 na art works, kasama ang paintings at sculptures. Karamihan sa collections ay paintings na tinatawag na yōga (Western painting).

Anong klase ng painting ang Western painting? Sa panahon na ito, para ma-appreciate ng lahat ang mga likha na ito, ang museum ay naghanda ng mga explanation sa mga paintings na naka “Easy Japanese.”

Ang “Easy Japanese” ay isang uri ng Japanese na umiiwas na gumamit ng mahihirap na words at pinapaliwanag sa mga nakikinig  upang madaling maintindihan.  Halina’t tangkilikin ang museum na gumagamit ng “easy Japanese.”

(1) Panahon

Mula December 23, 2025 (Martes) hanggang Marso 29, 2026 (Linggo)

(2) Opening Hours

9:30 AM hanggang 5:00 PM (4:30 PM ang last entrance)

(3) Araw na sarrado

Kada Lunes

(Exceptions: bukas sa January 12 and February 23; kapalit nito, sarado ang January 13 at February 24.)

Sarado mula sa December 29, 2025 (Lunes) hanggang January 3, 2026 (Sabado).

(4) Admission sa exhibition na ito

  • Adults: 310 yen
  • University students: 210 yen
  • High school students o mas bata pa: Free (0 yen)
  • Taong may disability card at isang companion: Free (0 yen)

*May hiwalay na bayad sa pagpasok para sa mga pansamantalang eksibisyon (mga espesyal na eksibisyon). Mangyaring magtanong sa reception desk.

(5) Lugar at contact information

Mie Prefectural Art Museum
〒514-0007 Mie-ken Tsu-shi Otani-cho 11
Tel: 059-227-2100
Fax: 059-223-0570
Site: https://www.bunka.pref.mie.lg.jp/art-museum/