Makilahok sa survey (Hanggang Pebrero 13, 2026)

2025/12/15 Monday Anunsyo, Paninirahan

Ang Mie Prefecture ay nagsasagawa ng isang survey ng opinyon kasama ang mga dayuhang naninirahan sa Mie upang gawing mas komportable at mas ligtas na lugar ang rehiyon para sa mga dayuhan at Hapon.

Ang inyong mga tugon ay gagamitin upang bumuo ng mas komportable at mas ligtas na pamumuhay sa Mie Prefecture.

Umaasa ang prefecture sa inyong kooperasyon sa pagsagot sa questionnaire.

* Aabutin ng humigit-kumulang 1 hanggang 2 minuto ang pagsagot

Maaari kayong sumagot sa wikang Indonesian, Vietnamese, Espanyol, Portuguese, Chinese, English, at Japanese.

Questionnaire sa Indonesian:
https://logoform.jp/form/8vMX/1313771

Questionnaire sa vietnamita:
https://logoform.jp/form/8vMX/1320167

Questionnaire sa Spanish:
https://logoform.jp/form/8vMX/1315573

Questionnaire sa Portuguese:
https://logoform.jp/form/8vMX/1320405

Questionnaire sa Chinese:
https://logoform.jp/form/8vMX/1320003

Questionnaire sa English:
https://logoform.jp/form/8vMX/1320583

Questionnaire sa Japanese:
https://logoform.jp/form/8vMX/1314772

The informational pamphlet can be viewed here (includes QR code)..

Tungo sa isang Mie Prefecture kung saan ang lahat ng mga bata ay maaaring mamuhay nang mapayapa ~Available na ngayon ang mga pamphlet na nasa iba’t-ibang wika para sa “Mie Prefecture Children’s Ordinance”~

2025/12/15 Monday Anunsyo, Paninirahan

すべての子どもが安心して暮らせる三重県へ ~「三重県子ども条例」の外国語版パンフレットができました~

Alinsunod sa mga prinsipyo ng Convention on the Rights of the Child, binago ng Mie Prefecture ang “Mie Prefecture Children’s Ordinance” noong Marso 2025, na naglalayong maisakatuparan ang isang lipunan kung saan ginagarantiyahan ang mga karapatan ng mga bata at maaaring mabuhay ang mga bata nang may mga pangarap at pag-asa para sa hinaharap.

Upang mapataas ang kamalayan tungkol sa mahalagang ordinansang ito, naghanda kami ng mga polyeto sa iba’t ibang wika. Pakibasa ang mga ito kasama ang iyong pamilya at mga miyembro ng lokal na komunidad.

▼ “Available na ngayon ang Mie Prefecture Children’s Ordinance Awareness Pamphlet ”
Link: https://pangletos.pref.mie.lg.jp/SHOSHIKA/HP/m0329700335.htm

▼ Maaaring ma download ang pamphlet sa link na ito:

Para sa mga batang nasa grade 1-3 ng elementary school:

Para sa mga batang nasa grade 4-6 ng elementary school.

Para sa mga High school at college students

Para sa mga matatanda

▽Ano ang mga pinahahalagahan ng ordinansa (mga pangunahing prinsipyo)

  1. Ang mga bata ay may mga karapatan mula pa sa kapanganakan at hindi dapat dumanas ng anumang uri ng diskriminasyon, anuman ang dahilan.
  2. Ang buhay at kalusugan ng mga bata ay dapat protektahan, at dapat silang lumaking malusog.
  3. Ang mga bata ay maaaring magpahayag ng kanilang sariling mga opinyon at lumahok sa iba’t ibang aktibidad sa lipunan.
  4. Ang mga opinyon ng mga bata ay dapat igalang, at ang kanilang mga interes ay dapat palaging isaalang-alang.

Ang pagprotekta sa mga karapatan ng mga bata ay hindi lamang responsibilidad ng prefecture.

Ang mga magulang at tagapag-alaga, mga negosyo, mga paaralan, at iba pa na kasangkot – lahat ng tao sa lipunan – ay may mahalagang papel na dapat gampanan.

Magtulungan tayo upang suportahan ang paglaki ng mga bata.

▽ Tungkol sa binagong bersyon ng “Mga Regulasyon ng mga Bata ng Prefecture ng Mie” (sa wikang Japanese lamang)
Link: https://www.pref.mie.lg.jp/SHOSHIKA/HP/m0329700298.htm