Magsasagawa ang Prefectural Museum ng Exhibition na “Fundamentals ng Western Painting” na naka “Easy Japanese” 三重県立美術館 「やさしい日本語」による展示「洋画のきほん」を開催します Share! Click to share on Facebook (Opens in new window) Facebook Click to email a link to a friend (Opens in new window) Email Click to share on X (Opens in new window) X Click to share on WhatsApp (Opens in new window) WhatsApp 2025/12/12 Friday Anunsyo, Edukasyon Ang Mie Prefectural Museum of Art ay nagbukas noong September 1982. Mayroon itong humigit kumulang 6,000 na art works, kasama ang paintings at sculptures. Karamihan sa collections ay paintings na tinatawag na yōga (Western painting). Anong klase ng painting ang Western painting? Sa panahon na ito, para ma-appreciate ng lahat ang mga likha na ito, ang museum ay naghanda ng mga explanation sa mga paintings na naka “Easy Japanese.” Ang “Easy Japanese” ay isang uri ng Japanese na umiiwas na gumamit ng mahihirap na words at pinapaliwanag sa mga nakikinig upang madaling maintindihan. Halina’t tangkilikin ang museum na gumagamit ng “easy Japanese.” (1) Panahon Mula December 23, 2025 (Martes) hanggang Marso 29, 2026 (Linggo) (2) Opening Hours 9:30 AM hanggang 5:00 PM (4:30 PM ang last entrance) (3) Araw na sarrado Kada Lunes (Exceptions: bukas sa January 12 and February 23; kapalit nito, sarado ang January 13 at February 24.) Sarado mula sa December 29, 2025 (Lunes) hanggang January 3, 2026 (Sabado). (4) Admission sa exhibition na ito Adults: 310 yen University students: 210 yen High school students o mas bata pa: Free (0 yen) Taong may disability card at isang companion: Free (0 yen) *May hiwalay na bayad sa pagpasok para sa mga pansamantalang eksibisyon (mga espesyal na eksibisyon). Mangyaring magtanong sa reception desk. (5) Lugar at contact information Mie Prefectural Art Museum 〒514-0007 Mie-ken Tsu-shi Otani-cho 11 Tel: 059-227-2100 Fax: 059-223-0570 Site: https://www.bunka.pref.mie.lg.jp/art-museum/ Share! Click to share on Facebook (Opens in new window) Facebook Click to email a link to a friend (Opens in new window) Email Click to share on X (Opens in new window) X Click to share on WhatsApp (Opens in new window) WhatsApp « Mag-ingat sa mga Engkwentro ng Oso (Bears) Tungo sa isang Mie Prefecture kung saan ang lahat ng mga bata ay maaaring mamuhay nang mapayapa ~Available na ngayon ang mga pamphlet na nasa iba’t-ibang wika para sa “Mie Prefecture Children’s Ordinance”~ » ↑↑ Next Information ↑↑ Mag-ingat sa mga Engkwentro ng Oso (Bears) 2025/12/12 Friday Anunsyo, Edukasyon クマの出没にご注意ください。 Share! Click to share on Facebook (Opens in new window) Facebook Click to email a link to a friend (Opens in new window) Email Click to share on X (Opens in new window) X Click to share on WhatsApp (Opens in new window) WhatsApp Dumarami ang bilang ng mga nakikitang oso sa Mie Prefecture. May posibilidad na makasalubong ng isang Asiatic black bear (Tsukinowaguma) sa anumang lugar sa prefecture, kaya maging maingat. Para maiwasan ang makasalubong ng oso Kapag pupunta sa mga bundok, magdala ng mga bagay na maingay, tulad ng mga bells, sipol, o radyo, at iwasan ang maglakad nang mag-isa. Ang mga tunog na ito ay nagbabala sa oso tungkol sa presensya ng tao at tumutulong ito na maiwasan ang engkwentro. Magbigay ng karagdagang atensyon sa madaling araw, takipsilim, at sa mga araw na may malakas na ulan o malakas na hangin. Sa umaga bago sumikat anag araw at dapit hapon ang mga panahon ng pinakamalaking aktibidad para sa Asiatic black bear. Bukod pa rito, ang ulan at hangin ay nagpapahirap sa oso na maramdaman ang presensya ng tao, na nagpapataas ng panganib ng mga engkwentro. Iwasan ang pagpasok sa mga lugar na may low visibility o masukal na lugar. Maaari kang biglang makasalubong ng oso. Para maiwasan ang maka-akit ng mga oso Alisin ang anumang bagay na maaaring magsilbing pagkain ng oso (organikong basura, nalaglag na prutas, hindi nagamit na mga pananim, atbp.) at iimbak ang mga bagay na maaaring makaakit sa kanila (pakain ng hayop, pintura, panggatong, atbp.) sa mga nakakandado o maayos na kontroladong lokasyon. Gupitin at linisin ang mga masukal na halaman upang mabawasan ang posibilidad na makakita ng oso. Kung makakasalubong ka ng oso Panatilihin ang iyong mga mata sa oso at dahan-dahang umatras palayo sa lugar. Ang pagtalikod o pagtakas ay mapanganib at maaaring atakihin ng oso. Kung umatake ang oso, sumilong o depensahan ang sarili Protektahan ang iyong sarili sa pamamagitan ng pagsilong sa isang gusali o kotse, depensahan ang sarili (humiga nang nakadapa na ang iyong mga kamay ay nasa likod ng iyong leeg), o pag-spray ng bear spray. Tungkol sa Bear Sighting Information App para sa mga Smartphones Makakakuha ka ng impormasyon tungkol sa mga nakitang oso. Aabisuhan ka ng alert function kapag lumapit ka sa isang nakitang oso. (Simula Disyembre 2025, ang app ay available lamang sa wikang Japanese.) Maari mong ma-download ang Android app dito. Maari mong ma-download iOS/iPadOS app dito. Kakailanganin ang Login ID at password para mabuksan ang app Login ID: miekuma Password: miekuma (Ang login ID at password ay magkaparehas.) Share! Click to share on Facebook (Opens in new window) Facebook Click to email a link to a friend (Opens in new window) Email Click to share on X (Opens in new window) X Click to share on WhatsApp (Opens in new window) WhatsApp