Mag-ingat sa mga Engkwentro ng Oso (Bears)

2025/11/30 Sunday Anunsyo, Kaligtasan

Dumarami ang bilang ng mga nakikitang oso sa Mie Prefecture. May posibilidad na makasalubong ng isang Asiatic black bear (Tsukinowaguma) sa anumang lugar sa prefecture, kaya maging maingat.

Para maiwasan ang makasalubong ng oso

  • Kapag pupunta sa mga bundok, magdala ng mga bagay na maingay, tulad ng mga bells, sipol, o radyo, at iwasan ang maglakad nang mag-isa. Ang mga tunog na ito ay nagbabala sa oso tungkol sa presensya ng tao at tumutulong ito na maiwasan ang engkwentro.
  • Magbigay ng karagdagang atensyon sa madaling araw, takipsilim, at sa mga araw na may malakas na ulan o malakas na hangin. Sa umaga bago sumikat anag araw at dapit hapon ang mga panahon ng pinakamalaking aktibidad para sa Asiatic black bear. Bukod pa rito, ang ulan at hangin ay nagpapahirap sa oso na maramdaman ang presensya ng tao, na nagpapataas ng panganib ng mga engkwentro.
  • Iwasan ang pagpasok sa mga lugar na may low visibility o masukal na lugar. Maaari kang biglang makasalubong ng oso.

Para maiwasan ang maka-akit ng mga oso

  • Alisin ang anumang bagay na maaaring magsilbing pagkain ng oso (organikong basura, nalaglag na prutas, hindi nagamit na mga pananim, atbp.) at iimbak ang mga bagay na maaaring makaakit sa kanila (pakain ng hayop, pintura, panggatong, atbp.) sa mga nakakandado o maayos na kontroladong lokasyon.
  • Gupitin at linisin ang mga masukal na halaman upang mabawasan ang posibilidad na makakita ng oso.

Kung makakasalubong ka ng oso

  • Panatilihin ang iyong mga mata sa oso at dahan-dahang umatras palayo sa lugar.

Ang pagtalikod o pagtakas ay mapanganib at maaaring atakihin ng oso.

  • Kung umatake ang oso, sumilong o depensahan ang sarili

Protektahan ang iyong sarili sa pamamagitan ng pagsilong sa isang gusali o kotse, depensahan ang sarili (humiga nang nakadapa na ang iyong mga kamay ay nasa likod ng iyong leeg), o pag-spray ng bear spray.

Tungkol sa Bear Sighting Information App para sa mga Smartphones

Makakakuha ka ng impormasyon tungkol sa mga nakitang oso. Aabisuhan ka ng alert function kapag lumapit ka sa isang nakitang oso. (Simula Disyembre 2025, ang app ay available lamang sa wikang Japanese.)

  • Maari mong ma-download ang Android app dito.
  • Maari mong ma-download iOS/iPadOS app dito.

Kakailanganin ang Login ID at password para mabuksan ang app

  • Login ID: miekuma
  • Password: miekuma
    (Ang login ID at password ay magkaparehas.)

Kumakalat ang Influenza Infections (November 18, 2025)

2025/11/30 Sunday Anunsyo, Kaligtasan

Tumataas ang bilang ng impeksyon ng Influenza sa Mie Prefecture. At inaasahan din na lalo itong dadami. Kaya’t mangyaring magsagawa ng masusing mga hakbang sa pag-iwas sa impeksyon.

[Mga Hakbang sa Pag-iwas na Magagawa Mo sa Bahay]

  1. Maghugas ng kamay nang madalas.
  2. Kumain ng balanse at masustansyang pagkain at matulog nang sapat.
  3. Magsuot ng mask kapag inuubo o bumabahing.
    Kung wala kang mask, takpan ang iyong bibig at ilong ng tissue o panyo.
  4. Siguraduhing mag-ventilate at gumamit ng humidifier sa loob ng bahay.
  5. Kung masama ang pakiramdam, huwag mag-self-diagnose; kumunsulta agad sa doktor.