Kumakalat ang Influenza Infections (November 18, 2025)

2025/11/25 Tuesday Anunsyo

Tumataas ang bilang ng impeksyon ng Influenza sa Mie Prefecture. At inaasahan din na lalo itong dadami. Kaya’t mangyaring magsagawa ng masusing mga hakbang sa pag-iwas sa impeksyon.

[Mga Hakbang sa Pag-iwas na Magagawa Mo sa Bahay]

  1. Maghugas ng kamay nang madalas.
  2. Kumain ng balanse at masustansyang pagkain at matulog nang sapat.
  3. Magsuot ng mask kapag inuubo o bumabahing.
    Kung wala kang mask, takpan ang iyong bibig at ilong ng tissue o panyo.
  4. Siguraduhing mag-ventilate at gumamit ng humidifier sa loob ng bahay.
  5. Kung masama ang pakiramdam, huwag mag-self-diagnose; kumunsulta agad sa doktor.

Gaganapin ang “Campaign para sa Kaligtasan sa Trapiko sa Pagtatapos “

2025/11/25 Tuesday Anunsyo

Sa katapusan ng taon ay panahon ng pagtaas ng aktibidad ng mga pedestrian at sasakyan, na humahantong sa pagtaas ng mga aksidente sa trapiko.

Dapat itaas ng lahat ng residente ng prefecture ang kanilang kamalayan sa kaligtasan sa trapiko at magmaneho nang ligtas, maglaan ng oras at isaalang-alang ang pagtiyak ng isang komportable at ligtas na kapaligiran sa pagmamaneho.

  1. Panahon

10 araw mula Disyembre 1, Lunes hanggang Disyembre 10, 2025 Miyerkules

(Lunes, Disyembre 1 ay ang “Araw ng Kampanya para sa Pag-promote ng Zero Drunk Driving sa Mie Prefecture.”)

  1. Focus ng Campaign

(1) Pag-iwas sa mga Aksidente sa Trapiko na Kinasasangkutan ng mga Bata at Matatanda

  • Dapat maunawaan ng mga nakatatanda ang epekto ng mga pagbabago sa pisikal na kalusugan kapag nagmamaneho at magmaneho nang ligtas habang isinasaalang-alang ang lagay ng panahon, pisikal na kondisyon, at iba pang mga factors.
  • Kapag naglalakbay sa mga ruta ng paaralan, atbp., mangyaring bawasan ang iyong bilis upang maiwasan ang mga aksidente sa trapiko.
  • Magmaneho nang may pagsasaalang-alang sa proteksyon ng mga bata at matatanda, at sikaping maiwasan ang mga aksidente sa pamamagitan ng pagiging aware sa panganib.
  • Sa dapit-hapon, siguraduhing buksan nang maaga ang iyong mga ilaw upang makita mo nang maaga ang mga naglalakad, siklista, at iba pang nasa daan.

(2) Palaging bigyan ng priyoridad ang mga tumatawid sa tawiran at isanay ang sarili sa ligtas na pagtawid.

  • Kung may mga naglalakad malapit sa tawiran, bagalan ang takbo upang makahinto kaagad. Palaging huminto kapag tumatawid ang mga pedestrian sa kalsada at hayaan silang tumawid nang ligtas.
  • Sa mga naglalakad, palaging gamitin ang tawiran.
    Gayundin, bago tumawid, huminto muna at tumingin ng kaliwa’t kanan bago tumawid.
  • Maaaring hindi mapansin ng ilang drayber ang mga naglalakad.
  • Dapat senyasan ng mga naglalakad ang driver na handa na silang tumawid sa pamamagitan ng bahagyang pagtataas ng kanilang kamay, at maghintay hanggang sa huminto ang sasakyan bago tumawid.

(3) Tiyaking tama ang pagsuot ng mga seat belt at pag-install ng childseat.

  • Mag-seatbelt ang lahat ng nakasakay upang ma-protektahan ang mga buhay.
  • Kapag naglalakbay kasama ang mga batang wala pang 6 taong gulang, gamitin nang tama ang childseat upang maiwasan ang mga aksidente sa trapiko.
  • Para sa mga batang higit sa 6 taong gulang na hindi makapagsuot ng seat belt nang maayos dahil sa mga pisikal na dahilan (tulad ng pagiging maliit), gumamit pa din ng child seat o booster seat.

(4) Puksain ang drunk driving at Iba Pang Masama at Mapanganib na Pagmamaneho

  • Unawain na ang pagmamaneho nang lasing ay isang matindi at mapanganib na krimen at may malulubhang kahihinatnan.
  • Huwag magmaneho kung inaasahan mong iinom ka ng alak.
  • Hindi lamang ang mga umiinom at nagmamaneho, kundi pati na rin ang mga nagbigay ng alak sa mga driver, nagprovide ng sasakyan sa driver, at kasama ng driver ay napapailalim sa mabibigat na parusa.
  • Ang pagmamaneho nang lasing ay ganap na ipinagbabawal hindi lamang para sa mga kotse at motorsiklo, kundi pati na rin sa mga bisikleta.
  • Ang pagmamaneho nang lasing at nagbibisikleta ay napapailalim sa parehong parusa tulad ng pagmamaneho ng sasakyan nang lasing.
  • Ang malisyoso at mapanganib na pag-tailgate, na maaaring humantong sa malubhang aksidente sa trapiko, at ang paggamit ng smartphone habang nagmamaneho ay mahigpit na ipinagbabawal.

(5) Lubos na unawain at sundin ang mga patakaran sa trapiko para sa mga bisikleta at mga tinukoy na maliliit na de-motor na scooter, at itaguyod ang paggamit ng helmet.

  • Bagama’t ang mga bisikleta ay isang sasakyan na madaling sakyan ng sinuman, dapat din nilang sundin ang mga patakaran sa trapiko katulad ng isang “sasakyan.”
  • Upang maprotektahan ang buhay, lahat ng mga nakasakay sa bisikleta ay dapat magsuot ng helmet.
  • Ang mga electric scooter na nakakatugon sa mga pamantayan ay inuuri bilang “mga tinukoy na maliliit na de-motor na scooter” at hindi nangangailangan ng lisensya sa pagmamaneho. Gayunpaman, ang mga ito ay napapailalim sa mga patakaran sa trapiko, tulad ng kinakailangan na magkabit ng plaka ng lisensya at bumili ng insurance ng sasakyan.
  • Bago gumamit ng electric scooter, maingat na suriin ang mga patakaran sa trapiko at gamitin ito nang ligtas.
  • Pakitandaan na ang mga pedal-equipped electric scooter (moped) ay itinuturing na mga regular na de-motor na scooter o sasakyan at nangangailangan ng lisensya sa pagmamaneho.

I-click dito upang makita ang educational flyer (sa wikang Japanese)

  1. Contact information (sa wikang Japanese lamang)

Mie Prefecture, Environment and Lifestyle Department (Mie-ken Kankyo Seikatsu-bu Kurashi Koutsu Anzen-ka Koutsu Anzen-han 三重県 環境生活部 くらし・交通安全課 交通安全班)

Tel: 059-224-2410