Magiging busy ang Immigration counters tuwing New Year holidays (December 2025 hanggang January 2026)

2025/12/22 Monday Anunsyo

Bawat taon, sa panahon ng kapaskuhan at Bagong Taon, maraming mga dayuhan ang naghahain ng iba’t ibang residence application process sa Immigration Bureau, na nagiging sanhi ng labis na pagdami ng tao sa mga immigration residence inspection counter.

Hindi tatanggap ng mga aplikasyon mula Disyembre 27, 2025 hanggang Enero 4, 2026, dahil sa kapaskuhan at Bagong Taon. Samakatuwid, inaasahang magiging abala ang mga aplikasyon sa Disyembre 26, 2025, at Enero 4, 2026, bago at pagkatapos ng mga kapaskuhan na ito.

Kung pupunta ka sa Immigration Bureau sa panahon ng kapaskuhan at Bagong Taon, hangga’t maaari, mangyaring gumamit ng pampublikong transportasyon.

Kung hindi maaapektuhan ang iyong residence status at expiration date, inirerekomenda namin na maghain ka ng iyong aplikasyon para sa residence inspection pagkatapos ng holidays, dahil paiikliin nito ang iyong oras ng paghihintay.

Ang impormasyon tungkol sa congestion ay naka-post sa mga social media account ng Nagoya Immigration Bureau, kaya mangyaring gamitin ito.

Click here for a flyer.

Address

  • Nagoya Regional Immigration Bureau: 5-18 Shoho-cho, Minato-ku, Nagoya, Aichi Prefecture
  • Yokkaichi Port Branch Office: 1F Yokkaichi Port Joint Government Building, 5-1 Chitose-cho, Yokkaichi, Mie Prefecture

Protektahan ang Iyong Sarili mula sa mga Sakuna: Paano Maghanda para sa Pang-araw-araw na Pamumuhay

2025/12/22 Monday Anunsyo

Mie Bosai Navi

Sa opisyal na app para sa pag-iwas sa sakuna ng prefecture, ang “Mie Bosai Navi,” makikita mo ang lokasyon ng mga kalapit na evacuation center sa mapa.

Maaari mo ring tingnan ang impormasyon tungkol sa sakuna na inilabas ng Mie Prefecture.

Sa pagkakataong ito, 3 bagong function ang naidagdag sa app (Disyembre 9, 2025).

  1. Voice navigation function para sa mga shelters/evacuation points

Magagamit mo ang Google Mapsna may voice guidance upang makapunta sa mga shelter.

  1. May function na maaring makapag-view ng image mula sa mga surveillance cameras ng mga daanan.

Makakapag-view ng mga camera images mula sa 163 points sa loob ng Mie Prefecture.

  1. Button para makatawag sa “Disaster Message Hotline 171”

Ang Disaster Message Hotline 171 ay isang “voicemail box” na maaaring magamit tuwing may sakuna , makapag communicate sa mga affected areas at makatawag sa mga lugar na mahirap tawagan.  increase and it becomes difficult to complete calls. May idinagdag na buton para tumawag sa 171.

Para sa karagdagang detalye at para i-download ang “Mie Bosai Navi”, tingnan dito (MieInfo).

Bosaimie.jp

Sa bosaimie.jp, makikita mo ang impormasyon tungkol sa mga sakuna tulad ng malalakas na pag-ulan, bagyo, lindol, at tsunami. (Access: https://www.bosaimie.jp/)

Mie Prefecture Multilingual Disaster Support Center

Kapag may malakas na lindol o tsunami, tina-translate nila at ipinamamahagi nila ang mga kinakailangang impormasyon. Maaari ka ring kumonsulta at humingi ng tulong kung mayroon kang mga problema sa panahon ng sakuna. (Site: http://mief.or.jp/wp/tagengo/)

Ang mga sakuna ay maaaring mangyari anumang oras.

Upang maprotektahan ang mga buhay at pang-araw-araw pamumuhay, kailangang maghanda na tayo ngayon.