“Pedestrian Priority”: 123 na Araw na Walang Aksidente at Violations Challenge

「横断歩道は歩行者優先!」無事故・無違反チャレンジ123(いちにさん)に参加しよう

2020/05/12 Tuesday Anunsyo

Tingnan ang 3 puntos sa ibaba upang mapabuti ang kamalayan sa trapiko at palaging magbigay ng paggalang sa mga naglalakad o pedestrian.

  1. Bawasan ang bilis ng 10%
  2. Panatilihing dalawang beses ang distansya sa ibang mga sasakyan na tumatakbo
  3. Umalis ng 3 minuto na mas maaga

Tungkol sa 123 na araw na walang aksidente at violations challenge

Magtipon ng isang team ng 3 katao na may lisensya sa pagmamaneho at makilahok sa challenge ng 0 accident at violations sa simula ng ika-1 ng Hulyo hanggang ika-31 ng Oktubre 2020 (123 na araw).

Kabilang sa mga team na nakamit ang layunin, isang raffle ang gaganapin kasama ang ilang mga premyo.  Ang mga premyo sa pakikilahok ay ipapadala sa lahat ng mga kalahok. Tignan ang pamphlet dito (sa wikang Japanese laman).

 Registration period

 Mula Mayo 1 (Biyernes) hanggang Hunyo 30 (Martes) 2020

 Participation fee

 ¥ 3,000 kada team

 Challenge period

 Hulyo 1 (Miyerkules) hanggang Oktubre 31 (Sabado) 2020 (123 araw)

 Iba 0ang detalye at kung paano mag apply (sa wikang Japanese lamang)

https://www.pref.mie.lg.jp/SEIKOTU/HP/85891046959.htm

Vehicle tax: Sistema ng pagbabayad para sa taon 2020

2020/05/12 Tuesday Anunsyo

2020年自動車税納期限と納税の猶予制度について

Tungkol sa 2020 panahon ng pagbabayad ng buwis sa sasakyan at sistema ng pagpapaliban ng  Vehicle tax (nahahati depende sa uri)  ay dapat bayaran ng isang beses sa isang taon ng sinumang nagmamay-ari ng isang sasakyan.  Tuwing kalagitnaan ng Mayo ay makakatanggap ang mga may-ari ng kotse ng isang sobre na may tax payment notice (Nozei Tsuchi-sho) at iba pang mga dokumento.

Ang halagang dapat bayaran sa Hunyo 1, 2020 (Lunes).

Ang pagbabayad ay maaaring gawin sa mga bangko, mga tanggapan ng post office, mga convenience store, mga supermarket na may mga iba’t ibang istasyon (MMS) at iba pang mga establisimiento sa pamamagitan ng Nozei Tsuchi-sho.  Posible ring magbayad sa pamamagitan ng credit card (magagamit lamang sa Internet) o sa pamamagitan ng aplikasyon sa pagbabayad ng smartphone (PayB or Mobile Register – モバイルレジ).

Postponement system kung sakaling mahihirapang magbayad ng buwis dahil sa coronavirus

Dahil sa coronavirus, kung hindi posible na makapagbayad ng mga buwis sa lalawigan, pinahihintulutan ang pagpapaliban sa loob ng 1 taon.

Kumunsulta sa iyong pinakamalapit na Provincial Tax Office (Kenei Jimusho) para sa mga detalye sa mga katanungan at kung paano mag-request nito.

Tignan ang iba pang mga detalye at impormasyon i-click dito (sa wikang Japanese lamang)

Homepage ng Mie Vehicle Tax Office
http://www.pref.mie.lg.jp/ZIZEI/HP/