Ang vehicle tax ay magbabago simula Oktubre 2019 2019年10月1日から自動車の税が変わります Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp 2019/09/19 Thursday Anunsyo Simula Oktubre 1, 2019, ang vehicle tax, na dapat bayaran ng may-ari ng sasakyan, at buwis sa pagbili ng sasakyan, na sisingilin tuwing bibili ng isang sasakyan, ay magbabago. Ang halaga ng buwis sa sasakyan (nahahati sa uri) ay magbabago. Cubic Capacity Displacement Halaga bago ang pagbabago Halaga pagkatapos ng pagbabago Mababa sa 1.000cc ¥29.500 ¥25.000 (- ¥4.500) 1.001cc to 1.500cc ¥34.500 ¥30.500 (- ¥4.000) 1.501cc to 2.000cc ¥39.500 ¥36.000 (- ¥3.500) 2.001cc to 2.500cc ¥45.000 ¥43.500 (- ¥1.500) * Ang mga sasakyan na nasa 2.501cc ay mababawasan ng – ¥ 1,000. * Ang buwis sa mga sasakyan na nakarehistro bago ang Setyembre 30, 2019 ay hindi mababago! Ang buwis sa pagbili ng sasakyan (jidousha shutoku-zei) ay mababago at magiging “environmental performance discount (kankyo seinou-wari)” Kapag bumili ng kotse (kabilang ang mga used cars), ang buwis ay mapapasyahan ayon sa pagiging energy efficiency nito. Ang mas matipid sa kotse ay, mas mababa ang buwis. Halaga bago ang pagbabago (vehicle puhase tax) Bagong halaga (environmental performance discount) Registered cars 3% 0 to 3% Light cars (kei jidousha) 2% 0 to 2% * Bilang isang espesyal na kaso, sa panahon mula Oktubre 1, 2019 hanggang Setyembre 30, 2020, ang “environmental performance discount (kankyo seinou-wari)” para sa mga domestic na sasakyan ay nabawasan ng 1%.. Para sa karagdagang impormasyon sa buwis sa sasakyan (jidousha-zei), i-click dito (Japanese document only). CONTACT Mie-ken Soumu-bu Zeishu Kakuho-ka TEL: 059-224-2128 Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp « Ano ang gagawin kapag nalaman mong buntis ka? (2019/10/01~) Pinakamababang Suweldo sa Mieken » ↑↑ Next Information ↑↑ Ano ang gagawin kapag nalaman mong buntis ka? 2019/09/19 Thursday Anunsyo 妊娠に気がついたら Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp Napakahalaga na magkaroon ng regular na medical check-up para sa kalusugan ng bagong ina at malusog na development ng sanggol.. Mangyaring tignan ito: “Para sa malusog na pagbubuntis at panganganak” by the Ministry of Health, Labor and Social Welfare (Kousei Roudou-sho) Portuguese – Spanish – Filipino – English – Chinese – Japanese Kapag nakumpirma ang iyong pagbubuntis, pumunta sa city hall kung saan ka nakatira at kumuha ng Boshi Kenko Techo (Maternal and Child Health Handbook) at ang iyong ticket para sa health check-up. Maaari ka ring kumonsulta tungkol sa pagbubuntis, panganganak at pagpapalaki ng bata sa counter.. Panoorin ang Mie Info video: “Pagbubuntis, Panganganak at Pagbabakuna ng bata” https://mieinfo.com/tl/video-tg/kalusugan-video/pagbubuntis-panganganak-at-pagbakuna-ng-mga-bata/index.html Reference: “Ano ang Maternal and Child Health Handbook (Boshi Techo)?” By Kanagawa International Foundation as iba’t-ibang wika. https://www.youtube.com/playlist?list=PLQmxb5CUFr_aMTQ9IGrDvAxUKRVb_0uO4 Kapag nakakita kayo ng babaeng may dala nito “maternity marks” katulad sa larawan as ibaba , mangyaring maging mapag-intindi sa kanila! Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp