Impormasyon tungkol sa Multicultural Coexistence Event ngayong Enero 2026 2026年1月の多文化共生イベントのお知らせ Share! Click to share on Facebook (Opens in new window) Facebook Click to email a link to a friend (Opens in new window) Email Click to share on X (Opens in new window) X Click to share on WhatsApp (Opens in new window) WhatsApp 2025/12/26 Friday Anunsyo, Mga events Sa Mie Prefecture, upang matulungan ang mga residenteng Japanes at mga dayuhan na makilala ang mga pagkakaiba ng pamumuhay at kultura ng bawat isa at bumuo ng isang lokal na komunidad nang sama-sama, ang buwan ng Enero ay itinalaga bilang “Mie Prefecture Multicultural Coexistence Month.” Sa panahong ito, itinataguyod ng prefecture ang mga inisyatibo upang mapataas ang pag-unawa at pakikipag-ugnayan sa multicultural coexistence. Bilang isa sa mga inisyatibong ito, magsasagawa kami ng “Mie Multicultural Coexistence Event,” gaya ng nakadetalye sa ibaba. Kahit sino ay maaaring lumahok. Libre ang pakikilahok. Mangyaring samahan ninyo kami! [Petsa at Oras] Sabado, Enero 31, 2026, mula 10:00 AM hanggang 3:00 PM [Lokasyon] Mie Kenmin Kōryū Center (Mie Prefecture Residents’ Exchange Center) (UST Tsu – Mie-ken Tsu-shi Hadokoro-cho 700 3F) [Programa] 10:00 AM–12:00 PM Talk Event Paano tayo makakabuo ng isang lipunan kung saan kinikilala ng mga Japanese at dayuhan ang mga pagkakaiba sa kultura ng bawat isa at namumuhay nang magkakasama? Makipag-usap tayo sa mga taong nakikipagtulungan sa “multicultural coexistence” sa Mie, Aichi, at Gifu. ※ Para makasali sa conversation event, kinakailangan magparehistro bago mag Enero 20, 2026. Registration form: https://forms.gle/WL19dNKon3FT7YEp7 12:00–15:00 Exchange Event Ang mga dayuhan at mga residenteng Japanese ng Mie ay maaaring magkita-kita, mag-usap habang kumakain ng meryenda, at mas palalimin ang kanilang exchange. Kilalanin natin ang isa’t isa at unawain ang ating mga pagkakaiba. Magkakaroon din ng “mochi-tsuki” (tradisyonal na paghahanda ng mochi). Libre ang bayad sa paglahok. Pamphlet ng Mie Multicultural Interaction Event: Pamphlet in Portuguese Pamphlet in Spanish Pamphlet in Indonesian Pamphlet in Vietnamese Pamphlet in Chinese Pamphlet in English Pamphlet in Japanese Bilang karagdagan, ang Ministry of Internal Affairs and Communications (MIC) at ang Immigration and Residency Services Agency ay magdaraos ng “All Together Festival” sa Tokyo. [Petsa at oras] Linggo, Enero 18, 2026, mula 10:00 AM hanggang 5:00 PM [Lokasyon] Shibuya Stream Hall (Tokyo Shibuya-ku Shibuya 3-21-3) All Together Festival Pamphlet Share! Click to share on Facebook (Opens in new window) Facebook Click to email a link to a friend (Opens in new window) Email Click to share on X (Opens in new window) X Click to share on WhatsApp (Opens in new window) WhatsApp « Magiging busy ang Immigration counters tuwing New Year holidays (December 2025 hanggang January 2026) ↑↑ Next Information ↑↑ Magiging busy ang Immigration counters tuwing New Year holidays (December 2025 hanggang January 2026) 2025/12/26 Friday Anunsyo, Mga events 年末年始は、在留審査窓口が混雑します(2025年12月~2026年1月) Share! Click to share on Facebook (Opens in new window) Facebook Click to email a link to a friend (Opens in new window) Email Click to share on X (Opens in new window) X Click to share on WhatsApp (Opens in new window) WhatsApp Bawat taon, sa panahon ng kapaskuhan at Bagong Taon, maraming mga dayuhan ang naghahain ng iba’t ibang residence application process sa Immigration Bureau, na nagiging sanhi ng labis na pagdami ng tao sa mga immigration residence inspection counter. Hindi tatanggap ng mga aplikasyon mula Disyembre 27, 2025 hanggang Enero 4, 2026, dahil sa kapaskuhan at Bagong Taon. Samakatuwid, inaasahang magiging abala ang mga aplikasyon sa Disyembre 26, 2025, at Enero 5, 2026, bago at pagkatapos ng mga kapaskuhan na ito. Kung pupunta ka sa Immigration Bureau sa panahon ng kapaskuhan at Bagong Taon, hangga’t maaari, mangyaring gumamit ng pampublikong transportasyon. Kung hindi maaapektuhan ang iyong residence status at expiration date, inirerekomenda namin na maghain ka ng iyong aplikasyon para sa residence inspection pagkatapos ng holidays, dahil paiikliin nito ang iyong oras ng paghihintay. Ang impormasyon tungkol sa congestion ay naka-post sa mga social media account ng Nagoya Immigration Bureau, kaya mangyaring gamitin ito. Click here for a flyer. Address Nagoya Regional Immigration Bureau: 5-18 Shoho-cho, Minato-ku, Nagoya, Aichi Prefecture Yokkaichi Port Branch Office: 1F Yokkaichi Port Joint Government Building, 5-1 Chitose-cho, Yokkaichi, Mie Prefecture Share! Click to share on Facebook (Opens in new window) Facebook Click to email a link to a friend (Opens in new window) Email Click to share on X (Opens in new window) X Click to share on WhatsApp (Opens in new window) WhatsApp