Vehicle tax: Sistema ng pagbabayad para sa taon 2020

2020年自動車税納期限と納税の猶予制度について

2020/05/05 Tuesday Anunsyo

Tungkol sa 2020 panahon ng pagbabayad ng buwis sa sasakyan at sistema ng pagpapaliban ng  Vehicle tax (nahahati depende sa uri)  ay dapat bayaran ng isang beses sa isang taon ng sinumang nagmamay-ari ng isang sasakyan.  Tuwing kalagitnaan ng Mayo ay makakatanggap ang mga may-ari ng kotse ng isang sobre na may tax payment notice (Nozei Tsuchi-sho) at iba pang mga dokumento.

Ang halagang dapat bayaran sa Hunyo 1, 2020 (Lunes).

Ang pagbabayad ay maaaring gawin sa mga bangko, mga tanggapan ng post office, mga convenience store, mga supermarket na may mga iba’t ibang istasyon (MMS) at iba pang mga establisimiento sa pamamagitan ng Nozei Tsuchi-sho.  Posible ring magbayad sa pamamagitan ng credit card (magagamit lamang sa Internet) o sa pamamagitan ng aplikasyon sa pagbabayad ng smartphone (PayB or Mobile Register – モバイルレジ).

Postponement system kung sakaling mahihirapang magbayad ng buwis dahil sa coronavirus

Dahil sa coronavirus, kung hindi posible na makapagbayad ng mga buwis sa lalawigan, pinahihintulutan ang pagpapaliban sa loob ng 1 taon.

Kumunsulta sa iyong pinakamalapit na Provincial Tax Office (Kenei Jimusho) para sa mga detalye sa mga katanungan at kung paano mag-request nito.

Tignan ang iba pang mga detalye at impormasyon i-click dito (sa wikang Japanese lamang)

Homepage ng Mie Vehicle Tax Office
http://www.pref.mie.lg.jp/ZIZEI/HP/

Notice para as pagbabawal at pag self-restraint dahil sa coronavirus na may kaugnayan sa panahon ng koleksyon ng seafood

2020/05/05 Tuesday Anunsyo

潮干狩り(貝拾い)の規則と新型コロナウィルス感染症による禁止や自粛のお知らせ

Papalapit na ang panahon ng koleksyon ng seafood at clam, gayunpaman, alam mo bang mayroong mga patakaran na dapat sundin?  Ang paglabag sa mga patakarang ito ay maaaring humantong sa mga multa, kaya mangolekta ng seafood alinsunod sa mga patakarang ito.  Para sa higit pang mga detalye, i-click dito.

Babala!

Dahil sa pagkalat ng impeksyon ng bagong coronavirus, sa taong ito maraming mga lugar na nagbabawal o pumipigil sa pagkolekta ng mga shellfish at paggamit ng mga beach para sa paglilibang.  Ang ilang mga lugar ay nagsara ng mga parking lot at lugar ng pahingaan (umi no ie).

Mangyaring magingat na huwag pumunta sa mga restricted na mga lugar na ito.

Mga halimbawa ng mga lokasyon na may pagbabawal o paghihigpit sa koleksyon ng seafood (impormasyon as of April 23, 2020).

* Mayroong iba pang mga lugar na ipinagbabawal ang koleksyon ng mga shellfish at ang paggamit ng mga beach para sa paglilibang.

* Ang panahon ng pagbabawal ay maaaring magbago depende sa ilang mga kadahilanan tulad ng State of Emergency Declaration (Kinkyu Jitai Sengen)

Reference:
Homepage of Mie Prefecture Office
https://www.pref.mie.lg.jp/SUISAN/HP/38851033605.htm

Tsu Tourism Association homepage
https://www.tsukanko.jp/

Matsusaka Tourism Association
https://www.matsusaka-kanko.com/