(Enero/2026) Impormasyon tungkol sa panahunang pag-aapply sa pabahay ng prepektura

2026/01/13 Tuesday Anunsyo, Paninirahan

Panahon ng aplikasyon para sa buwan ng Enero
Enero 6 (Lúnes) ~ Enero 31 (Sabado), 2026

Maaring malaman sa website na nasa ibaba ang mga detalye tungkol sa basic information ng pabahay (katulad ng lugar, sukat, upa at iba) at kung paano mag-apply para dito.

I-click dito upang makita ang PDF file (Japanese Version)

I-click dito upang makita ang PDF file (Portugues Version)

I-click dito upang makita ang PDF file (Spanish Version)

*Ang mga aplikante na hindi makakatugon sa bilang ng aplikasyon para sa periodic recruitment ay tatanggapin simula sa araw pagkatapos ng lottery date na may first come first serve basis hanggang sa susunod na Miyerkules ng susunod na buwan. Ang deadline para sa recruitment ay hanggang Oktubre 31.

* Ang mga solong tao ay makakalipat sa pabahay ng probinsiya mula Abril 2024.

Schedule ng Aplikasyon (Taon-taon ay pareho ang panahon ng pag-apply)

Buwan ng Aplikasyon Panahon ng pag pasa ng aplikasyon sa Post office  Araw ng bunutan  Araw ng pag-upa 
Abril Unang araw ng aplikasyon hanggang ika- 30 ng buwan Kalagitnaan ng Mayo Hulyo 1
Hulyo Unang araw ng aplikasyon hanggang ika- 31 ng buwan Kalagitnaan ng Augusto Oktubre 1
Oktubre Unang araw ng aplikasyon hanggang ika- 31 ng buwan Kalagitnaan ng Nobyembre Enero 1
Enero Unang araw ng aplikasyon hanggang ika- 31 ng buwan Kalagitnaan ng Pebrero Abril 1

※Ang araw ng simula ng pagpasa ng aplikasyon ay matatapat sa unang araw ng Martes o Biyernes ng buwang nakasaad sa itaas.

 Makipag-ugnayan sa:

Mie Ken Kendo Seibi-bu Jutaku Seisaku-ka Kou’ei Jutaku-han TEL: 059-224-2703 (*Sa wikang hapon lamang)

Ang contact information sa bawat rehiyon ay ang mga sumusunod

(1) Hokusei Bloc (Kuwana city, Yokkaichi city, Suzuka city) TEL: 059- 373- 6802

(2) Chusei Iga Bloc (Tsu city, Iga city) TEL: 059-221-6171

(3) Nansei-Higashi Kishu Bloc (Matsusaka city, Ise city, Owase city, Kumano city) TEL: 059-222-6400

Mangyaring sumangguni sa sumusunod na URL para sa impormasyon tulad ng “Mga Kwalipikasyon para sa paglipat” at “Mga dapat tandaan tungkol sa paglipat.”

http://www.pref.mie.lg.jp/JUTAKU/HP/35745031344.htm

*Lahat ng impormasyon ay nasa Japanese.

Impormasyon tungkol sa Multicultural Coexistence Event ngayong Enero 2026

2026/01/13 Tuesday Anunsyo, Paninirahan

Sa Mie Prefecture, upang matulungan ang mga residenteng Japanes at mga dayuhan na makilala ang mga pagkakaiba ng pamumuhay at kultura ng bawat isa at bumuo ng isang lokal na komunidad nang sama-sama, ang buwan ng Enero ay itinalaga bilang “Mie Prefecture Multicultural Coexistence Month.” Sa panahong ito, itinataguyod ng prefecture ang mga inisyatibo upang mapataas ang pag-unawa at pakikipag-ugnayan sa multicultural coexistence.

Bilang isa sa mga inisyatibong ito, magsasagawa kami ng “Mie Multicultural Coexistence Event,” gaya ng nakadetalye sa ibaba. Kahit sino ay maaaring lumahok. Libre ang pakikilahok. Mangyaring samahan ninyo kami!

[Petsa at Oras] Sabado, Enero 31, 2026, mula 10:00 AM hanggang 3:00 PM

[Lokasyon]

Mie Kenmin Kōryū Center (Mie Prefecture Residents’ Exchange Center)

(UST Tsu – Mie-ken Tsu-shi Hadokoro-cho 700 3F)

[Programa]

10:00 AM–12:00 PM Talk Event

Paano tayo makakabuo ng isang lipunan kung saan kinikilala ng mga Japanese at dayuhan ang mga pagkakaiba sa kultura ng bawat isa at namumuhay nang magkakasama? Makipag-usap tayo sa mga taong nakikipagtulungan sa “multicultural coexistence” sa Mie, Aichi, at Gifu.

Para makasali sa conversation event, kinakailangan magparehistro bago mag Enero 20, 2026.

Registration form: https://forms.gle/WL19dNKon3FT7YEp7

12:00–15:00 Exchange Event

Ang mga dayuhan at mga residenteng Japanese ng Mie ay maaaring magkita-kita, mag-usap habang kumakain ng meryenda, at mas palalimin ang kanilang exchange. Kilalanin natin ang isa’t isa at unawain ang ating mga pagkakaiba. Magkakaroon din ng “mochi-tsuki” (tradisyonal na paghahanda ng mochi). Libre ang bayad sa paglahok.

Pamphlet ng Mie Multicultural Interaction Event:

Pamphlet in Portuguese
 Pamphlet in Spanish
 Pamphlet in Indonesian
 Pamphlet in Vietnamese
 Pamphlet in Chinese
 Pamphlet in English
 Pamphlet in Japanese

Bilang karagdagan, ang Ministry of Internal Affairs and Communications (MIC) at ang Immigration and Residency Services Agency ay magdaraos ng “All Together Festival” sa Tokyo.

[Petsa at oras]

Linggo, Enero 18, 2026, mula 10:00 AM hanggang 5:00 PM

[Lokasyon]

Shibuya Stream Hall (Tokyo Shibuya-ku Shibuya 3-21-3)

 All Together Festival Pamphlet