Pag-iwas sa heat stroke habang itinataguyod ang “the new normal” na pamumuhay 熱中症予防と「新しい生活様式」を両立させましょう Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp 2020/08/10 Monday Anunsyo Sa patuloy na presenya ng coronavirus, mahalagang sundin ang 3 pangunahing puntos ng “the new normal” na pamumuhay (新しい生活様式-Atarashii Seikatsu Youshiki), at ito ay ang: Panatilihin ang social distancing Magsuot ng face mask Hugasan ang inyong mga kamay at iwasan ang kulob at matao na lugar Sa patuloy na pagtaas ng temperatura ngayong tag-init, ang panganib ng heat stroke ay nadaragdagan dahil sa paggamit ng face mask. Sundin ang mga sumusunod na puntos upang maiwasan ang heatstroke habang napapanatili ang new normal na pamumuhay Tanggalin ang mask depende sa sitwasyon. Kung ikaw ay nasa isang kapaligiran kung saan posible na mapanatili ang layo ng higit sa 2m mula sa ibang tao, alisin ang mask. Habang nakasuot ng mask, iwasan ang matinding pag ehersisyo. At, depende sa sitwasyon, panatilihin ang layo ng higit sa 2 metro mula sa ibang mga tao, taggalin ang mask at magpahinga. Maging maingat kapag may suot na mask lalo na kapag mainit at mahalumigmig ang panahon.. Iwasan ang maiinit na kapaligiran I-circulate ang hangin kapag nasa loob ka ng bahay at gamitin ang air conditioner upang makontrol ang temperatura. Magsuot ng mga preskong damit at magsuot ng sumbrero o mag payong kapag maaraw, kung masama ang pakiramdam, maatili as bahay at magpahinga, kapag sobrang init pumunta sa mga preskong na lugar. Palaging uminom ng tubig Uminom ng tubig kahit hindi nauuhaw. Uminom ng hanggang 1.2 liters ng tubig kada araw. Kapag ikaw ay pawisin (uminom ng mga inumin na sagana sa electrolyte). Alagaan ang kalusugan araw araw Sukatin ang temperatura ng iyong katawan nang regular at suriin ang iyong kalagayan ng kalusugan tuwing umaga. Kapag may sakit ka, manatili sa loob ng bahay at magpahinga. Upang maghanda para sa init, gumawa ng mga pisikal na aktibidad ng 30 minuto araw-araw hangga’t maaari. Multilingual flyers Easy Japanese (Yasashii Nihongo) – Filipino – Chinese – English – Vietnamese Reference: Ministry of Environment homepage (Kankyosho – 環境省) https://www.wbgt.env.go.jp/ Homepage of the Ministry of Health, Labor and Welfare (Kosei Rodosho – 厚生労働省) https://www.mhlw.go.jp/stf/seisakunitsuite/bunya/0000121431_coronanettyuu.html Homepage of the Organization for the Training of Technical Interns (Gaikokujin Gino Jishu Kiko – 外国人技能実習機構) https://www.otit.go.jp/heatstroke/ Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp « 2020 Training Course para sa Multilingual Supporter sa Panahon ng Sakuna Bakante para sa Metal Molding Course sa Tsu Technical School – Huling termino ng 2020 » ↑↑ Next Information ↑↑ 2020 Training Course para sa Multilingual Supporter sa Panahon ng Sakuna 2020/08/10 Monday Anunsyo 2020年 災害時語学サポーター養成研修の受講者を募集します Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp Ang training course para sa “Multilingual Supporter sa Panahon ng Sakuna” (災害 時 語 学 サ ポ ー タ ー Saigai-ji Gogaku Supporter), na magtutupad ng mahalagang papel ng pagbibigay ng “seguridad” sa mga dayuhang mamamayan sa pamamagitan ng pagtulong sa translations ng mga kasulatan at interpretation ng impormasyon tungkol sa sakuna, atbp. sa Multilingual Support Center na naka-install sa mga evacuation center kung sakaling may malaking sakuna. Petsa Ika-1 workshop: Setyembre 13, 2020 (Linggo) – 10:00 hanggang 4pm Ika-2 workshop: Oktubre 11, 2020 (Linggo) – 10:00 hanggang 4pm Ika-3 pagawaan: Nobyembre 8, 2020 (Linggo) – 10:00 hanggang 4pm Map training: Disyembre 13, 2020 (Linggo) – 1 pm hanggang 4:30 pm * Kailangan mong lumahok sa lahat ng mga workshop na nabanggit sa itaas at magparehistro bilang isang Saigai Partner (Multilingual Supporter sa Panahon ng Sakuna) ng Mie International Exchange Foundation (MIEF) matapos ang kurso. Lugar Event information area sa third floor ng UST Tsu (Tsu-shi Hadokoro-cho 700) at iba pang mga silid sa loob ng establishment. * Ang ilang mga klase ay maaaring gawin online depende sa sitwasyon ng coronavirus. Target audience * kahit anong nationality Portuguese, Spanish, Chinese, English, Vietnamese at Tagalog: mga taong kaya ang verbal at written translations sa mga wikang ito. Simple Japanese (basic): mga taong interesadong tumulong sa mga dayuhan sa panahon ng kalamidad. Kapasidad 40 katao (5 hanggang 10 kada language) Participation Fee Libre Paraan ng pag register Mag Sign up gamit ang Google Forms sa: http://u0u1.net/rWle QR Code: Para sa pagpaparehistro sa pamamagitan ng email o fax, isulat sa order na ito: ang klase (language) ng interes, samahan na kinabibilangan mo, pangalan, address, telepono, email at iba pang mga detalye. i-Click dito upang mabuksan ang flyer. Registration deadline Ang pagrehistro ay hanggang Setyembre 9, 2020 (Miyerkules) * Kung ang mga bakante ay napuno, may posibilidad na ang mga pagrerehistro ay maaaring isara bago ang takdang oras. Makipag-ugnayan sa Mie International Exchange Foundation (Mie-len Kokusai Kouryu Zaidan) Contact: Uehara o si Tsutsui Address: 〒514-0009 Tsu-shi Hadokoro-cho 700 – UST Tsu 3F Tel: 059-223-5006 (office hours: tuwing weekdays lamang, mula 9 am hanggang 5 pm) FAX: 059-223-5007 E-mail: mief@mief.or.jp Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp