Bakante para sa Metal Molding Course sa Tsu Technical School – Huling termino ng 2020

三重県立津高等技術学校 金属成形科 2020年度 後期入校生の募集

2020/08/19 Wednesday Edukasyon

*Ang impormasyon sa recruitment sa ibang wika (Japanese, Portuguese, Spanish, English) ay makikita sa ilalim ng pahina.

Target na lugar ng trabaho ・ Mga nilalaman ng trabaho

  • Iron structure = welding, machining at thin metal sheets processing
  • Metal pieces production= welding at press working
  • Arkitektura sheet metal = sheet metal pagproseso

Certification:

  1. JIS welding certification (SA-2F basic grade)
  2. Certification of skill training course of gas welding na naka-register sa <Mie Labor Bureau Director Registration Teacher Institution (Mie Labor Bureau No. 17-4)>
  3. Certification of safety and health special education sa Arc Welding
  4. Safety and health special education certificate completion (free grinding, replacement atbp.)
  5. (Optional) Slinging skill training course certificate <Registration training institution of Mie Labor Bureau (Mie Labor Bureau No. 20-2)>
  • Bilang ng maaaring sumali: 10
  • Training period
    Oktober 21, 2020 (Miyerkules) – Marso 16, 2021 (Martes) – 6 na buwan
    (Maliban sa Sabado, Linggo, mga pampublikong bakasyon at mga araw kung saan hindi isinasagawa ang inirerekomendang pagsasanay)
    Oras ng Pagsasanay: 8:30 ~ 15:40
  • Halaga
    LIBRE ang tuition
    Sa panahon ng entrance procedure, work expenditure, protective equipment, disaster insurance etc. ito ay nagkakahalaga ng 20,000 yen
    Sa mga kukuha ng JIS welding license, ang exam fee ay nasa 26,000 yen
  • Sino ang maaaring sumali
    Yung mga taong motivated upang makakuha ng mga kasanayan at makahanap ng trabaho sa metal forming department at naaangkop sa mga sumusunod:
    1 – Isang foreign national na may status of residence na walang restrictions sa pagtatrabaho.
    ※ Subalit, dapat mayroong daily conversation level sa wikang Japanese at nakakapagsulat at nakakapagbasa ng Hiragana
    2 – Para sa mga taong walang work experience o kulang sa experience
  • Vocational training entrance screening
    Ang mga nais sumali sa pagsasanay ay dapat lumahok sa entrance examination.
  1. Entrance Selection Date
    Unang screening: Setyembre 14, 2020 (Lunes)
    Pangalawang screening: Setyembre 24, 2020 (Huwebes)
    Pangatlong screening: Oktubre 7, 2020 (Miyerkules)
    (Mangyaring tandaan na ang pangalawa at pangatlong screening ay hindi maipatutupad kung ang bilang ng mga kalahok ay umabot na sa kapasidad.)
  2.  Para sa mga nais na makilahok sa entrance exam, mangyaring sumangguni sa Public Employment Security Office (Hello Work).
    Bilang karagdagan, mangyaring makipag-ugnay sa paaralan bago mag alas-5 ng hapon isang araw bago ang araw ng screening.
  3.  Ang entrance examination content ay qualification test, hiragana test, individual interview.
  4.  Mangyaring pumunta sa Tsu technical school ng 9:00 am ng petsa ng opening.
  5.  Sa araw ng pagsusulit ay siguraduhin na dalhin ang:
    Pansulat (black ballpoint pen, pencil, eraser)
    Personal Seal (Hindi tatanggapin ang Shachihata)
    Residence card (para lamang sa foreign nationals)
    Hello Work Card and isa sa mga sumusunod:
    (1) KOYO HOKEN JUKYU SHIKAKUSHA-SHO para sa mga tumatanggap ng seguro sa pagkawala ng trabaho
    (2) Para sa mga iba pa kaysa sa nabanggit sa itaas, magdala ng identification card (lisensya ng kotse, health insurance card, atbp.)
  • Paraan ng pagpasok
    (1) Ang school decision notice ay ipapadala lamang sa mga matagumpay na aplikante.
    (2) I-enclose sa sulat ang decision notice at ipadala ang dokumento na “Para sa mga nagpaplano na pumasok sa paaralan”. Mangyaring magpatuloy ayon sa paraan ng pagpasok na isinasaad sa dokumentong iyon.
    (3) Hindi maaaring tumugon sa mga katanungan tungkol sa pagtanggap ng entry sa pamamagitan ng telepono atbp.
  • Ang pinakamalapit na public transport
    JR= 15 min by foot galing sa Takachaya Station
    Kintetsu= bumaba sa Hisai station, higashi guchi (west exit), sumakay ng bus galing sa Sanko bus patungong Kumozu Koukan-cho o sa Karasu Koen, bumaba sa Takachaya Danchi Mae at lakarin ng 5 minuto.
  • Lugar para sa impormasyon, pagpaparehistro at pagsasagawa ng kurso
    〒514-0817 Tsu-shi, Takachaya Komori-cho 1176-2
    Mie Kenritsu Tsu Kouto Gijutsu Gakko
    Kinzoku Seikei-ka Nyukou Tanto: Hiraga, Maeda (Mga taong in charge sa metal modeling course)
    TEL 059-234-3135  FAX 059-234-3668

Homepage: https://www2.tcp-ip.or.jp/~tsutech/bosyuu/tanki/bosyuu_kinzoku.html

Impormasyon sa recruitment: Japanese version – Portuguese version – Spanish version – English version

Pag-iwas sa heat stroke habang itinataguyod ang “the new normal” na pamumuhay

2020/08/19 Wednesday Edukasyon

熱中症予防と「新しい生活様式」を両立させましょう

Sa patuloy na presenya ng coronavirus, mahalagang sundin ang 3 pangunahing puntos ng “the new normal” na pamumuhay (新しい生活様式-Atarashii Seikatsu Youshiki), at ito ay ang:

  1. Panatilihin ang social distancing
  2. Magsuot ng face mask
  3. Hugasan ang inyong mga kamay at iwasan ang kulob at matao na lugar

Sa patuloy na pagtaas ng temperatura ngayong tag-init, ang panganib ng heat stroke ay nadaragdagan dahil sa paggamit ng face mask.  Sundin ang mga sumusunod na puntos upang maiwasan ang heatstroke habang napapanatili ang new normal na pamumuhay

  1. Tanggalin ang mask depende sa sitwasyon.
  • Kung ikaw ay nasa isang kapaligiran kung saan posible na mapanatili ang layo ng higit sa 2m mula sa ibang tao, alisin ang mask.
  • Habang nakasuot ng mask, iwasan ang matinding pag ehersisyo. At, depende sa sitwasyon, panatilihin ang layo ng higit sa 2 metro mula sa ibang mga tao, taggalin ang mask at magpahinga.
  • Maging maingat kapag may suot na mask lalo na kapag mainit at mahalumigmig ang panahon..
  1. Iwasan ang maiinit na kapaligiran
  • I-circulate ang hangin kapag nasa loob ka ng bahay at gamitin ang air conditioner upang makontrol ang temperatura.
  • Magsuot ng mga preskong damit at magsuot ng sumbrero o mag payong kapag maaraw, kung masama ang pakiramdam, maatili as bahay at magpahinga, kapag sobrang init pumunta sa mga preskong na lugar.
  1. Palaging uminom ng tubig
  • Uminom ng tubig kahit hindi nauuhaw.
  • Uminom ng hanggang 1.2 liters ng tubig kada araw.
  • Kapag ikaw ay pawisin (uminom ng mga inumin na sagana sa electrolyte).
  1. Alagaan ang kalusugan araw araw
  • Sukatin ang temperatura ng iyong katawan nang regular at suriin ang iyong kalagayan ng kalusugan tuwing umaga.
  • Kapag may sakit ka, manatili sa loob ng bahay at magpahinga.
  • Upang maghanda para sa init, gumawa ng mga pisikal na aktibidad ng 30 minuto araw-araw hangga’t maaari.
  • Multilingual flyers

Easy Japanese (Yasashii Nihongo)FilipinoChineseEnglishVietnamese

Reference:

Ministry of Environment homepage (Kankyosho – 環境省)

https://www.wbgt.env.go.jp/

Homepage of the Ministry of Health, Labor and Welfare (Kosei Rodosho – 厚生労働省)

https://www.mhlw.go.jp/stf/seisakunitsuite/bunya/0000121431_coronanettyuu.html

Homepage of the Organization for the Training of Technical Interns (Gaikokujin Gino Jishu Kiko – 外国人技能実習機構)

https://www.otit.go.jp/heatstroke/