Mag-ingat sa Food Poisoning

食中毒に気を付けよう!

2021/08/25 Wednesday Anunsyo, Kalusugan at kapakanan

Maraming mga kaso ng pagkalason sa pagkain dahil sa bakterya sa panahon ng mainit at mahalumigmig na tag-init.  Upang maiwasan ang pagkalason o food poisoning, bigyan ng partikular na pansin ang mga sumusunod at maging maingat.

  1. Pagbili ng pagkain
  • Kapag bumibili ng mga mdaling masira na pagkain tulad ng karne, isda at gulay, palaging bumili ng mga sariwang produkto.
  • Kapag namimili, kunin ng huli ang mga pagkaing frozen, chilled o sensitibo sa temperatura. Pagkatapos ng pamimili, hangga’t maaari ay umuwi agad ng bahay.
  1. Pag-imbak at pagluluto ng pagkain

< Upang hindi ma-contaminate ng bacteria>

  • Hugasan nang mabuti ang mga kamay pagkatapos hawakan ang mga hilaw na produkto.
  • Ilagay ng isda at karne sa isang plastic bag o iba pang lalagyan at itago ito sa ref nang hindi natatapon ang katas ng karne sa iba pang mga pagkain.
  • Gumamit ng iba`t ibang kagamitan para sa bawat pagkain kapag nagluluto ng karne, isda at gulay.
  • Iwasang matapon ang katas ng karne sa mga salad, prutas at iba pang pagkaing kakainin nang hilaw.

<Upang hindi dumami bacteria>

  • Ilagay agad ng pagkain na kailangang mai-freeze o chilled sa sandaling bumalik ka mula sa pamimili.
  • Huwag pumuin ang refrigerator at freezer, at subukang gumamit ng hanggang 70% ng kapasidad nito.
  1. Kapag nagluluto ng pagkain

<Upang mamatay ang bacteria>

Kapag nagpapainit ng pagkain, tiyaking nainit ng mabuti ang pagkain hanggang sa loob.

*Ang Reheating ng pagkain ay mabuti ay maaaring pumatay ng bakterya.  Inirerekumenda na painitin ang gitna sa 75 ° C nang higit sa 1 minuto.  Huwag kumain ng mga hilaw o rare na pagkaluto na karne.  Lutuin nang mabuti ang karne, at hugasan ang mga kagamitan na humawak ng hilaw na pagkain.

  1. Pangangasiwa ng pagkain pagkatapos magluto

 <Upang hindi madagdagan ang bakterya >>

  • Huwag iwanang matagal ang pagkain sa labas o room temperature

* Ang Escherichia coli (0157) ay nagdodoble sa dami sa loob ng 15 hanggang 20 minuto kahit as room temperature.  Lalo na sa tag-araw, ilagay as ref ang mga baunan at huwag iwan as labas.

  • Upang maiwasan ang pagdami ng bakterya, itabi ang pagkaing mainit na higit sa 65 ° C, at pagkaing malamig sa mas mababa sa 10 ° C.

Contact

Mie-ken Iryo Hoken-bu Shokuhin Anzen-ka (三重県 医療保健部 食品安全課)

TEL: 059-224-2343 (sa wikang Japanese lamang)

Ang Mie Prefecture Partnership Oath System

2021/08/25 Wednesday Anunsyo, Kalusugan at kapakanan

三重県パートナーシップ宣誓制度が始まります

Sa Setyembre 1, 2021, ang “Mie Prefecture Partnership Oath System” (Mie-ken Partnership Sensei Seido – 三重県パートナーシップ宣誓制度) ay magsisimulang magtayo ng isang lipunan kung saan ang bawat isa ay maaaring manirahan nang sama-sama nang ligtas sa prefecture ayon sa mga prinsipyo ng “paglikha ng ordenansa sa Mie Prefecture na kinikilala ang pagkakaiba-iba ng kasarian o sexual diversity upang lumikha ng isang lipunan kung saan ang mga minority na kasarian ay maaaring mamuhay ng kampante at mapayapa. ” (Sei no Tayosei o Mitomeai, Daremoga Anshin Shite Kuraseru Mie-ken Zukuri Jorei – 性の多様性を認め合い、誰もが安心して暮らせる三重県づくり条例).

1 –Paliwanag tungkol sa system

Ang Mie Prefecture Partnership Oath System ay isang sistema na nagpapahintulot sa mga mag-kasintahan, (kung saan ang isa o parehong partner ay isang sexual minority), upang magsumite ng isang nakasulat na panunumpa (oath) na magkaparehong nagpapahayag na kinikilala nila ang bawat isa bilang kanilang partner sa buhay at susuportahan nila ang bawat isa sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.  Sa paggawa nito, maglalabas ang gobyerno ng Mie ng isang Partnership Oath Certificate.

2 – Mga serbisyo kung saan maaaring magamit ang Mie Prefecture Partnership Oath System

Sa kaso ng mga government system, posible na gamitin ang system upang magrehistro ng pabahay sa pampublikong pabahay, pagbisita ng pamilya sa mga institusyong medikal, atbp.

Para sa mga pribadong serbisyo, maaari mo itong magamit kung ikaw ay isang beneficiary ng health insurance, mga family discounts para sa mga telepono, atbp.

“Ang listahan ng mga serbisyo na tumatanggap ng Mie Prefecture Partnership Oath System” ay patuloy na maa-update.

3 – Mga taong maaaring kumuha ng Oath

Ang mga taong maaaring gumamit ng Mie Partnership Oath System ay dapat matugunan ang lahat ng mga sumusunod na requirements.

  1. Ang dalawa ay dapat na magkasintahan kung saan ang isa o parehong mag partner ay isang sexual minority, na nangako na kinikilala nila ang bawat isa bilang kanilang partner sa buhay at susuportahan ang bawa’t isa sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.
  2. Dapat ay 20 taong gulang pataas
  3. Ang isa sa mag-partner o parehong partner ay dapat nakarehistrong residente o nagpaplano na lumipat sa Mie Prefecture.
  4. Pareho na dapat ay walang asawa at walang ibang romantikong karelasyon maliban sa kanilang partner
  5. Ang parehong mag partner ay dapat na hindi mag-kapamilya. Maliban nalang kung naging magka-pamilya sa pamamagitan ng adoption.

Ang mga taong nagparehistro na sa mga munisipalidad na mayroon nang ng Partnership Oath System ay maaari ring manumpa sa Prefecture.

4 – Magpa-appointment ng mas maaga

Kumuha ng appointment sa pamamagitan ng telepono o email isang linggo (bilang isang general rule) bago ang araw na nais mong isumite ang iyong oath.  Itatakda ng mga opisyal ang petsa at lugar ng oath taking.  Ang appointment ay maaring gawin mula 9:00 ng umaga sa Agosto 23, 2021 (Lunes).  May mga kaso kung saan hindi posible na manumpa sa ginustong petsa depende sa sitwasyon.

  • Mga oras kung kailan posible ang oath taking: 9am hanggang 5pm tuwing weekdays
  • Lokasyon: Mie-ken Kankyo Seikatsu-bu Diversity Shakai Suishin-ka
  • TEL: 059-224-2225 (sa wikang Japanese lamang)

* Para sa karagdagang detalye, tingnan ang pahina ng “Mie-ken Partnership Sensei Seido” sa homepage ng Prefecture (https://www.pref.mie.lg.jp/common/01/ci500015393.htm).