Mula Oktubre 1, 2021, magiging mandatory na ang pagkuha ng bicycle liability insurance

2021年10月1日から自転車損害賠償責任保険等への加入等が義務化されます

2021/09/27 Monday Anunsyo, Kaligtasan

Upang maibigay ang proteksyon sa mga biktima ng mga aksidente sa bisikleta at mapagaan ang pasanin sa bayarin sa mga indibidwal na itinuring na mananagot na magbayad ng mga pinsala ng aksidente, ang Mie Prefecture ay gagawing mandatory ang pagkuha ng bicycle liability insurance (Mieken Koutsu Anzen Jorei  三重県交通安全条例 para sa mga gumagamit ng bisikleta:

  1. Pagkuha ng personal bicycle liability insurance, etc. (Jitensha Songai Baisho Sekinin Hoken – 自転車損害賠償責任保険)
  2. Pagkumpirma ng pagkuha sa civil liability insurance para sa mg bisikleta.

Araw ng pagpapatupad (Articles 25 at 26 ng Ordinansa)

October 1, 2021 (Reiwa 3)

Target person

  1. Pagkuha ng personal bicycle liability insurance (Article 25 ng Ordinansa)

(A) Bicycle driver (maliban sa minors)

(B) Mga magulang (kapag ang nasa kustodiya na minor ay nagbibisikleta)

(C) Bicycle users

(D) Bicycle lending company

  1. Pagkumpirma ng pagbili ng bicycle liability insurance, etc. (Article 26 ng Ordinansa)

(A) Bicycle retailers

(B) Bicycle lending company

Q&A tungkol sa bicycle liability insurance (Articles 25 at 26), sa wikang Japanese lamang.

https://www.pref.mie.lg.jp/ANZEN/HP/m0053500130.htm

Mga kumpanya na nag-aalok ng liability insurance for bicycles (sa wikang Japanese lamang)

https://www.pref.mie.lg.jp/ANZEN/HP/m0053500118.htm

Mie Info Feature: “Itinatag ang regulasyon sa kaligtasan ng trapiko sa Mie”

https://mieinfo.com/informacoes/diversos/mie-koutsu-anzen/index.html

Makipag-ugnayan sa

Mie-ken Kankyo Seikatsu-bu Kurashi/Koutsu Anzen-ka Koutsu Anzen-han

〒514-8570 Tsu-shi Koumei-chi 13

TEL: 059-224-2410

Mag-ingat sa Food Poisoning

2021/09/27 Monday Anunsyo, Kaligtasan

食中毒に気を付けよう!

Maraming mga kaso ng pagkalason sa pagkain dahil sa bakterya sa panahon ng mainit at mahalumigmig na tag-init.  Upang maiwasan ang pagkalason o food poisoning, bigyan ng partikular na pansin ang mga sumusunod at maging maingat.

  1. Pagbili ng pagkain
  • Kapag bumibili ng mga mdaling masira na pagkain tulad ng karne, isda at gulay, palaging bumili ng mga sariwang produkto.
  • Kapag namimili, kunin ng huli ang mga pagkaing frozen, chilled o sensitibo sa temperatura. Pagkatapos ng pamimili, hangga’t maaari ay umuwi agad ng bahay.
  1. Pag-imbak at pagluluto ng pagkain

< Upang hindi ma-contaminate ng bacteria>

  • Hugasan nang mabuti ang mga kamay pagkatapos hawakan ang mga hilaw na produkto.
  • Ilagay ng isda at karne sa isang plastic bag o iba pang lalagyan at itago ito sa ref nang hindi natatapon ang katas ng karne sa iba pang mga pagkain.
  • Gumamit ng iba`t ibang kagamitan para sa bawat pagkain kapag nagluluto ng karne, isda at gulay.
  • Iwasang matapon ang katas ng karne sa mga salad, prutas at iba pang pagkaing kakainin nang hilaw.

<Upang hindi dumami bacteria>

  • Ilagay agad ng pagkain na kailangang mai-freeze o chilled sa sandaling bumalik ka mula sa pamimili.
  • Huwag pumuin ang refrigerator at freezer, at subukang gumamit ng hanggang 70% ng kapasidad nito.
  1. Kapag nagluluto ng pagkain

<Upang mamatay ang bacteria>

Kapag nagpapainit ng pagkain, tiyaking nainit ng mabuti ang pagkain hanggang sa loob.

*Ang Reheating ng pagkain ay mabuti ay maaaring pumatay ng bakterya.  Inirerekumenda na painitin ang gitna sa 75 ° C nang higit sa 1 minuto.  Huwag kumain ng mga hilaw o rare na pagkaluto na karne.  Lutuin nang mabuti ang karne, at hugasan ang mga kagamitan na humawak ng hilaw na pagkain.

  1. Pangangasiwa ng pagkain pagkatapos magluto

 <Upang hindi madagdagan ang bakterya >>

  • Huwag iwanang matagal ang pagkain sa labas o room temperature

* Ang Escherichia coli (0157) ay nagdodoble sa dami sa loob ng 15 hanggang 20 minuto kahit as room temperature.  Lalo na sa tag-araw, ilagay as ref ang mga baunan at huwag iwan as labas.

  • Upang maiwasan ang pagdami ng bakterya, itabi ang pagkaing mainit na higit sa 65 ° C, at pagkaing malamig sa mas mababa sa 10 ° C.

Contact

Mie-ken Iryo Hoken-bu Shokuhin Anzen-ka (三重県 医療保健部 食品安全課)

TEL: 059-224-2343 (sa wikang Japanese lamang)