Huwag magmaneho sa maling direksyon ng daanan! Ang expressway ay one-way na kalsada なくそう逆走!高速道路は一方通行です。 Share! Click to share on Facebook (Opens in new window) Facebook Click to email a link to a friend (Opens in new window) Email Click to share on X (Opens in new window) X Click to share on WhatsApp (Opens in new window) WhatsApp 2025/05/28 Wednesday Anunsyo, Kaligtasan Ang pagmamaneho sa maling daan sa isang freeway ay isang lubhang mapanganib na gawain na maaaring magdulot ng pagkasawi ng buhay. Ang panganib ng kamatayan sa mga aksidente na dulot ng pagmamaneho ng wrong way ay humigit-kumulang 15 beses na mas mataas kaysa sa iba pang mga uri ng aksidente sa mga expressway. Upang maprotektahan ang iyong buhay – at ang buhay ng iba – mahalagang malaman ang mga hakbang sa pag-iwas at kung ano ang gagawin kung sakaling magkaroon ng emergency. Ang lahat ay nasa panganib na magmaneho ng wrong way Kung nagkamali ka sa pagpasok sa exit junction: Huwag umatras o tangkang mag U-turn sa expressway. Magpatuloy sa pagmamaneho patungo sa susunod na junction doon lumasbas ng expressway Kapag mag exit, gamitin ang manual toll lane at iulat ang insidente sa toll booth attendant. Gagabayan ka ng toll booth attendant para ligtas kang makabalik sa tamang junction. Kung nagkamali ka sa pagpasok sa freeway: Huwag subukang lumiko at bumalik sa normal na kalsada.. Gamitin ang intercom sa terminal ng ticket ng toll booth para iulat ang sitwasyon. Sundin ang mga tagubilin ng attendant upang makabalik nang ligtas sa lokal na kalsada. Iwasan ang mga aksidente sa pamamagitan ng pag tuon ng atensyon at maging responsable Iwasan ang mga aksidente ng pagmamaneho ng maling direksyon sa pamamagitan ng tamang atensyon sama-samang responsibilidad Kung makakita ka ng sasakyan na naglalakbay sa maling direksyon: Kapag nakarinig o nakakita ka ng impormasyon tungkol sa isang sasakyan na naglalakbay sa maling direksyon, bawasan ang iyong bilis at panatilihin ang isang ligtas na distansya mula sa ibang mga sasakyan. Kung matukoy mo ang isang sasakyan na nagmumula sa harapan, manatiling alerto at subukang maiwasan ang banggaan nang ligtas. Hilingin sa isang pasahero na tawagan ang pulis (number 110) o gamitin ang numero ng teleponong pang-emerhensiya sa mga rest area (SA/PA). Maaari mo ring direktang iulat ito sa mga kawani ng toll booth. Kung napagtanto mong mali ang iyong paglalakbay: Kung ang gitnang hadlang ay nasa iyong kaliwa at ang mga palatandaan ay nakaharap palayo sa iyo, malamang na mali ang iyong dinadaanan. Huminto kaagad sa isang ligtas na lugar at buksan ang iyong hazard lights. Bumaba sa kotse at lumipat sa isang ligtas na lugar sa labas ng kalsada, tulad ng sa likod ng isang guardrail. Tawagan ang pulis (110) o gamitin ang emergency number para humingi ng tulong. Saan madalas nangyayari ang maling direksyon ng pagmamaneho Humigit-kumulang 60% ng mga insidente sa pagmamaneho sa maling daan ay nangyayari sa mga pasukan at labasan ng highway, mga rest area (SA/PA) at mga junction (JCT). Bigyang-pansin ang mga palatandaan at senyales – ang simpleng pagsusuri na ito ay maaaring maiwasan ang isang nakamamatay na aksidente. Sa pagpasok sa highway o pag-alis ng rest area, ugaliing palaging suriin ang mga palatandaan at senyales! Tingnan ang opisyal na pamphlet para sa kampanyang “Itigil ang wrong-way driving ” na kampanya dito (sa wikang Japanese). Share! Click to share on Facebook (Opens in new window) Facebook Click to email a link to a friend (Opens in new window) Email Click to share on X (Opens in new window) X Click to share on WhatsApp (Opens in new window) WhatsApp « Sa panahon ng Golden Week (mula sa huling bahagi ng Abril hanggang kalagitnaan ng Mayo), ang mga Regional Immigration Office ay lubos na matao ↑↑ Next Information ↑↑ Sa panahon ng Golden Week (mula sa huling bahagi ng Abril hanggang kalagitnaan ng Mayo), ang mga Regional Immigration Office ay lubos na matao 2025/05/28 Wednesday Anunsyo, Kaligtasan ゴールデンウィーク期間(4月末~5月中旬)は、出入国在留管理局が混雑します。 Share! Click to share on Facebook (Opens in new window) Facebook Click to email a link to a friend (Opens in new window) Email Click to share on X (Opens in new window) X Click to share on WhatsApp (Opens in new window) WhatsApp Dahil sa madaming bilang ng mga pampublikong holiday sa pagitan ng huling bahagi ng Abril at kalagitnaan ng Mayo, maraming dayuhan ang pumupunta sa mga tanggapan ng Imigrasyon upang mag-apply ng kanilang residence visa status. Bilang resulta, ang lugar ay magiging siksikan at matao at ang mga procedure ay maaaring mas matagal kaysa karaniwan. Kung pupunta ka sa mga Opisina ng Imigrasyon sa panahong ito, gamitin ang pampublikong transportasyon hangga’t maaari. Bilang karagdagan, kung walang namang mga isyu sa residence status o sa limit ng stay sa visa, inirerekomenda na mag-apply ka ng visa procedures mula kalagitnaan ng Mayo pataas. Ang impormasyon tungkol sa sitwasyon ng congestion, bukod sa iba pang mga abiso, ay inilathala sa opisyal na mga social media account na pinamamahalaan ng Mga Tanggapan ng Imigrasyon (ang leaflet ay makikita rito). Samantalahin ang impormasyong ito. Share! Click to share on Facebook (Opens in new window) Facebook Click to email a link to a friend (Opens in new window) Email Click to share on X (Opens in new window) X Click to share on WhatsApp (Opens in new window) WhatsApp