Alerto sa Madalas na Nakamamatay na Aksidente sa Trapiko 「交通死亡事故多発警報」発令中 Share! Click to share on Facebook (Opens in new window) Facebook Click to email a link to a friend (Opens in new window) Email Click to share on X (Opens in new window) X Click to share on WhatsApp (Opens in new window) WhatsApp 2025/09/15 Monday Anunsyo, Kaligtasan Dahil sa pagtaas ng mga nakamamatay na aksidente sa trapiko sa prefecture, isang Alerto sa Madalas na Nakamamatay na Aksidente sa Trapiko (Koutsu Shibo Jiko Tahatsu Keiho – 交通死亡事故多発警報) ang inilabas. Mangyaring sundin ang mga regulasyon sa trapiko at mag-ingat na huwag maging sanhi o masangkot sa mga aksidente. Panahon ng Pag-isyu Mula Setyembre 2, 2025 (Martes) hanggang Setyembre 30, 2025 (Martes) – kabuuang 29 na araw. Mga Priyoridad na Punto Pag-iwas sa mga Aksidente na Kinasasangkutan ng mga Matatanda Pag-iwas sa mga Aksidente sa Trapiko na Kinasasangkutan ng mga Vulnerable na Tao (Mga Pedestrian at Cyclist) Upang maiwasan ang mga Aksidente sa Trapiko Para sa mga Driver Ang mga pedestrian ay may priyoridad sa mga tawiran. Kapag may mga matatanda, magmaneho nang may konsiderasyon. Palaging magsuot ng seat belt sa lahat ng upuan. Maging mas maingat kapag tumatawid sa mga intersection. Mahigpit na ipinagbabawal ang pagmamaneho sa ilalim ng impluwensya ng alkohol. Bawasan ang pag over speed at magmaneho sa tamang ligtas na bilis. Ang reckless driving (paggamit ang cell phone, atbp.) ay ipinagbabawal; itutok ang iyong mga mata sa kalsada. Para sa mga Pedestrian at Cyclist Kapag tumatawid sa kalye, gamitin ang tawiran. Bago tumawid, siguraduhing ligtas sa pamamagitan ng pagtingin sa magkabilang direksyon. Kapag magmamaneho sa dapit-hapon o sa gabi, magsuot ng reflective materials. Para sa mga siklista, ang pagmamaneho sa ilalim ng impluwensya ng alkohol ay mahigpit ding ipinagbabawal. Igalang ang mga tuntunin sa trapiko at magmaneho nang ligtas. Kapag nagbibisikleta, magsuot ng helmet upang protektahan ang iyong buhay. Ang awareness pamphlet ay available dito (sa wikang Japanese lamang). Contact (sa wikang Japanese lamang) Mie-ken Kankyo Seikatsu-bu Kurashi Koutsu Anzen-ka Koutsu Anzen-han (三重県 環境生活部 くらし・交通安全課 交通安全班) Department of Environment and Life – Road Safety Section Tel: 059-224-2410 Share! Click to share on Facebook (Opens in new window) Facebook Click to email a link to a friend (Opens in new window) Email Click to share on X (Opens in new window) X Click to share on WhatsApp (Opens in new window) WhatsApp « Deployment ng mga Medical Interpreter (Mula Setyembre 2025 hanggang Marso 2026) ↑↑ Next Information ↑↑ Deployment ng mga Medical Interpreter (Mula Setyembre 2025 hanggang Marso 2026) 2025/09/15 Monday Anunsyo, Kaligtasan 医療通訳配置について(2025年9月から2026年3月まで) Share! Click to share on Facebook (Opens in new window) Facebook Click to email a link to a friend (Opens in new window) Email Click to share on X (Opens in new window) X Click to share on WhatsApp (Opens in new window) WhatsApp Available ang mga medical interpreter sa “Tsu Seikyo Byouin” Tsu Co-op Hospital (Tsu City) at Yonaha Okanoue Hospital (Kuwana City). Ang mga medical interpreter ay nagbibigay ng serbisyo nang walang bayad (ang medical treatment ay hindi libre). Pananatilihin ng mga interpreter ang confidentiality. Tsu Co-op Hospital Address: 16-24 Kotobuki-cho, Tsu City Wika ng interpretation: Portuguese Kailan available ang Interpreter: mula Miyerkules, Setyembre 10, 2025 hanggang Miyerkules, Marso 18, 2026 Tuwing Lunes at Miyerkules (hindi kasama ang mga holidays) 9:00 AM hanggang 2:00 PM Yonaha Okanoue Hospital Address: 1 Sakuranooka, Kuwana City Wika ng interpretation: Vietnamese Kailan available ang Interpreter: mula Martes, Setyembre 2, 2025 hanggang Miyerkules, Marso 11, 2026 Tuwing Martes at Miyerkules (hindi kasama ang mga holidays) 8:30 AM hanggang 1:30 PM Share! Click to share on Facebook (Opens in new window) Facebook Click to email a link to a friend (Opens in new window) Email Click to share on X (Opens in new window) X Click to share on WhatsApp (Opens in new window) WhatsApp