Anunsyo ng Pinagsamang Sesyon ng Konsultasyon para sa mga Dayuhan (Libreng konsultasyon) 外国人のための合同相談会(無料)のお知らせ Share! Click to share on Facebook (Opens in new window) Facebook Click to email a link to a friend (Opens in new window) Email Click to share on X (Opens in new window) X Click to share on WhatsApp (Opens in new window) WhatsApp 2025/09/18 Thursday Anunsyo, Paninirahan Isang pinagsamang sesyon ng konsultasyon para sa mga dayuhan ay gaganapin sa AST Tsu. Available ang mga konsultasyon sa mga isyu sa labor issues, immigration procedures, legal matters, at pensions. May mga Interpreters na available. Kailangan ang reservations kaya’t mangyaring tawagan kami upang ma-schedule ang konsultasyon. Petsa at Oras Linggo, Oktubre 5, 2025 10:00 AM – 4:00 PM (60 minuto bawat appointment) Venue UST Tsu – 3rd floor, inside the Mie Community Exchange Center (Mie Kenmin Kouryu Center – みえ県民交流センター) Reservations/Inquiries Mie International Exchange Foundation (MIEF) Mie Consultation Support Center para sa mga Dayuhang Residente (MieCo) Tel: 080-3300-8077 ※Ang deadline ng reservation ay hanggang Martes, ika-30 ng Setyembre. Ang mga pamplet ng pinagsamang konsultasyon ay makukuha dito: Consultation Pamphlet (sa English, Spanish, Portuguese, at Tagalog) Consultation Pamphlet (sa Indonesian, Vietnamese, Nepali, at Chinese) Share! Click to share on Facebook (Opens in new window) Facebook Click to email a link to a friend (Opens in new window) Email Click to share on X (Opens in new window) X Click to share on WhatsApp (Opens in new window) WhatsApp « Alerto sa Madalas na Nakamamatay na Aksidente sa Trapiko ↑↑ Next Information ↑↑ Alerto sa Madalas na Nakamamatay na Aksidente sa Trapiko 2025/09/18 Thursday Anunsyo, Paninirahan 「交通死亡事故多発警報」発令中 Share! Click to share on Facebook (Opens in new window) Facebook Click to email a link to a friend (Opens in new window) Email Click to share on X (Opens in new window) X Click to share on WhatsApp (Opens in new window) WhatsApp Dahil sa pagtaas ng mga nakamamatay na aksidente sa trapiko sa prefecture, isang Alerto sa Madalas na Nakamamatay na Aksidente sa Trapiko (Koutsu Shibo Jiko Tahatsu Keiho – 交通死亡事故多発警報) ang inilabas. Mangyaring sundin ang mga regulasyon sa trapiko at mag-ingat na huwag maging sanhi o masangkot sa mga aksidente. Panahon ng Pag-isyu Mula Setyembre 2, 2025 (Martes) hanggang Setyembre 30, 2025 (Martes) – kabuuang 29 na araw. Mga Priyoridad na Punto Pag-iwas sa mga Aksidente na Kinasasangkutan ng mga Matatanda Pag-iwas sa mga Aksidente sa Trapiko na Kinasasangkutan ng mga Vulnerable na Tao (Mga Pedestrian at Cyclist) Upang maiwasan ang mga Aksidente sa Trapiko Para sa mga Driver Ang mga pedestrian ay may priyoridad sa mga tawiran. Kapag may mga matatanda, magmaneho nang may konsiderasyon. Palaging magsuot ng seat belt sa lahat ng upuan. Maging mas maingat kapag tumatawid sa mga intersection. Mahigpit na ipinagbabawal ang pagmamaneho sa ilalim ng impluwensya ng alkohol. Bawasan ang pag over speed at magmaneho sa tamang ligtas na bilis. Ang reckless driving (paggamit ang cell phone, atbp.) ay ipinagbabawal; itutok ang iyong mga mata sa kalsada. Para sa mga Pedestrian at Cyclist Kapag tumatawid sa kalye, gamitin ang tawiran. Bago tumawid, siguraduhing ligtas sa pamamagitan ng pagtingin sa magkabilang direksyon. Kapag magmamaneho sa dapit-hapon o sa gabi, magsuot ng reflective materials. Para sa mga siklista, ang pagmamaneho sa ilalim ng impluwensya ng alkohol ay mahigpit ding ipinagbabawal. Igalang ang mga tuntunin sa trapiko at magmaneho nang ligtas. Kapag nagbibisikleta, magsuot ng helmet upang protektahan ang iyong buhay. Ang awareness pamphlet ay available dito (sa wikang Japanese lamang). Contact (sa wikang Japanese lamang) Mie-ken Kankyo Seikatsu-bu Kurashi Koutsu Anzen-ka Koutsu Anzen-han (三重県 環境生活部 くらし・交通安全課 交通安全班) Department of Environment and Life – Road Safety Section Tel: 059-224-2410 Share! Click to share on Facebook (Opens in new window) Facebook Click to email a link to a friend (Opens in new window) Email Click to share on X (Opens in new window) X Click to share on WhatsApp (Opens in new window) WhatsApp