Ano ang Kafunsho? 花粉症について Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp 2019/11/11 Monday Kalusugan Naranasan mo na ba na nangangati ang iyong mga mata, sinisipon o nagsimulang bumahing mula sa pollen? Ito ay mga sintomas na parang katulad ng trangkaso, ngunit maaari na ito ay sintomas ng kafunsho. Ano ang Kafunsho? Ito ay isang allergy na nangyayari kapag ang katawan ay may labis na reaksyon laban sa pollen na pumasok sa katawan. Ano ang mga sintomas? Upang maalis ang pollen, ang katawan ay naglalabas ng mga sintomas tulad ng “pagbahing”, “sipon” at “pagluha”. At ang ibang mararamdaman tulad ng pangangati ng mga mata o baradong ilong ay maaaring lumitaw dahil sa impeksyon. Kailan ang panahon na maraming air pollen? Ang pollen ay kumakalat sa anumang araw ng taon. Gayunpaman, ang panahon kung saan lumilitaw ang mga sintomas ay nakasalalay depende sa tao. Tuwing spring, ang pangunahing pollen ay mula sa mga puno tulad ng cedar at cypress (sugi at hinoki). Sa unang bahagi ng summer, ang mga pollen galing sa damo ay karaniwan, habang mula sa kalagitnaan ng summer hanggang autumn, ang mga antas ng pollen ng chrysanthemum, sunflower at iba pa ay tumataas. Ano ang dapat gawin kapag nakaramdam ng sintomas? Inirerekomenda na bisitahin ang otolaryngologist (na sa wikang Hapon ay tinatawag na Jibiinkou-ka o Jibi-ka) para sa mga sintomas na nauugnay sa ilong, at sa ophthalmologist (sa wikang Hapon, na tinatawag na Gan-ka) para sa mga sintomas ng mata. Posible ring kumunsulta sa mga general practitioner (Nai-ka), allergy (allergy-ka) o mga pediatrician (shouni-ka) para sa mga bata. Tungkol sa paggamot Mayroong iba’t ibang mga pamamaraan ng mga terapiya tulad ng pag-inom ng gamot, pagbawas ng pagiging sensitibo sa allergy, surgical treatment, atbp. Samakatuwid, mahalaga na kumunsulta sa doktor. Sa tamang paraan ng paggamot at pag-iwas, maaari mabawasan ang iyong mga sintomas. Kung mayroon kang kafunsho, mag-schedule agad ng appointment bago pa magsimula ang panahon ng kafunsho upang mapigilan ito sa lalong madaling panahon. Pag-iwas: Ano ang dapat baguhin sa pang-araw-araw? Upang maiwasan ang pagsinghot at pagpasok ng pollen sa katawan: Magsuot ng mask at glasses kapag umaalis sa bahay Magsuot ng plain, makinis na tela na damit at sumbrero Hugasan ang iyong mga kamay, mag-gargle at tanggalin ang pollen sa iyong mga damit kapag nakauwi na Patuloy na linisan ang iyong bahay gamit ang basang tela o mop Isampay ang mga nilabhan sa loob ng bahay Matulog ng sapat Magkaroon ng healthy na rutina Kumain ng balanseng pagkain Mag-ingat sa labis na pag-inom ng alkohol. Kung naninigarilyo, subukang bawasan ang dami ng mga sigarilyo. Kapag ang antas ng airborne na pollen ay nadaragdagan, maraming mga pasyente ang nakakaranas agad ng mga sintomas, at ang iba ay mas matagal. Iba rin ang lakas ng epekto nito depende sa tao. Ang mga sintomas ay maaaring mas malakas o mahina ayon sa dami ng pollen sa hangin, kaya maraming mga tao na walang mga sintomas kapag ang pollen ay mababa. Mahalagang maging maingat upang walang mga sintomas ng kafunsho. Bigyang-pansin ang mga bagong impormasyon at iwasan ang paglabas ng bahay sa mga oras na maraming pollen. Gamitin ang impormasyon sa video na ito upang maprotektahan ang iyong sarili mula sa kafunsho! Reference: http://www.pref.mie.lg.jp/KENKOT/HP/84849050608.htm https://www.mhlw.go.jp/new-info/kobetu/kenkou/ryumachi/kafun/ippan-qa.html https://www.mhlw.go.jp/file/06-Seisakujouhou-10900000-Kenkoukyoku/0000077514.pdf Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp « 2020 Special Screening sa High School Admissions ng Mie Prefectural High School para sa mga Non-Japanese Students Hand in Hand 2019 – Multicultural Awareness Event (*Ang aplikasyon na ito ay sarado na dahil naabot na namin ang kapasidad ng aplikante) » ↑↑ Next Information ↑↑ 2020 Special Screening sa High School Admissions ng Mie Prefectural High School para sa mga Non-Japanese Students 2019/11/11 Monday Kalusugan 令和2年度(2020年)三重県立高等学校外国人生徒等の特別枠入学者選抜について Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp Eligibility Criteria Mga taong naninirahan kasama ang guardian o isang may dayuhang nasyonalidad na pina-planong manirahan sa Mie Prefecture, na hindi pa nakapasa sa loob ng 6 na taon as of Abril 1, 2020 mula sa petsa ng pagdating sa bansa. Impormasyon tungkol sa mga available na High School, kurikulum, at mga dokumento na isusumite Pakitignan ang 2020 Mie Prefectural High School Admissions Screening Guidelines (令和2年度三重県立高等学校入学者選抜実施要項) (Japanese only), na matatagpuan sa mga sumusinod na link: http://www.pref.mie.lg.jp/common/content/000858541.pdf Bilang ng mga aplikante Bilang isang pangkalahatang tuntunin, ang bawat prefectural high school ay tatanggap ng hanggang 5 na non-Japanese at / o returnee sa pamamagitan ng screening na ito. Gayunpaman, tatanggapin ng Japanese Communication Department ng Iino High School ang hanggang sa 10 na non-Japanese at / o returnee. Ang mga nabanggit na numero ay sumasalamin sa kabuuang bilang ng mga application na tinanggap sa panahon ng parehong una at ikalawang semestre ng admission. Ang pinakamataas na kapasidad ng bawat paaralan ay isasaalang-alang sa panahon ng proseso ng admission, at walang paaralan na lalampas sa quota ng mag-aaral. Panahon ng pagtanggap at araw ng screening (2020) Panahon ng pagtanggap Araw ng screening Unang semester admission Enero 27 (Lunes) – Enero 30 (Huwebes) Pebrero 6 (Huwebes), ika-7 (Biyernes) Pangalawang semester admission Pebrero 21 (Biyernes) – Pebrero 27 (Huwebes) *Hanggang sa Pebrero 26 (Miyerkules) para sa mga part-time na paaralan. (Maliban sa Sabado at Linggo) Marso 10 (Martes) Mga nilalaman ng screening [Unang semester admission] Ang mga pamamaraan ng pagsusuri ay mag-iiba ayon sa paaralan at maaaring kasama ang: mga interview, pagsusuri ng self-expression, essays, at/o written tests. Listahan ng mga nilalaman ng pagsusuri ng bawat paaralan: http://www.pref.mie.lg.jp/common/content/000858561.pdf [Pangalawang semester admission] Essay at Interview Ang pagsusuri sa essay at interview ay isasagawa sa native language ng aplikante, English, o Japanese. Ang desisyon sa pagtanggap ng isang aplikante ay nakasalalay sa punong-guro ng paaralan. Ang isang written test ay maaari ring ibigay depende sa ng punong-guro ng paaralan Paraan ng pagpili Batay sa “survey” kung saan nakasaad ang mga resulta ng screening at ang mga resulta sa junior high school, ay magsasagawa ng komprehensibong pagpili at ang mga matagumpay na aplikante ay mapapasya. *Para sa mga detalye, mangyaring sumangguni sa “Mie Prefectural High School Admission Entrance Examination Requirements” 「令和2年度三重県立高等学校入学者選抜実施要項」 o sa Mie Prefectural Special Assistance Scholars Admission Guidelines「令和2年度三重県立特別支援学校入学者募集要項」 (Japanese only) http://www.pref.mie.lg.jp/KOKOKYO/HP/000215949.htm *Para sa impormasyon tungkol sa multilingual high school systems at scholarships, atbp. (Public Good) Pakitingnan ang “High School Admission Guidance Guidebook” na inihanda ng Mie International Exchange Foundation. http://www.mief.or.jp/jp/guidance_guidebook.html Makipag-ugnay sa Mie-ken Kyoiku Iinkai Jimukyoku Koko Kyoiku-ka Career Kyouik-han TEL: 059-224-2913 (Japanese only) Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp