2020 Special Screening sa High School Admissions ng Mie Prefectural High School para sa mga Non-Japanese Students 令和2年度(2020年)三重県立高等学校外国人生徒等の特別枠入学者選抜について Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp 2019/11/11 Monday Edukasyon Eligibility Criteria Mga taong naninirahan kasama ang guardian o isang may dayuhang nasyonalidad na pina-planong manirahan sa Mie Prefecture, na hindi pa nakapasa sa loob ng 6 na taon as of Abril 1, 2020 mula sa petsa ng pagdating sa bansa. Impormasyon tungkol sa mga available na High School, kurikulum, at mga dokumento na isusumite Pakitignan ang 2020 Mie Prefectural High School Admissions Screening Guidelines (令和2年度三重県立高等学校入学者選抜実施要項) (Japanese only), na matatagpuan sa mga sumusinod na link: http://www.pref.mie.lg.jp/common/content/000858541.pdf Bilang ng mga aplikante Bilang isang pangkalahatang tuntunin, ang bawat prefectural high school ay tatanggap ng hanggang 5 na non-Japanese at / o returnee sa pamamagitan ng screening na ito. Gayunpaman, tatanggapin ng Japanese Communication Department ng Iino High School ang hanggang sa 10 na non-Japanese at / o returnee. Ang mga nabanggit na numero ay sumasalamin sa kabuuang bilang ng mga application na tinanggap sa panahon ng parehong una at ikalawang semestre ng admission. Ang pinakamataas na kapasidad ng bawat paaralan ay isasaalang-alang sa panahon ng proseso ng admission, at walang paaralan na lalampas sa quota ng mag-aaral. Panahon ng pagtanggap at araw ng screening (2020) Panahon ng pagtanggap Araw ng screening Unang semester admission Enero 27 (Lunes) – Enero 30 (Huwebes) Pebrero 6 (Huwebes), ika-7 (Biyernes) Pangalawang semester admission Pebrero 21 (Biyernes) – Pebrero 27 (Huwebes) *Hanggang sa Pebrero 26 (Miyerkules) para sa mga part-time na paaralan. (Maliban sa Sabado at Linggo) Marso 10 (Martes) Mga nilalaman ng screening [Unang semester admission] Ang mga pamamaraan ng pagsusuri ay mag-iiba ayon sa paaralan at maaaring kasama ang: mga interview, pagsusuri ng self-expression, essays, at/o written tests. Listahan ng mga nilalaman ng pagsusuri ng bawat paaralan: http://www.pref.mie.lg.jp/common/content/000858561.pdf [Pangalawang semester admission] Essay at Interview Ang pagsusuri sa essay at interview ay isasagawa sa native language ng aplikante, English, o Japanese. Ang desisyon sa pagtanggap ng isang aplikante ay nakasalalay sa punong-guro ng paaralan. Ang isang written test ay maaari ring ibigay depende sa ng punong-guro ng paaralan Paraan ng pagpili Batay sa “survey” kung saan nakasaad ang mga resulta ng screening at ang mga resulta sa junior high school, ay magsasagawa ng komprehensibong pagpili at ang mga matagumpay na aplikante ay mapapasya. *Para sa mga detalye, mangyaring sumangguni sa “Mie Prefectural High School Admission Entrance Examination Requirements” 「令和2年度三重県立高等学校入学者選抜実施要項」 o sa Mie Prefectural Special Assistance Scholars Admission Guidelines「令和2年度三重県立特別支援学校入学者募集要項」 (Japanese only) http://www.pref.mie.lg.jp/KOKOKYO/HP/000215949.htm *Para sa impormasyon tungkol sa multilingual high school systems at scholarships, atbp. (Public Good) Pakitingnan ang “High School Admission Guidance Guidebook” na inihanda ng Mie International Exchange Foundation. http://www.mief.or.jp/jp/guidance_guidebook.html Makipag-ugnay sa Mie-ken Kyoiku Iinkai Jimukyoku Koko Kyoiku-ka Career Kyouik-han TEL: 059-224-2913 (Japanese only) Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp « Mag-ingat kapag bibili ng mga parallel imports at personal imports Ano ang Kafunsho? » ↑↑ Next Information ↑↑ Mag-ingat kapag bibili ng mga parallel imports at personal imports 2019/11/11 Monday Edukasyon 並行輸入品や個人輸入品を購入する際の注意点 Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp Kamakailan lamang, ang tinatawag na “parallel imported products” (heiko yunyu-hin) at “personal imported products” (kojin yunyu-hin) ay malawak na ipinagbibili sa Internet dahil ang mga ito ay mas mura kaysa sa mga “genuine imported products” (seiki yunyu-hin). Gayunpaman, may mga problemang nagaganap tulad ng mga produkto na nagdudulot ng mga epekto dahil sa pagkakaroon ng hindi magandang kalidad, na nagiging sanhi ng mga problema sa balat lalo na sa mga makeup o hindi na maibalik ang item kahit ito ay na-recall na. Kapag bibili ng parallel o personal imported products galing abroad, kailangan mong maunawaan ang mga panganib at bumili lamang mula sa isang maaasahang seller. *1 – Ang Parallel Imported Products (heiko yunyu-hin) ay mga produkto na na-import sa pamamagitan ng mga ruta maliban sa mga ruta ng mga tunay na produkto, hindi sila na-import sa Japan sa pamamagitan ng mga foreign affiliate o mga factory sa Japan at iba pang mga opisyal na tindahan na may mga kontrata sa pagbebenta. *2 – Ang Personal imported products (kojin yunyu-hin) ay mga produktong binili nang direkta mula sa ibang bansa para sa personal na paggamit. < Mga payo upang maiwasan ang problema > Ang Parallel imported products at personal imported products na dumadating sa Japan ay maaaaring iba keysa sa genuine products na kung saan mayroong instructions at safety measures. Bilhin ang mga ito na tandaan na maaaring naiiba sila sa mga tunay na produkto sa Japan. Purchase the products after verifying the seller’s address, return conditions and other details in the contract. Kumpirmahin na ang produkto ay hindi naka-recall bago ito bilhin. Kumpirmahin ang impormasyon ng contact ng nagbebenta at siguraduhin na nai-save mo ito. <Mie Info materials> Mahalagang puntos upang hindi makasali sa mga isyu sa online na bentahan https://mieinfo.com/tl/video-tg/impormasyon/ecommerce/index.html Alamin Kung paano hindi makasali sa Mga Isyu sa Pamimili sa Online ~ Mahalagang Mga Punto Tungkol sa Overseas Internet Shopping ~ https://mieinfo.com/tl/nilalaman/anunsyo/upang-hindi-makaranas-ng-problema-sa-internet-shopping-mga-puntos-na-kailangang-pansinin-tuwing-gagamit-ng-overseas-online-mail-order/index.html Consultation Center Consumer Hotline: TEL: 188 Sa pagtawag, magkakaroon ng voice guidance at ang tawag ay mata-transmit sa pinakamalapit Municipal Consumer Consultation Center or to the Mie Provincial Consumer Center. Kung nagkakaroon ka ng mga problema sa mga produktong binili mula sa mga nagbebenta sa ibang bansa, mangyaring kumunsulta sa Transnational Consumer Protection Center. (Ekkyo Shouhisha Center) https://www.ccj.kokusen.go.jp/sdn_process FAX: 03-3443-8879 I-Click dito upang mabuksan ang consultation form. * Ang mga konsultasyon ay sa pamamagitan ng FAX o online form lamang. Walang mga konsultasyon sa telepono. * Ang mga konsultasyon ay nasa wikang Hapon lamang. * Ang mga konsultasyon ay hindi kasama ang mga transaksyon sa pagitan ng mga indibidwal o sa pagitan ng mga mangangalakal. Reference: “Important Points when Purchasing Parallel Imported Products and Personal Imported Products from Abroad” from the Consumer Department. https://www.caa.go.jp/notice/assets/consumer_safety_cms204_190830_01.pdf Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp