Hand in Hand 2019 – Multicultural Awareness Event (*Ang aplikasyon na ito ay sarado na dahil naabot na namin ang kapasidad ng aplikante) 多文化共生理解イベント Hand in Hand 2019 Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp 2019/11/13 Wednesday Seminar at mga events *Ang aplikasyon na ito ay sarado na dahil naabot na namin ang kapasidad ng aplikante. Sa Mie Prefecture, ang mga tao na may iba’t ibang nasyonalidad, grupo ng etniko at iba pa ay kinikilala ang Iba’t-ibang pagkakaiba sa kultura at bumuo ng isang komunidad na magkakasama sa pamamagitan ng pantay na ugnayan, “paglikha ng multicultural coexistance Society. Bilang bahagi nito, magkakaroon ng isang event na na pinamagatang Hand in Hand 2019 – Multicultural Awareness Event. Ang tema ngayong taon ay “Fictitious Planet Travels – North America”. Gusto mo bang maranasang makalakbay sa bansang North American na gamit laman ang iyong malawak na imahinasyon? Petsa Disyembre 8, 2019 (Linggo) – simula 1:30 pm hanggang 4:00 pm Lugar Mie Prefectural Exchange Center – Mie Kenmin Kouryu Center (Tsu-shi Hadokoro-cho 700 – UST Tsu 3F) Nilalaman Sumakay sa isang fictional trip to Canada and the United States Sumakay sa isang Fictitious Trip (imaginary travel experiences) patungong United States at Canada na may native guides. Masayang matuto tungkol sa heograpiya, kultura at pamumuhay ng dalawang bansa. * Hindi kailangang bumili ng ticket sa pagboard ng eroplano. Sumali as munting theatre Magkakaroon ng isang teatro sa wikang Ingles na may mga kwentong may kaugnayan sa Pasko. Maging bahagi ng play na gagawin para sa lahat ng mga kalahok! Entrance fee Libre Mga target na audience Mga taong nakaka-intindi ng basic English *Ang mga paliwanag ay gagawin sa wikang Japanese, ngunit ang teatro ay isasagawa sa wikang Ingles. Kapasidad ng mga manonood at paraan ng pag-register Limitado sa unang 25-katao na magsa-sign up * Kinakailangan ng advance registration. Mag sign up by email, fax o telepono sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa impormasyon na nakasaad sa ibaba. Makipag-ugnayan sa: Mie Citizen Activity Volunteer Center (Mie Shimin Katsudo Volunteer Center) TEL: 059-222-5995 FAX: 059-222-5971 E-mail: center@mienpo.net http://www.mienpo.net/center Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp « Ano ang Kafunsho? 2019 Business Explanatory Meeting ng Mie Prefecture Officials » ↑↑ Next Information ↑↑ Ano ang Kafunsho? 2019/11/13 Wednesday Seminar at mga events 花粉症について Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp Naranasan mo na ba na nangangati ang iyong mga mata, sinisipon o nagsimulang bumahing mula sa pollen? Ito ay mga sintomas na parang katulad ng trangkaso, ngunit maaari na ito ay sintomas ng kafunsho. Ano ang Kafunsho? Ito ay isang allergy na nangyayari kapag ang katawan ay may labis na reaksyon laban sa pollen na pumasok sa katawan. Ano ang mga sintomas? Upang maalis ang pollen, ang katawan ay naglalabas ng mga sintomas tulad ng “pagbahing”, “sipon” at “pagluha”. At ang ibang mararamdaman tulad ng pangangati ng mga mata o baradong ilong ay maaaring lumitaw dahil sa impeksyon. Kailan ang panahon na maraming air pollen? Ang pollen ay kumakalat sa anumang araw ng taon. Gayunpaman, ang panahon kung saan lumilitaw ang mga sintomas ay nakasalalay depende sa tao. Tuwing spring, ang pangunahing pollen ay mula sa mga puno tulad ng cedar at cypress (sugi at hinoki). Sa unang bahagi ng summer, ang mga pollen galing sa damo ay karaniwan, habang mula sa kalagitnaan ng summer hanggang autumn, ang mga antas ng pollen ng chrysanthemum, sunflower at iba pa ay tumataas. Ano ang dapat gawin kapag nakaramdam ng sintomas? Inirerekomenda na bisitahin ang otolaryngologist (na sa wikang Hapon ay tinatawag na Jibiinkou-ka o Jibi-ka) para sa mga sintomas na nauugnay sa ilong, at sa ophthalmologist (sa wikang Hapon, na tinatawag na Gan-ka) para sa mga sintomas ng mata. Posible ring kumunsulta sa mga general practitioner (Nai-ka), allergy (allergy-ka) o mga pediatrician (shouni-ka) para sa mga bata. Tungkol sa paggamot Mayroong iba’t ibang mga pamamaraan ng mga terapiya tulad ng pag-inom ng gamot, pagbawas ng pagiging sensitibo sa allergy, surgical treatment, atbp. Samakatuwid, mahalaga na kumunsulta sa doktor. Sa tamang paraan ng paggamot at pag-iwas, maaari mabawasan ang iyong mga sintomas. Kung mayroon kang kafunsho, mag-schedule agad ng appointment bago pa magsimula ang panahon ng kafunsho upang mapigilan ito sa lalong madaling panahon. Pag-iwas: Ano ang dapat baguhin sa pang-araw-araw? Upang maiwasan ang pagsinghot at pagpasok ng pollen sa katawan: Magsuot ng mask at glasses kapag umaalis sa bahay Magsuot ng plain, makinis na tela na damit at sumbrero Hugasan ang iyong mga kamay, mag-gargle at tanggalin ang pollen sa iyong mga damit kapag nakauwi na Patuloy na linisan ang iyong bahay gamit ang basang tela o mop Isampay ang mga nilabhan sa loob ng bahay Matulog ng sapat Magkaroon ng healthy na rutina Kumain ng balanseng pagkain Mag-ingat sa labis na pag-inom ng alkohol. Kung naninigarilyo, subukang bawasan ang dami ng mga sigarilyo. Kapag ang antas ng airborne na pollen ay nadaragdagan, maraming mga pasyente ang nakakaranas agad ng mga sintomas, at ang iba ay mas matagal. Iba rin ang lakas ng epekto nito depende sa tao. Ang mga sintomas ay maaaring mas malakas o mahina ayon sa dami ng pollen sa hangin, kaya maraming mga tao na walang mga sintomas kapag ang pollen ay mababa. Mahalagang maging maingat upang walang mga sintomas ng kafunsho. Bigyang-pansin ang mga bagong impormasyon at iwasan ang paglabas ng bahay sa mga oras na maraming pollen. Gamitin ang impormasyon sa video na ito upang maprotektahan ang iyong sarili mula sa kafunsho! Reference: http://www.pref.mie.lg.jp/KENKOT/HP/84849050608.htm https://www.mhlw.go.jp/new-info/kobetu/kenkou/ryumachi/kafun/ippan-qa.html https://www.mhlw.go.jp/file/06-Seisakujouhou-10900000-Kenkoukyoku/0000077514.pdf Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp