Asia 2&4 Motorsports Month at Suzuka Circuit 2019 – Ang admission fee ng mga dayuhan sa Suzuka Circuit ay magiging libre!

Asia 2&4 Motorsports Month at Suzuka Circuit 2019 外国人の鈴鹿サーキット入場が無料になります!

2019/05/27 Monday Seminar at mga events

Ang Suzuka Circuit ay binuksan noong 1962 bilang isang ganap na international racing course sa Japan at nagsasagawa ng event ng iba’t-ibang racing at motor sports kabilang na dito ay ang F1.

Sa pagpapatuloy mula sa nakaraang taon, sa dalawang race na kung saan ang Asian players ay aktibo sa Suzuka Circuit mula Hunyo, maglalaan ng isang lugar para sa mga tao ng iba’t-ibang mga nationalities sa loob at labas ng prefecture upang makipag-ugnayan at naglalayong magbigay ng pagkakataon para sa exchange ng Japanese motor sports culture.

Ang mga dayuhan na may residence card ay maaaring pumasok sa Suzuka circuit nang walang bayad sa pamamagitan ng pagkuha ng reservation nang maaga. Bilang karagdagan, ang mga dayuhan na may residence card ay maaaring bumili ng mga ticket na may special discount sa Amusement Park “Motopia” at Pool “Aqua Adventure” mula Hunyo 1 hanggang Hulyo 19.

Mangyaring tignan ang homepage!

https://www.suzukacircuit.jp/en/asia_month/jp (japanese)
https://www.suzukacircuit.jp/en/asia_month/ (english)
https://www.suzukacircuit.jp/tw/asia_month/ (chinese)

i-click dito para sa PDF File (english, japanese at chinese)

Schedule

  • June 22 at 23 – “SUZUKA Race of Asia 2019” (4 wheel race)

Mga iba’t-ibang category tulad ng “Blancpain GT Series Asia” at “LAMBORGHINI SUPER TROFEO ASIA” ang gaganapin.

  • June 29 at 30 – “2019 FIM Asian Road Race Championship Series Round 4” (2 wheel race)

Isang road race ang gaganapin kung saan may higit sa 70 na manlalaro mula sa 10 na bansa sa Asya at Oceania ang lalahok.

Target audience

Ang mga dayuhan na may residence card at limang bisita (kabilang ang mga Japanese national) ay libreng makakapasok.

*Ang advance registration ay kinakailangan!

*Mayroong mga karagdagang bayad kapag ginamit ang parking lot at iba pang attractions.

Mangyaring gamitin ang sumusunod na link mula sa application form (English, Japanese at Chinese)

https://www7.webcas.net/form/pub/suzuka/2019_asiamonth_entry

Lugar

Suzuka Circuit – 〒510-0295  Mie-ken Suzuka-shi Ino-cho 7992

Contact Information

Suzuka Circuit–JigyouKikaku-ka (Business Planning Division)
〒510-0295 Mie-ken Suzuka-shi Ino-cho 7992
TEL: 059-378-1111  http://www.suzukacircuit.jp
E-mail: english_info@mobilityland.co.jp

Libreng Bakuna at Antibody Test para sa Rubella o Tigdas

2019/05/27 Monday Seminar at mga events

無料の風しん抗体検査と予防接種について

Ayon sa National Institute of Infectious Diseases, ang bilang ng mga kaso na may tigdas ay nadagdagan mula 91 sa 2017 hanggang 2,917 sa 2018, at 1,377 ang naiulat sa katapusan ng Abril 2019, ang mga pasyente na may tigdas ay dumadami sa 2019 at patuloy pa rin ang epidemya.

  1. Mga karagdagang hakbang para sa Rubella

Mula 2019 hanggang 2021 sa loob ng 3 taon, ang antibody test at pagbabakuna para sa rubella ay ihahandog ng libre sa mga lalaki na ipinanganak sa pagitan ng ika-2 ng Abril, 1962 at ika-1 ng Abril, 1979, na hindi kailanman sumailalim sa routine vaccination.

Ang kandidato para sa 2019 ay ang mga ipinanganak sa pagitan ng Abril 2, 1972 at Abril 1, 1979. Ang mga coupon ay ipapadala mula sa tanggapan ng munisipyo. Ang mga lalaki na bukod sa target na mga henerasyon ay maaari ring makakuha ng coupon sa counter ng munisipyo.

Para sa higit pang mga detalye, mangyaring magtanong sa counter na in-charge sa inyong munisipyo.

Mga medical institutions kung saan maaaring magamit ang coupon sa Mie Prefecture (i-click ang「三重」sa page)

https://www.mhlw.go.jp/stf/seisakunitsuite/bunya/kenkou_iryou/kenkou/kekkaku-kansenshou/rubella/index_00001.html

  1. Rubella Antibody testing para sa mga babaeng nagpa-planong mag buntis.

Ang pagsusuri ng antibody ng Rubella para sa mga kababaihang nagpa-plano na mag buntis ay isasagawa sa Mie Prefecture mula Mayo 7, 2019 hanggang Pebrero 28, 2020.

Para sa higit pang mga detalye, mangyaring tingnan ang sumusunod na URL.  (Japanese only)

http://www.pref.mie.lg.jp/YAKUMUS/HP/84972012623.htm

Reference

三重県医療保健部薬務感染症対策課感染症対策班

Mie-ken Iryo Hoken-bu Yakumu Kansen-sho Taisaku-ka Kansen-sho Taisaku-han
(Mie Prefecture Medical Health Department Pharmaceutical Affairs Division Countermeasures against Infectious Diseases Division)

http://www.pref.mie.lg.jp/YAKUMUS/HP/m0068000016_00001.htm

MieInfo past articles on Rubella

https://mieinfo.com/ja/jouhou/kenkou/fuushin-rubella-2018-10/index.html

Ministry of Health, Labor and Welfare 「Additional measures for Rubella」

https://www.mhlw.go.jp/stf/seisakunitsuite/bunya/kenkou_iryou/kenkou/kekkaku-kansenshou/rubella/index_00001.html

National Institute of Infectious Diseases
「Urgent information on the rapid increase of rubella (2019)」

https://www.niid.go.jp/niid/ja/diseases/ha/rubella.html