Libreng Bakuna at Antibody Test para sa Rubella o Tigdas

無料の風しん抗体検査と予防接種について

2019/05/21 Tuesday Kalusugan at kapakanan

Ayon sa National Institute of Infectious Diseases, ang bilang ng mga kaso na may tigdas ay nadagdagan mula 91 sa 2017 hanggang 2,917 sa 2018, at 1,377 ang naiulat sa katapusan ng Abril 2019, ang mga pasyente na may tigdas ay dumadami sa 2019 at patuloy pa rin ang epidemya.

  1. Mga karagdagang hakbang para sa Rubella

Mula 2019 hanggang 2021 sa loob ng 3 taon, ang antibody test at pagbabakuna para sa rubella ay ihahandog ng libre sa mga lalaki na ipinanganak sa pagitan ng ika-2 ng Abril, 1962 at ika-1 ng Abril, 1979, na hindi kailanman sumailalim sa routine vaccination.

Ang kandidato para sa 2019 ay ang mga ipinanganak sa pagitan ng Abril 2, 1972 at Abril 1, 1979. Ang mga coupon ay ipapadala mula sa tanggapan ng munisipyo. Ang mga lalaki na bukod sa target na mga henerasyon ay maaari ring makakuha ng coupon sa counter ng munisipyo.

Para sa higit pang mga detalye, mangyaring magtanong sa counter na in-charge sa inyong munisipyo.

Mga medical institutions kung saan maaaring magamit ang coupon sa Mie Prefecture (i-click ang「三重」sa page)

https://www.mhlw.go.jp/stf/seisakunitsuite/bunya/kenkou_iryou/kenkou/kekkaku-kansenshou/rubella/index_00001.html

  1. Rubella Antibody testing para sa mga babaeng nagpa-planong mag buntis.

Ang pagsusuri ng antibody ng Rubella para sa mga kababaihang nagpa-plano na mag buntis ay isasagawa sa Mie Prefecture mula Mayo 7, 2019 hanggang Pebrero 28, 2020.

Para sa higit pang mga detalye, mangyaring tingnan ang sumusunod na URL.  (Japanese only)

http://www.pref.mie.lg.jp/YAKUMUS/HP/84972012623.htm

Reference

三重県医療保健部薬務感染症対策課感染症対策班

Mie-ken Iryo Hoken-bu Yakumu Kansen-sho Taisaku-ka Kansen-sho Taisaku-han
(Mie Prefecture Medical Health Department Pharmaceutical Affairs Division Countermeasures against Infectious Diseases Division)

http://www.pref.mie.lg.jp/YAKUMUS/HP/m0068000016_00001.htm

MieInfo past articles on Rubella

https://mieinfo.com/ja/jouhou/kenkou/fuushin-rubella-2018-10/index.html

Ministry of Health, Labor and Welfare 「Additional measures for Rubella」

https://www.mhlw.go.jp/stf/seisakunitsuite/bunya/kenkou_iryou/kenkou/kekkaku-kansenshou/rubella/index_00001.html

National Institute of Infectious Diseases
「Urgent information on the rapid increase of rubella (2019)」

https://www.niid.go.jp/niid/ja/diseases/ha/rubella.html

Tayo ay magbayad ng 2019 Automobile Tax sa takdang petsa

2019/05/21 Tuesday Kalusugan at kapakanan

2019年・自動車税は納期限までに納めましょう

Ang due date ng Automobile Tax sa taong ito ay sa May 31 (Biyernes).

Ang mga tao na nagmamay-ari ng sasakyan ay kailangan magbayad ng Automobile Tax ng isang beses sa isang taon.

Ginagamit ito ng  Mie Prefecture para magsagawa ng mga iba’t ibang serbisyong administratibo tulad ng paaralang pang-edukasyon at kalusugan, medical care, welfare enhancement, pagdevelop ng transportasyon at network ng transportasyon, pag-secure ng trabaho, at mga panukala ng disaster prevention.

May dumating na sa mga may ari ng sasakyan na envelope na may picture ng pulang sasakyan (katulad ng nakalarawan sa ibaba) na pinadala galing sa munisipyo.

Gamit ang “Payment Slip” na nasa envelope, maaring mabayaran ito sa mga bangko at mga convinience store. bukod dito, maaaring makapagbayad gamit ang credit card (ito ay kapag gagamit ng Internet sa pagbayad)

Kapag hindi nakabayad hanggang sa due date, ay hihilingin na magbayad din ng “Penalty fee”.

Kapag nabigyan ng notice ngunit hindi nakapagbayad ay nakasaad sa batas ng bansa na maaaring kunin ang mga ari-arian katulad ng mga sasakyan at sweldo.

Mangyaring siguraduhin na makapagbayad bago ang due date sa May 31.

I-click dito para sa 2019 Automobile Tax Poster (mayroong Japanese, English, Portuguese, Spanish)