Tayo ay magbayad ng 2019 Automobile Tax sa takdang petsa

2019年・自動車税は納期限までに納めましょう

2019/05/07 Tuesday Anunsyo

Ang due date ng Automobile Tax sa taong ito ay sa May 31 (Biyernes).

Ang mga tao na nagmamay-ari ng sasakyan ay kailangan magbayad ng Automobile Tax ng isang beses sa isang taon.

Ginagamit ito ng  Mie Prefecture para magsagawa ng mga iba’t ibang serbisyong administratibo tulad ng paaralang pang-edukasyon at kalusugan, medical care, welfare enhancement, pagdevelop ng transportasyon at network ng transportasyon, pag-secure ng trabaho, at mga panukala ng disaster prevention.

May dumating na sa mga may ari ng sasakyan na envelope na may picture ng pulang sasakyan (katulad ng nakalarawan sa ibaba) na pinadala galing sa munisipyo.

Gamit ang “Payment Slip” na nasa envelope, maaring mabayaran ito sa mga bangko at mga convinience store. bukod dito, maaaring makapagbayad gamit ang credit card (ito ay kapag gagamit ng Internet sa pagbayad)

Kapag hindi nakabayad hanggang sa due date, ay hihilingin na magbayad din ng “Penalty fee”.

Kapag nabigyan ng notice ngunit hindi nakapagbayad ay nakasaad sa batas ng bansa na maaaring kunin ang mga ari-arian katulad ng mga sasakyan at sweldo.

Mangyaring siguraduhin na makapagbayad bago ang due date sa May 31.

I-click dito para sa 2019 Automobile Tax Poster (mayroong Japanese, English, Portuguese, Spanish)

Gabay sa Japanese para sa trabaho (Libreng Japanese language course)

2019/05/07 Tuesday Anunsyo

定住外国人向けしごとのための日本語(無料の日本語学習コース)のご案内

Ang Japan International Cooperation Center (JICE) ay magsasagawa ng Practical Japanese Useful for Work 2019 Training Course para sa pag-promote ng stable na trabaho para sa mga dayuhang residente simula sa katapusan ng Mayo 2019.

Ang kurso na ito ay beginner’s course (Level 1).  Ang mga nilalaman ng kurso ay para sa mga taong nag-aaral ng wikang Hapon sa unang pagkakataon, mga taong hindi nakakapagsalita ng wikang Hapon, at para sa mga hindi marunong magbasa at magsulat ng hiragana at katakana.  Maaaring makapag-apply sa pinakamalapit na Hello Work.

Sino ang maaaring sumali

  • Sa mga gustong makahanap ng stable na trabaho
  • Sa mga 16 taong gulang at pataas na may status of residence na “Spouse of Japanese, etc.”, “Permanent Resident”, “Spouse of Permanent Resident, etc.” at “Long Term Resident”

※ Ang pagbubukas ng kurso ay maaaring kanselahin kung ang klase ay may konting aplikante.
※ Ang antas ng klase ay naka-planado at maaaring magbago.

Schedule・Lugar・Paraan ng pag-apply

Host City Placement Test Opening Period Araw ng linggo Oras
Kuwana Mayo 23 Mayo 30 ~ Setyembre 9 Lunes~Biyernes 18:45~20:45
Yokkaichi Mayo 22 Mayo 29 ~ Hulyo 30 Lunes~Biyernes 9:00~12:00
Suzuka Mayo 28 Hunyo 5 ~ Huly 31 Martes~Biyernes 9:00~13:00
Iga Hunyo 4 Hunyo 11 ~ Setyembre 24 Martes, Huwebes, Biyernes 9:00~12:00
Tsu Mayo 27 Hunyo 3 ~ Setyembre 30 Lunes, Miyerkules~ Biyernes 18:30~20:30

※ Mangyaring tingnan ang mga sumusunod na flyer para sa mga nilalaman ng kurso, mga lugar, mga application (Hello Work), atbp.

Flyers (Japanese, English, Chinese, Portuguese, Spanish)

Inquiry (Japanese only)

Japan International Cooperation Center (JICE)
Tel. 052-201-0881
Kuwana City, Yokkaichi City, Suzuka City (Portuguese / Spanish) Mylena→Tel. 080-4336-1832
Tsu City (Portuguese / English) Flávia→080-4335-8133
Iga City (Portuguese) Mary→080-4336-3511