2018 “Year-end Civil Traffic Safety Movement” 2018年「年末の交通安全県民運動」を実施します Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp 2018/11/26 Monday Kaligtasan Ang katapusan ng taon ay ang panahon na may posibilidad sa pagtaas ng bilang ng aksidente dahil sa kadahilanang maagang dumidilim tuwing dapit-hapon, bukod pa sa pagbabago sa daloy at bigat ng traffic. At huwag din kaligtaan ang pagtaas ng bilang ng mahuhuling nagmamaneho ng lasing pagkatapos ng mga year-end parties (bonenkai). Ito ay ang panahon ng napaka-daming drunk driving accidents. Upang maitaguyod ang kaalaman tungkol sa kaligtasan ng trapiko, maprotektahan ang mga panuntunan at maiwasan ang mga aksidente, gaganapin ang “Civil Movement of Traffic Safety sa katapusan ng taon”. Period: Disyembre 1, 2018 (Sabado) hanggang Disyembre 10 (Lunes) sa loob ng 10 araw Mga issue na tatalakayin Pag-iwas sa mga aksidente sa trapiko na kinasasangkutan ng mga matatanda at mga bata Magsikap tayo upang maiwasan ang mga aksidente sa pamamagitan ng pagiging kapag nagmamaneho lalo na kung may matatandang tao at mga bata sa paligid. Buksan ang ilaw ng kotse, motorsiklo at bisikleta ng mas maaga. Ang mga pedestrian at mga gumagamit ng bisikleta ay dapat magsuot ng mga reflective materials. Tamang paggamit ng child seat at safety belt Sa hindi inaasahang pangyayari, kapag sasakay ng kotse, magsuot ng seat belt sa bawat upuan upang mabawasan ang pinsala sa kaso ng isang aksidente, * I-click dito para sa mga detalye http://mieinfo.com/ja/jouhou/anzen/child-seat-jp/index.html Proteksyon at preference ng mga pedestrian Kapag may mga pedestrian na tumatawid sa pedestrian lane, dapat huminto ang mga sasakyan bago dumating sa lane. Pagsugpo ng drunk driving Ang pag-inom ng alak ay ipinagbabawal hanggang sa edad na 20. Ang pagmamaneho ng lasing ay isang akto na may mahigpit na kaparusahan. Hindi ka dapat magmaneho ng kotse, motorsiklo at bisikleta pagkatapos uminom ng alak, kahit na uminom ka lang ng kaunti. * Sa Japan, ang pag-inom ay mula sa 20 taong gulang. * Sa ika-1 ng Disyembre, ito ang araw ng promosyon para sa “Mie-ken Inshu Unten 0 (Zero)” o ang Mie Prefecture Zero Drunk Driving Kahit matapos na ang Year-end Civil Traffic Safety Movement, mangyaring ipagpatuloy pa din na makipagtulungan upang maiwasan ang mga aksidenteng pantrapiko! Year-end Civil Traffic Safety Movement flyer – i-click dito (Japanese lamang) – Harap at Likod Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp « Impormasyon para sa Frente Mie Counseling Room Mga kumpanya kung saan ang mga dayuhan ay aktibo➃ Japan Material Co., Ltd./JM Engineering Service Co., Ltd. » ↑↑ Next Information ↑↑ Impormasyon para sa Frente Mie Counseling Room 2018/11/26 Monday Kaligtasan フレンテみえ 相談室のご案内 Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp Sa Mie Prefecture Mie-ken Danjo Kyodo Sankaku Center o Gender Equality Center na “Frente Mie”, tumatanggap ng konsultasyon sa iba’t ibang problema upang mabuhay nang payapa na hindi naapektuhan ang kanilang gender. Ang lahat ng konsultasyon ay mapapanatiling kumpidensyal. Libre ang konsultasyon. Kung mayroong kang anumang problema, huwag pagdaan ito ng mag-isa, huwag mag-atubiling makipag-ugnay sa mga lugar ng konsultasyon. *Ang correspondence ay sa wikang Japanese lamang. Kapag hindi marunong magsalita o nakakaintindi ng Japanese, mangyaring humingi ng tulong sa taong maaaring makapag-interpret sainyo. Subalit, ang Jido Sodan Center (Children Consultation Center) ay nagsusuporta ng 24 horas sa iba’t-ibang linguwahe. Pangkalahatang konsultasyon para sa mga kababaihan Isang babaeng councilor ang tutugon sa mga konsultasyon. Maaari kang kumonsulta nang direkta, ngunit mas mabuting tumawag muna. TEL: 059-233-1133(Upang malaman ang oras para sa konsultasyon, atbp tignan ang URL sa ibaba) Mga Detalye: https://www.center-mie.or.jp/frente/consult/phone.html Konsultasyon sa telepono para sa mga kalalakihan (Isang beses sa isang buwan lamang) Isang lalaking counselor ang magpapayo tungkol sa mga bagay tulad ng isyu ng mag-asawa, pamilya, lugar ng trabaho, sekswalidad atbp. TEL: 059-233-1133 Petsa at oras para sa konsultasyon: Unang Huwebes ng bawat buwan mula 5pm hanggang 7pm Mga Detalye: https://www.center-mie.or.jp/frente/consult/phone_men.html Ken’nai Kinrin Ken no Dansei Sodan Kikan (Prefectural Male Counseling Agency) https://www.center-mie.or.jp/frente/consult/men_list.html Konsultasyon ng LGBT sa telepono (Isang beses sa isang buwan lamang) Mangyaring huwag mag-atubiling tawagan kung nagkakaroon ka ng problema sa “iyong sariling gender identity”. Ang konsultasyon ay hindi lamang sa mismong LGBT kundi pati na rin sa mga taong nakapaligid. TEL: 059-233-1133 Petsa at oras para sa konsultasyon: ika-3 Biyernes ng bawat buwan mula 1pm hanggang 7pm Mga Detalye: https://www.center-mie.or.jp/frente/consult/lgbt Impormasyon tungkol sa iba pang mga ahensya ng konsultasyon> Konsultasyon sa domestic violence (DV) Bigyan ng prayoridad ang inyong kaligtasan at hinaharap at ng iyong mga anak. Huwag harapin ang iyong mga problema mag-isa, mangyaring tumawag. Sa kaso ng emergency tumawag sa pulisya “110”. Listahan ng mga organisasyon ng konsultasyon: https://www.center-mie.or.jp/frente/consult/dv_list.html Jido Sodan Center (Child Consultation Center) Kung nagkakaroon ka ng ilang mga problema o alalahanin tungkol sa iyong anak mangyaring kumunsulta. May suporta sa Children guidance center sa iba’t-ibang wika ng 24 oras. Listahan ng mga sentro ng gabay ng bata: https://www.center-mie.or.jp/frente/jidou-soudan Kung hindi mo alam kung aling sentro ng gabay ng bata maaaring kumunsulta, mangyaring tawagan ang “189”. Contact Information Mie-ken Danjo Kyodo Sankaku Center (Gender Equality Center “Frente Mie”) 〒514-0061 Mie-ken Tsu-shi Ishindenkōzubeta 1234 TEL: 059-233-1131 https://www.center-mie.or.jp/frente Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp