Impormasyon para sa Frente Mie Counseling Room

フレンテみえ 相談室のご案内

2018/11/20 Tuesday References

Sa Mie Prefecture Mie-ken Danjo Kyodo Sankaku Center o Gender Equality Center na “Frente Mie”, tumatanggap ng konsultasyon sa iba’t ibang problema upang mabuhay nang payapa na hindi naapektuhan ang kanilang gender. Ang lahat ng konsultasyon ay mapapanatiling kumpidensyal. Libre ang konsultasyon. Kung mayroong kang anumang problema, huwag pagdaan ito ng mag-isa,  huwag mag-atubiling makipag-ugnay sa mga lugar ng konsultasyon.

*Ang correspondence ay sa wikang Japanese lamang. Kapag hindi marunong magsalita o nakakaintindi ng Japanese, mangyaring humingi ng tulong sa taong maaaring makapag-interpret sainyo. Subalit, ang Jido Sodan Center (Children Consultation Center) ay nagsusuporta ng 24 horas sa iba’t-ibang linguwahe.

  • Pangkalahatang konsultasyon para sa mga kababaihan

Isang babaeng councilor ang tutugon sa mga konsultasyon. Maaari kang kumonsulta nang direkta, ngunit mas mabuting tumawag muna.

TEL: 059-233-1133(Upang malaman ang oras para sa konsultasyon, atbp tignan ang URL sa ibaba)

Mga Detalye: https://www.center-mie.or.jp/frente/consult/phone.html

  • Konsultasyon sa telepono para sa mga kalalakihan (Isang beses sa isang buwan lamang)

Isang lalaking counselor ang magpapayo tungkol sa mga bagay tulad ng isyu ng mag-asawa, pamilya, lugar ng trabaho, sekswalidad atbp.

TEL: 059-233-1133

Petsa at oras para sa konsultasyon: Unang Huwebes ng bawat buwan mula 5pm hanggang 7pm

Mga Detalye: https://www.center-mie.or.jp/frente/consult/phone_men.html

Ken’nai Kinrin Ken no Dansei Sodan Kikan (Prefectural Male Counseling Agency) https://www.center-mie.or.jp/frente/consult/men_list.html

  • Konsultasyon ng LGBT sa telepono (Isang beses sa isang buwan lamang)

Mangyaring huwag mag-atubiling tawagan kung nagkakaroon ka ng problema sa “iyong sariling gender identity”. Ang konsultasyon ay hindi lamang sa mismong LGBT kundi pati na rin sa mga taong nakapaligid.

TEL: 059-233-1133

Petsa at oras para sa konsultasyon: ika-3 Biyernes ng bawat buwan mula 1pm hanggang 7pm

Mga Detalye: https://www.center-mie.or.jp/frente/consult/lgbt

Impormasyon tungkol sa iba pang mga ahensya ng konsultasyon>

  • Konsultasyon sa domestic violence (DV)

Bigyan ng prayoridad ang inyong kaligtasan at hinaharap at ng iyong mga anak. Huwag harapin ang iyong mga problema mag-isa, mangyaring tumawag. Sa kaso ng emergency tumawag sa pulisya “110”.

Listahan ng mga organisasyon ng konsultasyon: https://www.center-mie.or.jp/frente/consult/dv_list.html

  • Jido Sodan Center (Child Consultation Center)

Kung nagkakaroon ka ng ilang mga problema o alalahanin tungkol sa iyong anak mangyaring kumunsulta. May suporta sa Children guidance center sa iba’t-ibang wika ng 24 oras.

Listahan ng mga sentro ng gabay ng bata: https://www.center-mie.or.jp/frente/jidou-soudan

Kung hindi mo alam kung aling sentro ng gabay ng bata maaaring kumunsulta, mangyaring tawagan ang “189”.

 Contact Information
Mie-ken Danjo Kyodo Sankaku Center (Gender Equality Center “Frente Mie”)
〒514-0061 Mie-ken Tsu-shi Ishindenkōzubeta 1234
TEL: 059-233-1131
https://www.center-mie.or.jp/frente

Mga kumpanya kung saan ang mga dayuhan ay aktibo③ Social Welfare Service Corporation Seizanrikai

2018/11/20 Tuesday References

外国人が活躍する企業③ 社会福祉法人青山里会

Ang bilang ng mga dayuhan na nagtatrabaho bilang regular na empleyado kahit na sa loob ng Mie prefecture ay tumataas. Anong uri ng mga kumpanya ang pinagta-trabahuan ng mga dayuhang empleyado? Anong uri ng pagbabago ang ginagawa ng mga kumpanya para sa mga dayuhang empleyado upang maging isang aktibong bahagi?

Social Welfare Service Corporation Seizanrikai

Sa Yokkaichi City, Kameyama City, Nagoya City, atbp., namamahala ng 50 na mga nursing home at iba pang mga pasilidad para sa mga matatanda at mga taong may kapansanan.

Regular silang tumatanggap ng Nikkeijin simula 2009, at sinusubukan mapangalagaan ang human resources sa pamamagitan ng mga paraan tulad ng pagkuha ng kwalipikasyon sa nursing care. Sa ngayon, sampung porsiyento ng humigit-kumulang 600 na nursing staff ay mga dayuhan na may iba’t ibang nasyonalidad mula sa Brazil, Pilipinas, Peru at Bolivia. May mga iba din banyagang mag-aaral na naka enroll sa vocational school habang nagtatrabaho ng part-time.

Gayundin, Bilang karagdagan sa mga dayuhan, sila ay naghahati sa mga tungkulin ng mga workshop sa nursing care at recruiting personnel upang gawin itong posible para sa iba’t ibang mga tao katulad ng mga middle-aged, matatanda, binata at mga may kapansanan para makapagtrabaho sa mga partikular na mga uri ng mga trabaho (paglalaba, delivery staff, night exclusive, atbp).

  • Nursing care staff Mori Kameri Yukie

Ako ay dumating sa Japan mula Brazil noong ako ay dalawang taong gulang. Dahil sa layuning economic independence, umalis ako sa aking part-time na trabaho at nagsimulang magtrabaho sa Seizanrikai.

Ako ay kasalukuyang nagtatrabaho sa isang pasilidad kung saan may 120 na mga taong may dimentia. Kahit na ang pagtulong sa pagkain, paliligo at excretion ang sentro ng aking trabaho, hindi namin ginagawa ang lahat, nagbibigay lang kami ng mga ideya at bigyan ng tulong kung kinakailangan ang aming inaalagaan.

Ang mga residente ay nasa kanilang mga senior years kaya’t mahalaga din na panatilihin ang kanilang dangal. Ako ay hindi pa rin nasasanay sa trabaho dahil araw araw iba’t iba din ang mga nangyayaring sitwasyon ngunit masaya ako at nakakakuha ako ng maraming tulong mula sa aking boss at kasamahan.

  • Living Counselor Zheng Shang-hai

Sa China nagtatrabaho ako bilang translator at interpreter para sa mga manga books ngunit noong 2000 ay napunta ako sa Japan at kumuha ng postdoctoral degree sa welfare at nakahanap ng trabaho sa Seizanrikai.

Sa kasalukuyan, nagbibigay kami ng counseling sa mga residente at ang kanilang mga pamilya sa elder facility, at nakikipag-coordinate at nagpapayo sa mga kaugnay na organisasyon tulad ng mga ospital at tagapangasiwa.

Ang mga personal na problema na mahirap malutas ay ang mahirap konsultahin, ngunit maganda na nakikipag-ugnay sa mga tao, isang mahirap na trabaho ngunit kapaki-pakinabang para sa mga tao. At ang pagiging ambisyoso ay mahalaga sa trabaho na ito. Nagsusumikap din kami upang mapabuti ang lugar ng trabaho.

Social Welfare Service Corporation Seizanrikai
Pagtatatag: Hunyo 1973
Head office: Mie-ken Yokkaichi-shi Yamada-cho 5500-1
URL: www.normari.jp

Sa pagkakataong ito, na isinulat ni Ms. Yang Yang, isang international student sa isang unibersidad sa Mie Prefecture, at Mr. Yaekashi James, isang mag-aaral sa high school, at co-authored ng mga assistant na si Mr. Masami Minamikawa at Ms. Riko Masuda na naka-post dito:

Mga artikulo na sakop ng mga banyagang reporter
www.mief.or.jp/jp/gaikokujinkatsuyaku.html
(社会福祉法人青山里会) (Japanese · Chinese · Spanish)

May mga naka-schedule din na report meetings

Business visit report meeting
Araw at oras: Desyembre 8, 2018 Sabado
13:30 ~ 15:15
Lugar: Ust Tsu 3F (Tsu-shi Hadokoro-cho 700)

Ang video na ito ay ginawa gamit ang tulong mula sa Association of Internationalization International Government.