Mga kumpanya kung saan ang mga dayuhan ay aktibo➃ Japan Material Co., Ltd./JM Engineering Service Co., Ltd.

外国人が活躍する企業➃ ジャパンマテリアル株式会社 株式会社JMエンジニアリングサービス

2018/11/26 Monday Karera

Ang bilang ng mga dayuhan na nagtatrabaho bilang isang regular na empleyado kahit na sa loob Mie prefecture ay tumataas. Anong uri ng kumpanya ang pinagta-trabahuan ng isang banyagang empleyado? Anong uri ng pagbabago ang isinasagawa ng mga kompanya upang ang isang dayuhang empleyado ay maging isang aktibong bahagi?

Japan Material Co., Ltd. JM Engineering Service Co., Ltd.

Ang Japan Materials Co., Ltd. ay isang kumpanya na sumusuporta sa operasyon ng mga pabrika na gumagawa ng semiconductors at liquid crystals. Ito ay 20 taon na mula noong pagtatatag nito,  batay sa mataas na kakayahan sa teknikal nito, pinalalawak din nito ang pagganap ng kanilang negosyo habang nakikipagtulungan sa mga malalaking pabrika ng semiconductor sa mundo at pabrika ng  liquid crystal, at tinutupad din ang listahan sa Unang Seksyon ng Tokyo Stock Exchange.

Ang mga engineeri na kabilang sa kumpanya ng grupo na JM Engineering Service Co., Ltd. ay nagtatrabaho sa clean room ng kasosyo sa negosyo nito. Kinakailangan ang mga ito na maingat na magtrabaho sa mga maseselang produkto kung saan hindi pinapayagan ang mga pagkakamali. Samakatuwid, pagkatapos sumali sa kumpanya, makakatanggap sila ng pagsasanay sa Technical Training Center sa head office sa loob ng 6 na buwan. At maaari lamang pumunta sa site pagkatapos na makapasa sa pagsusulit. Ang pitong inhinyero mula sa Vietnam ay kasalukuyang nagsasanay, at 13 na ang naka-kumpleto na ang pagsasanay.

Nakipag-usap kami sa dalawang tao na nakatapos ng in-house training at mula sa Vietnam.

  • Engineer Truong Quoc Huy

Nag-aral ako sa Mechatronics sa Vietnam Technical University. Nagtrabaho ako sa isang kumpanya na nakabase sa Vietnam, pagkatapos ay nag-aral ako sa isang Japanese language school at sumali sa kumpanyang ito noong Pebrero ngayong taon. Ang Toshiba Memory Corporation Yokkaichi Plant ay nakikibahagi sa pagpapanatili ng mga kagamitan sa pagmamanupaktura ng semiconductor.

Kahit dati gusto ko talaga ang mga robot, kaya pinili ko ang trabaho na ito. Mga 2 linggo din ako inabot na makapag-adjust sa kapaligiran ng Japan. Noong una nahirapan ako sa pag-unawa ng Mie dialect.

  • Engineer Dinh Van Thien

Nag-graduated ako sa Department of Electrical and Electronics sa Institute of Industrial Technology sa Vietnam at nag-aral ako sa isang Japanese school sa Tokyo. Nagsimula akong magtrabaho sa kumpanyang ito mula Abril ngayong taon. Ang dahilan sa pagsali ko sa kumpanya ay dahil magagamit ko nang mahusay ang aking natutunan sa unibersidad na may mahusay na mga benepisyo. Ang site ng trabaho ay maganda at mabait ang aking boss, kaya masaya ako na makapagtrabaho dito sa kumpanya.

Pareho silang may malakas na sense of responsibility sa kanilang trabaho, at ang kanilang reputasyon sa loob ng kumpanya ay maganda. Nais ng kumpanya na magkaroon pa ng mga naturang Vietnamese engineer sa hinaharap. Sinasabi nila na pinahahalagahan nila ang suporta na nagpapahintulot sa kanila na mamuhay nang ligtas at maayos na buhay sa bansang Japan, tulad ng pagsisimula ng pagtatayo ng isang dorm para sa mga dayuhang empleyado. “Ang mga empleyado ay mga miyembro ng pamilya” ito ay isa sa corporate philosophy, Ito ay isang kumpanya na pinahahalagahan ang mga empleyado anuman ang nasyonalidad. At nakita rin namin kung paano pinapahalagahan ng mga empleyado ang kumpanya at ang kanilang mga kasamahan sa trabaho.

Japan Material Co., Ltd.
Establishment: Abril 1997
Head office location: Mie-ken Mie-gun Komono-cho Nagai 3098-22
URL: www.j-material.jp

JM Engineering Service Co., Ltd.
Establishmen: Abril 2014
Head office location: Mie-ken Mie-gun Komono-chō Nagai 3098-22
URL: jmes.jp

Ang artikulo para sa Japan Material Co., Ltd. at JM Engineering Service Co., Ltd. na co-authored ni Ms. Park Soyoung, isang banyagang mag-aaral sa isang unibersidad sa Mie Prefecture, at si Mr. Ronald Woo, isang empleyado ng kumpanya kasama ang mga assistant na si Ms. Kaiju Satsuki at si Mr. Nishida Ryoki ay naka-post dito:

Mga artikulo na sakop ng mga banyagang reporter
www.mief.or.jp/jp/gaikokujinkatsuyaku.html
(ジャパンマテリアル株式会社) (Japanese · Korean · English)

May report meeting din na naka-scheduled.
Business visit report meeting
Petsa at oras: Sabado, Disyembre 8, 2018 13: 30 ~ 15: 15
Lugar: UST Tsu 3F (Tsu-shi Hadokoro-cho 700)

Ang proyektong ito ay nabuo sa pakikipag-tulungan ng subsidy ng Ippan Zaidan Hojin Jichitai Kokusai-ka Kyokai.

2018 “Year-end Civil Traffic Safety Movement”

2018/11/26 Monday Karera

2018年「年末の交通安全県民運動」を実施します

Ang katapusan ng taon ay ang panahon na may posibilidad sa pagtaas ng bilang ng aksidente dahil sa kadahilanang maagang dumidilim tuwing dapit-hapon, bukod pa sa pagbabago sa daloy at bigat ng traffic.

At huwag din kaligtaan ang pagtaas ng bilang ng mahuhuling nagmamaneho ng lasing pagkatapos ng mga year-end parties (bonenkai). Ito ay ang panahon ng napaka-daming drunk driving accidents.

Upang maitaguyod ang kaalaman tungkol sa kaligtasan ng trapiko, maprotektahan ang mga panuntunan at maiwasan ang mga aksidente, gaganapin ang “Civil Movement of Traffic Safety sa katapusan ng taon”.

Period: Disyembre 1, 2018 (Sabado) hanggang Disyembre 10 (Lunes) sa loob ng 10 araw

 Mga issue na tatalakayin

 Pag-iwas sa mga aksidente sa trapiko na kinasasangkutan ng mga matatanda at mga bata

  • Magsikap tayo upang maiwasan ang mga aksidente sa pamamagitan ng pagiging kapag nagmamaneho lalo na kung may matatandang tao at mga bata sa paligid.
  • Buksan ang ilaw ng kotse, motorsiklo at bisikleta ng mas maaga.
  • Ang mga pedestrian at mga gumagamit ng bisikleta ay dapat magsuot ng mga reflective materials.
  1. Tamang paggamit ng child seat at safety belt
  1. Proteksyon at preference ng mga pedestrian
  • Kapag may mga pedestrian na tumatawid sa pedestrian lane, dapat huminto ang mga sasakyan bago dumating sa lane.
  1. Pagsugpo ng drunk driving
  • Ang pag-inom ng alak ay ipinagbabawal hanggang sa edad na 20. Ang pagmamaneho ng lasing ay isang akto na may mahigpit na kaparusahan. Hindi ka dapat magmaneho ng kotse, motorsiklo at bisikleta pagkatapos uminom ng alak, kahit na uminom ka lang ng kaunti.
    * Sa Japan, ang pag-inom ay mula sa 20 taong gulang.
    * Sa ika-1 ng Disyembre, ito ang araw ng promosyon para sa “Mie-ken Inshu Unten 0 (Zero)o ang Mie Prefecture Zero Drunk Driving

Kahit matapos na ang Year-end Civil Traffic Safety Movement, mangyaring ipagpatuloy pa din na makipagtulungan upang maiwasan ang mga aksidenteng pantrapiko!

Year-end Civil Traffic Safety Movement flyer – i-click dito (Japanese lamang) – Harap at Likod