• Português (Portuguese, Brazil)
  • Español (Spanish)
  • Filipino
  • 中文 (Chinese)
  • English
  • 日本語 (Japanese)
Impormasyong Pang-pamahalaan sa ibat-ibang wika
  • Home
  • Nilalaman
    • Anunsyo
    • Edukasyon
    • Kaligtasan
    • Kalusugan
    • Karera
    • Kultura at Libangan
    • Paninirahan
  • Seminar at mga events
  • Video (Fl)
    • Alamin ang Mie
    • Araw-araw na Pamumuhay at Batas
    • Edukasyon
    • Impormasyon
    • Kalusugan
    • Kultura at Libangan
    • Kurso tungkol sa kalamidad
    • Tanggapan ng Impormasyon
  • Alamin ang Mie
    • Alamin ang Mie
  • Tungkol sa kalamidad

Mahalagang punto para hindi magkaroon ng problema sa Internet shopping

2019/02/04 Lunes Mie Info Impormasyon
ネット通販でトラブルに巻き込まれないための大切なポイント


PortuguêsEspañolFilipino中文English日本語


Mayroong maraming mga tao na madaling makapamili sa online order mail site at mga application na nagbebenta ng damit, pang-araw-araw na pangangailangan, pagkain, mga kasangkapan sa bahay, mga kotse at pati na rin mga bahay.

Ang internet mail order ay napaka-convenient, hindi mo na kailangang pumunta sa tindahan, maaari kang mag-order sa bahay, ang mga produkto ay dadating sa iyong bahay sa pamamagitan ng delivery parcel. Gayunpaman, dahil mataas ang anonymity ng nagbebenta at imposible na matignan at mahawakan ang mga produkto, malamang na magkakaroon ng mga problema.

Tingnan natin ang isang halimbawa ng mga problemang ito.

Hindi ko natanggap ang binili ko sa online shopping site

[Biktima] Nakakatuwa naman itong site na ito, ang daming mga magagandang binibenta!

Ang ganda ng site na ito, mayroong maraming magagandang bagay!

Ayan! Gusto ko ng isang bagong computer ~ Wow ~ ang laptop sobrang mura! Matignan ko nga!

Gusto ko ang computer na ito! 50,000 yen lang ang presyo! Pero … maraming mga bagay na hindi ko maintindihan … lahat nakasulat sa Japanese. Hindi ako marunong bumasa.

Pero ang ganda talaga ng PC na ito. Sa ibang mga tindahan binibenta ito ng 100,000 yen.

Ayokong palagpasin ang sale na ito… ok! Bibilhin ko ng personal na computer na ito.

Ilagay ang pangalan, address, numero ng credit card dito …

Darating daw agad ito bukas! Ang bilis!

[Caption] Pagkalipas ng isang linggo

[Customer] Teka! Ang inorder ko na computer hindi pa dumadating… Siguro nagka-problema…

[Kaibigan] Tignan mo ang site, baka may nangyari.

[Customer] Oo, tignan ko. Ayon sa site na ito ay nakalista na siya bilang delivered, pero wala naman akong natatanggap na kahit ano.

[Kaibigan] Mukhang hindi tama ah … nakaranas ka na bang bumili sa site na ito?

[Customer] Hindi, first time ko palang. Pinadalhan ako ng mail tungkol sa sale na PC, napakamura at mukhang maayos naman siya kaya binili ko agad.

Anong gagawin ko? Wala akong contact information ng site … anong dapat kong gawin?

[Kaibigan] Naku … mukhang mahirap ito. Tignan mo ang company name o address ng selling destination.

[Customer] Wala akong nakikitang ganyan. Hala! Nilagay ko pa ang credit card number ko! Anong gagawin ko?

Paano natin maiiwasan ang pagkakaroon ng ganitong problema? Ipapaalam namin sa inyo ang tungkol sa mga mahahalagang punto.

Mga mahalagang punto

Tingnan natin ang impormasyon ng vendor na nagpapatakbo ng site.

Tingnan natin kung ang vendor na nagpapatakbo ng site ay mapagkakatiwalaan, kung ang profile ng kumpanya, pangalan ng representative, lokasyon, numero ng telepono atbp. ay ipinapakita nang maayos at suriin kung ito ay isang tunay na kumpanya.

Tingnan natin ang mga kadudaduda na lugar at mga palatandaan sa address ng site (URL).

Tingnan natin nang mabuti kung ang URL ng site ay tumutugma sa URL ng EC site na nais mong bilhin o kung ito ay may mali-maling Japanese na machine-translated.

Tingnan natin kung gumagamit sila ng isang sistema upang i-encrypt sa personal na screen ng input ng impormasyon.

May isang pekeng site na mukhang eksakto tulad ng isang phishing site. Kung ipinasok mo ang impormasyon ng credit card sa pekeng website, mapupunta ito sa mga kamay ng ibang tao. Sa URL ng pahina kung saan naka-encrypt ang impormasyon, naka-attach ang “s” na nagpapahiwatig ng “Secure” sa “http: //” at “https: //”. Bilang karagdagan, mayroong isang marka ng 🔒 sa tabi ng URL.

Iba pang mga mahahalagang punto

  1. I-save ang lahat ng mga e-mail ng transaksyon sa mga mail-order na mga site.
  2. I print o i-screenshot ang screen sa oras ng pag-order.
  3. Kung hindi makontak ang mail order site, kumunsulta sa isang center ng consumer affairs.
  4. Sa sandaling nalaman mo na ito ay isang pandaraya, ipaalam sa kumpanya ng credit card o sa pulisya. Lalo na, kapag ang pagbabayad ay sa pamamagitan ng advance payment lamang, kailangan maging maingat.

Ang item na dumating ay naiiba mula sa imahe na iyong naisip

Ang sumusunod na halimbawa ay isang kaso kapag ang ipinadala na produkto ay naiiba mula sa imahe na iyong inaasahan.

[A] Ang sumbrero na inorder ko sa net ay dumating na! Ang produkto na ito ay mabibili lamang online.

[B] Anng galing naman! Ipakita mo saakin!

[A] Teka? Ito ba yung tamang color?

[B] Tama… Ang bagay na natanggap ko ay tama naman sa kulay sa site… Ngunit tila naiiba mula sa kung ano ang nasa site. Hindi ko pa naman nagagamit at kung hindi ko ito gusto, maibabalik ko namn ito diba?

[A] Oo. I-check mo kung paano ibalik sa site ng pinagbilhan mo.

[A] Ah! Ang hirap naman ng nakasulat. Ang daming kanji hindi ko mabasa. Anong gagawin ko!

[B] Dapat kasi tinignan mo munang mabuti bago ka nag order.

[A] Anong dapat kong gawin?

Bago ang pagkumpirma ng order sa site ng mail order, kailangan mong suriin ang impormasyon tungkol as pagsasauli at pagbabalik ng produkto.

[Caption] Mahalagang Punto: Return Policy

Walang legal na cooling off system para sa net mail order. Gayunpaman, kung ano ang nakasulat tungkol sa mga kondisyon ng pagbabalik o palitan ay tinutukoy bilang “ibinalik na mga kalakal na espesyal na kontrata”, at sa mail order site, ang pagpapakita nito sa website ay ipinag-uutos ng batas.

  1. Kumpirmahin kung ang restriction sa pagbabalik at pagpapalit ng produkto ay ipinapakita sa site · · · Mag-ingat sa mga site na hindi nagpapakita ng mga kontrata sa naibalik na produkto.
  2. Kumpirmahin ang mga kundisyon para sa pagbalik at pagpalit ng produkto · · · Ang mga espesyal na kontrata para dito ay nag-iiba depende sa nagbebenta. Halimbawa, maaaring ibalik ang ilang non-refundable na mga produkto, o kahit na nakasulat bilang Ok ang pagbalik o palitan sa loob ng 8 araw pagkatapos ng pagbili, kung ang mga ito ay nagamit nang isang beses o nabuksan na, hindi na sila maaaring palitan.
  3. Paano ibalik o palitan ang mga produkto, sino ang magbabayad para sa gastos sa pagpapadala · · · Pagkatapos bumili, sa loob ng ilang mga araw maaari mo bang ibalik o ipalit? Sa anong paraan makikipag-ugnay ka sa nagbenta? Gayundin, suriin kung sino ang magbabayad para sa gastos sa pagpapadala ng item.

Kung hindi mo mabasa ang Japanese, hilingin sa isang tao na nakakaintindi ng Japanese upang suriing mabuti ang mga tuntunin at kundisyon ng patakaran sa pagbalik at pagpalit bago mo i-click at-order ang produkto.

Ang pag-order sa online ay napaka-convenient, ngunit upang hindi makatagpo ng mga problema, mangyaring tiyakin na ang site ay pinapatakbo ng makatotohanang mga distributor, kung ang produkto ay tunay, kung ano ang mga kondisyon sa pagbalik o pagpalit, atbp. Mag-order tulad ng ganito mula ngayon. Gayundin, kung dumating ang item, suriin agad kung ito ay ang item na iyong inorder o walang anumang damage.

Ang paglutas ng problema ay nagiging mas mahirap kapag ang problema ay nangyari sa pamamagitan ng pag-order sa overseas na mail order site. Samakatuwid, mag-order nang maingat at sigurado.

Kung mayroon kang problema sa isang produkto na binili mula sa ibang bansa, mangyaring kumunsulta sa isang Cross-border Consumer Center.

https://www.ccj.kokusen.go.jp/sdn_process

*Hindi tumatanggap ng konsultasyon sa pamamagitan ng telepono.
*Ang correspondence ay sa wikang Japanese lamang.


  • Kaugnay sa pag-iwas sa mga consumer damage
  • tweet
Tungkol sa problema sa pag-refund ng deposit Konsultasyon sa trabaho at pamumuhay para sa mga dayuhan

Related Articles
  • 「エシカル消費」で世界の未来を変えよう
    Baguhin natin ang kinabukasan ng mundo sa pamamagitan ng “Etikal na Pag-konsumo”

    2019/02/22 Biyernes

  • 口コミトラブルに注意しましょう
    Mag-ingat sa mga problema na sanhi ng Word of Mouth (Kuchikomi)

    2019/02/18 Lunes

  • 敷金返還トラブルについて
    Tungkol sa problema sa pag-refund ng deposit

    2019/02/04 Lunes

  • 消費生活センターの紹介
    Pagpapakilala sa Consumer Affairs Center

    2019/01/23 Miyerkules

More in this Category
  • 確定申告について
    Tungkol sa Tax Return

    2019/01/08 Martes

  • 多文化共生社会に向けて地域社会で活躍する外国人住民
    Mga dayuhang residente na aktibo sa komunidad patungo sa lipunan ng multicultural symbiosis

    2018/12/27 Huwebes

  • 外国人が活躍する企業⑥ 三重県南部自動車学校
    Mga kumpanya kung saan ang mga dayuhan ay aktibo⑥ Nanbu Driving School

    2018/12/06 Huwebes

  • 外国人が活躍する企業③ 社会福祉法人青山里会
    Mga kumpanya kung saan ang mga dayuhan ay aktibo③ Social Welfare Service Corporation Seizanrikai

    2018/11/15 Huwebes


Seminar at mga events

  • (2021) Consumer damage prevention workshop para sa mga dayuhang residente
    (2021) Consumer damage prevention workshop para sa mga dayuhang residente

    2021/01/18 Lunes

  • Mga Importanteng Konsultasyon sa MieCo, Consultation Center para sa mga Dayuhang Residente sa Mie, sa Pagitan ng Enero at Marso 2021
    Mga Importanteng Konsultasyon sa MieCo, Consultation Center para sa mga Dayuhang Residente sa Mie, sa Pagitan ng Enero at Marso 2021

    2020/12/10 Huwebes

  • 2020 Training Course para sa Multilingual Supporter sa Panahon ng Sakuna
    2020 Training Course para sa Multilingual Supporter sa Panahon ng Sakuna

    2020/08/05 Miyerkules

  • Mga Patnubay para sa Konsultasyon at Examination Para sa Bagong Coronavirus Infectious Disease
    Mga Patnubay para sa Konsultasyon at Examination Para sa Bagong Coronavirus Infectious Disease

    2020/07/30 Huwebes

Alamin ang Mie

  • Alamin ang Mie: Matsusaka City
    Alamin ang Mie: Matsusaka City

    2019/06/18 Martes

  • Alamin Natin ang Kagandahang Taglay ng Mie
    Alamin Natin ang Kagandahang Taglay ng Mie

    2015/04/21 Martes

  • Tayo na’t kilalanin ang Mie: Nabana no Sato
    Tayo na’t kilalanin ang Mie: Nabana no Sato

    2017/02/07 Martes

  • Halina’t kilalanin ang Mie ~ Ang orihinal na tanawin sa Japan, ang magandang tanawin ng Ise Shima ~
    Halina’t kilalanin ang Mie ~ Ang orihinal na tanawin sa Japan, ang magandang tanawin ng Ise Shima ~

    2018/02/14 Miyerkules

Nilalaman

  • (2021) Consumer damage prevention workshop para sa mga dayuhang residente
    (2021) Consumer damage prevention workshop para sa mga dayuhang residente

    2021/01/18 Lunes

  • (Enero/2021) Impormasyon tungkol sa panahunang pag-aapply sa pabahay ng prepektura
    (Enero/2021) Impormasyon tungkol sa panahunang pag-aapply sa pabahay ng prepektura

    2021/01/08 Biyernes

  • Pakiusap Upang Sundin ang Alituntunin Upang Maiwasan ang Impeksyon ng Coronavirus para sa Year-end at New Year Holiday
    Pakiusap Upang Sundin ang Alituntunin Upang Maiwasan ang Impeksyon ng Coronavirus para sa Year-end at New Year Holiday

    2020/12/23 Miyerkules

  • Ang MieCo, Consultation Center para sa mga Dayuhang Residente ng Mie, ay magsasagawa ng espesyal na job seminar
    Ang MieCo, Consultation Center para sa mga Dayuhang Residente ng Mie, ay magsasagawa ng espesyal na job seminar

    2020/12/17 Huwebes

Copyright - Mie Info Impormasyong Pang-pamahalaan sa ibat-ibang wika
  • Tungkol sa Mie Info
  • Makipag-ugnayan sa amin
  • Patakaran ng Website