Upang hindi makaranas ng problema sa Internet shopping ~Mga puntos na kailangang pansinin tuwing gagamit ng overseas online mail order~ インターネットショッピングでトラブルに遭わないために ~海外ネット通販利用時の注意点~ Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp 2017/09/19 Tuesday Anunsyo Dahil hindi nakikita ang mga ginagawang aktuwal na transaksyon sa Internet, ang anonimity nito ay mataas kaya’t maaaring may mangyaring problema. Lalo na sa mga nakaraang taon, ang bilang ng mga problema sa overseas operators na nagbebenta ng produkto sa internet sa Japan ay dumadami. Mag-ingat sa mga produktong napaka-mura keysa sa regular na selling price! Ang pagresolba ng problema sa ginawang transaksyon sa mga overseas operator ay napaka-hirap kapag may mga alok katulad ng “Napaka-murang sikat na branded na produkto” atbp, at nakapagbayad sa pamamagitan ng advance payment o pagbayad gamit ang credit card, at nagkaroon ng problema katulad ng “hindi pagdating ng produkto”, “peke o pangit na kalidad na produkto”, “maling kulay o size”, atbp. Mag-ingat na hindi lalabag sa batas ng Japan sa pag-import o paggamit ng mga produkto! Kapag nag-order ng mga produkto mula sa ibang bansa, mangyaring tiyaking at suriin kung ang pagbili, pagmamay-ari o paggamit ng item na bibilhin ay hindi mahigpit na ipinagbabawal ng batas sa Japan. Kinakailangan din suriin kung ang pag-import sa Japan ay ipinagbabawal ng Washington Convention atbp. Mag-ingat sa ganitong mga uri ng site! Paano matutukoy ang mga kahinahinalang site ・Hindi nakalista ang profile ng kumpanya. Hindi matukoy ang pangalan ng kumpanya. ・Ang impormasyon ng contact ay hindi nakalagay. Ang address, numero ng telepono, responsableng tao at iba pa ay hindi nakalista. ・Kahit na nakalista ang address overseas, kaduda-duda kung talagang totoo ito. ・Kahit na nakasaad na may address sa Japan, ito ay isang address na tila hindi totoo at kahinahinala. ・Kahit na nakalista ang numero ng telepono, ito ay isang numero ng mobile o isang numero na wala sa Japan. ・Ang estilo ng pagpapahayag ay binibigyang kahulugan bilang isang literal na translation ng isang wikang banyaga, ito ay isang hindi likas na pagpapahayag bilang isang salita Dagdag pa dito, sa mga auctions at flea market sites na kung saan mabilis na dumadami ang mga gumagamit, kasama na dito ang overseas online mail order, madalas ang makakalaban mo dito ay hindi isang business operator. Kapag ang counterpart mo ay isang indibiduwal, walang espesyal na batas na magpo-protekta sa mga consumers. Dahil isinasagawa ang mga transaksyon at trading “at your own risk”, mangyaring mag-ingat dito. Consultation window para sa mga taong may problema JADMA(ジャドマ)Nihon Tsushin Hanbai Kyokai (Japan Mail Order Association) TEL 03-5651-1122 ※Japanese only (10am-12pm, 1pm-4pm Sabado, Linggo, Holiday) http://www.jadma.org/ Consumer hotline TEL: 188 (いやや) ※ Kapag tumawag sa telepono, may ipapatugtog na anunsyo at gagabayan kayo sa municipal consumption consultation window ng inyong lugar o sa Mie Ken Shohi Seikatsu Center (Mie Prefecture Consumption Life Center). Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp « Tungkol sa gagawing aksyon kapag may pabagsak na Ballistic Missile Tayo’y maghanda sa paglisan kapag may sakuna! » ↑↑ Next Information ↑↑ Tungkol sa gagawing aksyon kapag may pabagsak na Ballistic Missile 2017/09/19 Tuesday Anunsyo 弾道ミサイル落下時の行動について Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp Kapag may inilunsad na ballistic missile at may posibilidad na bumagsak sa Japan, ang gobyerno ay magbibigay ng babala at impormasyong pang emerhensiya gamit ang pambansang emergency alert system na tinatawag na “J Alert”. Bukod pa sa pagbibigay ng alerto at pagbibigay ng emerhensiyang mensahe kasama na ang pagtunog ng siren sa administratibong radyo para sa pag-iwas sa sakuna, ipapaalam din namin sa inyo ang mga emergency bulletin sa pamamagitan ng pagpapadala sa mail ng mobile phone. Bakit minsan ay hindi tumutunog ang J-Alert kahit na may inilungsad na ballistic missile? Ang J Alert ay ginagamit kapag may posibilidad na ang mga ballistic missile ay mahuhulog sa teritoryo ng Japan o sa teritoryal na karagatan, o di kaya posibleng dumaan sa teritoryo ng Japan / teritoryal na karagartan. Ngunit sa kabaligtaran, kapag walang posibilidad na bumagsak sa teritoryo o teritoryal na karagatan ng Japan, o walang posibilidad na dumaan sa teritoryo / teritoryal na karagatan ng Japan, ang alerto ng J-Alert ay hindi gagamitin. 【Halimbawa ng mensahe ng J-Alert】 “TADACHINI HINAN. TADACHINI HINAN. TADACHINI GANJŌNA TATEMONO YA CHIKA NI HINAN SHITE KUDASAI. MISAIRU GA RAKKA SURU KANŌSEI GA ARIMASU. TADACHI NI HINAN SHITE KUDASAI.” (Lumikas kaagad. Lumikas kaagad. Lumikas sa isang matibay na gusali o sa underground, may posibilidad na bumagsak ang missile, mangyaring lumikas kaagad). 【Tunog ng ipapatugtog na J-Alert (.mp3)】 ※Paalala: Ipinagbabawal ang pag kopya, pag record, atbp. ng siren na ito. Kapag tumunog ang siren ng J-Alert, mangyaring kalmahin ang sarili at kumilos ng mabilisan. mabilis na paglisan: Kapag nasa labas → hangga’t maaari ay lumisan sa isang matibay na gusali o sa underground (tulad ng underground ng shopping center o underground station building). Kapag walang gusali → itago ang sarili sa malilim na lugar o dumapa sa lupa at protektahan ang inyong ulo. Kapag nasa loob ng bahay → lumayo sa bintana at lumipat sa isang kwarto na walang bintana. Mabilisang pagtipon ng mga impormasyon Mangyaring subukan mangalap ng impormasyon sa pamamagitan ng TV, radyo, internet atbp. Kung nakatanggap ka ng mga tagubilin mula sa mga taga-pangasiwa, mangyaring kumilos nang mahinahon at kumilos ng naaayon. Kapag may malapit na bumagsak na missile: Kapag nasa labas → Takpan ang bibig at ilong gamit ang isang panyo, agad na iwan ang site at lumikas sa loob ng isang mataas at air tight na gusali o sa lugar na pabaliktad ang direksyon ng hangin. Kapag nasa loob ng kuwarto → Patayin ang bentilador, isara ang bintana, i-seal ang mga lugar kung saan makakapasok ang hangin at pumikit. Para sa mga detalye, mangyaring i-check sa Portal site ng Naikaku Kanbo Kokumin Hogo (Cabinet Secretariat National Protection) http://www.kokuminhogo.go.jp/pc-index.html Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp