2017/09/20 Miyerkules Mie Info
Kurso tungkol sa kalamidad
避難に関する情報の意味と非常持ち出し品・備蓄品について
Ang Japan ay may mataas na bilang ng sakuna. Hindi natin alam kung kailan mangyayari ang mga sakuna katulad ng lindol, tsunami, landslides na dulot ng malakas na pag-ulan at bagyo, baha, atbp. Upang maprotektahan ang ating buhay at mabawasan ang pinsala, mahalaga na maunawaan ang tamang impormasyon, makapag handa sa emerhensiyang sitwasyon, at kalmadong gumawa ng aksyon tuwing may darating na sakuna. Para sa layuning ito, oras na para ipaalam ang tungkol sa kahulugan ng mga impormasyon sa mga evacuation at emergency items at pag stock ng mga bagay.
Unawain ang tamang impormasyong ipapahayag tungkol sa evacuation
Ang pinakamahalagang bagay sa paglisan tuwing may magaganap na sakuna ay ang paglisan ng maaga base sa inyong sariling paghuhusga kung makakaramdam ng panganib. Sa oras ng kalamidad, ang alkalde ng lungsod ay mag-aanunsyo ng impormasyon tungkol sa paglisan. Sa pamamagitan ng pag-unawa ng tama sa kahulugan ng mga impormasyong ito, maaari kang makakilos ng kalmado.
① Paghahanda para sa paglisan ・ Simula ng paglisan para sa mga matatanda atbp
Ipapahayag ito kapag ang posibilidad ng pinsala sa tao ay tataas.
・ Mangyaring simulan ang paglisan para sa mga taong may pisikal na kapansanan, matatanda, sanggol, atbp. na nangangailangan ng oras upang lumikas at ang kanilang mga tagasuporta.
・ Para naman sa ibang tao mangyaring maghanda para sa paglisan.
② Rekomendasyon ng evacuation
Ito ay ipapahayag kapag ang posibilidad ng pinsala sa tao ay tataas. Dagdag pa dito,
・ Sa mga makakapag-evacuate ng normal, mangyaring lumikas agad sa lugar ng evacuation.
・ Sa mga sitwasyon kung saan mapanganib ang pagpunta sa labas o kapag nasa labas, mangyaring lumikas sa isang kalapit na ligtas na lugar o mag evacuate sa mas ligtas na parte ng iyong tahanan.
③ Mga instruction ng paglisan (emergency)
Ipapahayag ito kapag natukoy na ang panganib ng pinsala sa tao ay napakataas.
・Ang mga taong hindi pa lumilikas ay dapat na lumisan agad sa lugar ng evacuation.
・Sa mga sitwasyon kung saan mapanganib ang pagpunta sa labas o kapag nasa labas, mangyaring lumikas sa isang kalapit na ligtas na lugar o mag evacuate sa mas ligtas na parte ng iyong tahanan.
Ang antas ng panganib ng mga impormasyong ito ay
mas mataas na pahayag para sa pag evacuate. Gayunpaman, pakitandaan na hindi kinakailangang ipahayag sa order na ito.
I-check ang mga items na dadalhin at mga kailangang i-stock na bagay
Ang mga emergency items na dadalhin ay ang mga importanteng bagay na kinakailangang sa paghahanda sa panahon ng paglisan. Piliin kung ano ang kailangan mo ayon sa indibidwal na kalagayan at ng pamilya. Gayundin, i-check ito nang hindi bababa sa isang beses sa isang taon at ilagay ito sa isang lokasyon na madaling dalhin. Isama sa items ang mga kinakailangang gamot, pagkain at iba pa alinsunod sa kalagayan ng pamilya, tulad ng mga matatanda, taong may allergies at mga sanggol.
Halimbawa ng mga emergency items:
Mangyaring i-click dito upang ma-download ang “emergency item check list” (PDF file).
Ilagay ang mga emergency items sa backpack o bag, Siguraduhin lang na makakagalaw ng malaya ang dalawang kamay habang bitbit ang bag.
Sa mga evacuation center, may posibilidad na ang pamimigay ng pagkain at iba pa ay maantala pagkatapos ng kalamidad. Maghanda tayo ng mga pagkain at inuming tubig atbp. para sa 3 araw o higit pa bawat tao. Maghanda tayo ng mga stockpile (pagkain, tubig at iba pa) na maaaring maimbak ng mahabang panahon.
Ang mga sakuna tulad ng lindol, tsunami, baha at iba pang mga kalamidad na nagdudulot sa atin ng pinsala ay tiyak na magaganap. Lalo na kapag nakatira sa Mie Prefecture, hindi mo maiiwasan ang ganitong sakuna. Mag handa ng lubusan para sa pang araw-araw at para sa mga sakuna, panatilihing isaisip ito. Ito ay ang “Kasanayan sa Disaster Prevention”. Upang maprotektahan ang mahalagang buhay at mga bagay, mangyaring isulong sa pang-araw-araw ang pag-iwas sa sakuna
2021/01/25 Lunes
2021/01/15 Biyernes
2019/10/10 Huwebes
2019/07/30 Martes
2018/07/20 Biyernes
2020/08/05 Miyerkules
2015/04/21 Martes
2017/02/07 Martes
2019/06/18 Martes
2021/01/25 Lunes