Tungkol sa gagawing aksyon kapag may pabagsak na Ballistic Missile

弾道ミサイル落下時の行動について

2017/09/11 Monday Anunsyo

Kapag may inilunsad na ballistic missile at may posibilidad na bumagsak sa Japan, ang gobyerno ay magbibigay ng babala at impormasyong pang emerhensiya gamit ang pambansang emergency alert system na tinatawag na “J Alert”. Bukod pa sa pagbibigay ng alerto at pagbibigay ng emerhensiyang mensahe kasama na ang pagtunog ng siren sa administratibong radyo para sa pag-iwas sa sakuna, ipapaalam din namin sa inyo ang mga emergency bulletin sa pamamagitan ng pagpapadala sa mail ng mobile phone.

Bakit minsan ay hindi tumutunog ang J-Alert kahit na may inilungsad na ballistic missile?

Ang J Alert ay ginagamit kapag may posibilidad na ang mga ballistic missile ay mahuhulog sa teritoryo ng Japan o sa teritoryal na karagatan, o di kaya posibleng dumaan sa teritoryo ng Japan / teritoryal na karagartan.

Ngunit sa kabaligtaran, kapag walang posibilidad na bumagsak sa teritoryo o teritoryal na karagatan ng Japan, o walang posibilidad na dumaan sa teritoryo / teritoryal na karagatan ng Japan, ang alerto ng J-Alert ay hindi gagamitin.

【Halimbawa ng mensahe ng J-Alert

“TADACHINI HINAN. TADACHINI HINAN. TADACHINI GANJŌNA TATEMONO YA CHIKA NI HINAN SHITE KUDASAI.

MISAIRU GA RAKKA SURU KANŌSEI GA ARIMASU. TADACHI NI HINAN SHITE KUDASAI.”

(Lumikas kaagad. Lumikas kaagad. Lumikas sa isang matibay na gusali o sa underground, may posibilidad na bumagsak ang missile, mangyaring lumikas kaagad).

【Tunog ng ipapatugtog na J-Alert (.mp3)

※Paalala: Ipinagbabawal ang pag kopya, pag record, atbp. ng siren na ito.

Kapag tumunog ang siren ng J-Alert, mangyaring kalmahin ang sarili at kumilos ng mabilisan.

  1. mabilis na paglisan:

Kapag nasa labas → hangga’t maaari ay lumisan sa isang matibay na gusali o sa underground (tulad ng underground ng shopping center o underground station building).

Kapag walang gusali → itago ang sarili sa malilim na lugar o dumapa sa lupa at protektahan ang inyong ulo.

Kapag nasa loob ng bahay → lumayo sa bintana at lumipat sa isang kwarto na walang bintana.

  1. Mabilisang pagtipon ng mga impormasyon

Mangyaring subukan mangalap ng impormasyon sa pamamagitan ng TV, radyo, internet atbp.

Kung nakatanggap ka ng mga tagubilin mula sa mga taga-pangasiwa, mangyaring kumilos nang mahinahon at kumilos ng naaayon.

Kapag may malapit na bumagsak na missile:

Kapag nasa labas → Takpan ang bibig at ilong gamit ang isang panyo, agad na iwan ang site at lumikas sa loob ng isang mataas at air tight na gusali o sa lugar na pabaliktad ang direksyon ng hangin.

Kapag nasa loob ng kuwarto → Patayin ang bentilador, isara ang bintana, i-seal ang mga lugar kung saan makakapasok ang hangin at pumikit.

Para sa mga detalye, mangyaring i-check sa Portal site ng Naikaku Kanbo Kokumin Hogo (Cabinet Secretariat National Protection)
http://www.kokuminhogo.go.jp/pc-index.html

Kampanya ngayong tag-lagas para sa kaligtasan ng trapiko sa buong bansa

2017/09/11 Monday Anunsyo

秋の全国交通安全運動

Magsasagawa ng isang ehersisyo na naglalayong panatilihin ang mga patakaran sa trapiko at pagpapalawak ng kaalaman sa kaligtasan ng daanan para sa bawat mamamayan ng prefecture sa pamamagitan ng pagsanay sa tamang gawi ng pagkilos sa wastong traffic manners.

Panahon ng pagpapatupad 

10 araw, simula Septyembro 21 (Huwebes) hanggang 30 (Sabado)

※Ang ika-30 ng Septyembro (Sabado) ay “Kotsu Jikoshi Zero o Mezasu Hi”. (Aiming for Zero Fatality Accident Day)

Mga bagay na dapat pagtuunan ng pansin ng buong bansa

  • Ligtas na pagmamaneho para sa mga sakay na bata at matatanda at pag-iwas sa aksidenteng pangtrapiko sa mga matatandang driver.
  • Pag-iwas sa aksidente tuwing nagmamaneho ng bisikleta at kapag naglalakad sa gabi at madaling araw.
  • Pagtiyak ng pagsuot ng seatbelt sa lahat ng upuan at paggamit ng child seat.
  • Pagtigil ng pagmamaneho ng lasing

Mga bagay na dapat pagtuunan ng pansin sa Mie Prefecture

Pagbibigay ng priority sa mga pedestrian sa crosswalks

Kailangang palaging tumigil ang sasakyan kapag may pedestrian na tatawid sa tawiran at mangyaring protektahan at gawing prayoridad ang kaligtasan ng mga pedestrian.

☆ Para sa kaligtasan ng trapiko, maagang buksan ang ilaw ng kotse at motorsiklo, ang mga pedestrian at mga gumagamit ng bisikleta ay dapat magsuot ng mga reflective materials☆

 Ang lahat ng upuan kabilang na ang upuan sa likuran ay kailangang naka seat belt at gumamit ng child seat sa mga bata.  Obligasyon ninyong gamitin ito.

 Mie Prefectural Police