Paano matutukoy ang Hiari o Fire Ant at ano ang paraan ng pag-asikaso nito ヒアリの見分け方と対処方法 Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp 2017/08/03 Thursday Anunsyo Ang langgam na Hiari na may malakas na kamandag na native ng South America (English name: Red Imported Fire Ant) ay natagpuan sa Amagasaki City, Hyogo Prefecture noong Mayo 26, 2017, at sunod-sunod na natagpuan naman sa iba pang lugar katulad ng mga domestic ports. Upang maintindihan ng husto ang Hiari o Fire Ant, ipapaliwanag namin kung paano matutukoy ang Hiari at paano ito aasikasuhin. Para malaman kung paano i-handle ng tama ang Hiari, mangyaring basahin ang mga sumusunod: 1 Mga katangian ng Hiari ・Hindi katulad ng native na langgam ng Japan, ito ay nakakagawa ng malaki at mataas na umbok sa lupa. ・Malakas ang pagiging aggresive, nasusundot ng stick ang umbok ng lupa, lumalabas at aatake ng grupo. 2 Paano ito matutukoy ・Ito ay mapula at makintab ・Ang parte ng tiyan(bandang pwet)ay mas maitim. ・May laki na 2.5mm~6mm na may iba’t-ibang laki ng langgam. 3 Kapag nakakita ng hinihinalang Hiari Kapag nakakita ng grupo ng langgam at may hinala kayo na ito ay Hiari, agarang makipag-ugnayan sa inyong local na Municipal Office. ※Huwag i-exterminate ito ng kusa dahil may posibilidad na ito ay kumalat. Bukod pa dito, Huwag din gamitan ng mga bug spray o disinfectant dahil maaaring makasira kayo ng 270 species na conventional ants o native na langgam at makakasira sa eco system ng Japan. Kaya’t mag-ingat po tayo. 4 Kapag nakagat ng Hiari Kung ikaw ay nakagat ng Hiari at nakaramdam ng matinding sakit, pamamaga at nakaramdam ng kakaiba, agarang pumunta sa hospital at sabihin na nakagat ng Hiari at magpa-konsulta. 5 Exhibition of Hiari Specimen Sa Mie Ken Sogo Hakubutsukan (Mie Prefectural General Museum (Mie Mu)), simula sa Hulyo 14, 2017 hanggang Augusto 31, 2017, ay may exhibit (Libreng entrance) na summary ng aktuwal na specimen ng Fire Ants at kung paano ito nadiskubre. Mangyaring i-check ang mga detalye mula sa link sa ibaba: http://www.pref.mie.lg.jp/TOPICS/m0013700083.htm 6 Makipag-ugnayan sa: Mie Ken Norin Suisan-Bu Midori Kyosei Suishin-ka (Mie Prefecture Agriculture, Forestry and Fisheries green symbiosis Promotion Division) Address: 514-8570 Tsu Shi Komei Cho 13-banchi (Central Government Office 6F) TEL 059-224-2578 FAX 059-224-2070 E-mail midori@pref.mie.jp 【Reference Material】Kankyosho Shiryo (Ministry of the Environment Material)(Japanese only) “Stop the Hiari (Katangian ng Hiari, kinakailangang aksyon kapag nakagat at paraan ng ecological na disinfection method.) https://www.env.go.jp/nature/intro/4document/files/r_fireant.pdf Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp « Upang maiwasan ang magka-problema sa Internet Shopping ~ Checkpoint simula sa pag-order ng produkto hanggang sa matanggap ito ~ Woman working in Mie Challengers Award 2017 » ↑↑ Next Information ↑↑ Upang maiwasan ang magka-problema sa Internet Shopping ~ Checkpoint simula sa pag-order ng produkto hanggang sa matanggap ito ~ 2017/08/03 Thursday Anunsyo インターネットショッピングでトラブルに遭わないために ~ 商品注文から受取りまでのチェックポイント ~ Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp Ang Tsushin Hambai o Mail order (shopping site, auction, flea market, atbp.) ay convenient at nakaka-aliw kapag ginamit ng tama, subalit may mga bagay na kailangan mag-ingat. Ayon sa Japan Mail Order Association “JADMA”, dumadami ang konsultasyon tungkol sa pagsauli ng produkto at ang nais mapalitan ang produkto (return and exchange). Ang Cooling-off system ay pwedeng magamit kapag bumili ng produkto sa store, pagbili ng produkto gamit ang telepono, atbp. Subalit hindi ito maaaring magamit sa mail order. Sa halip, obligadong ipaliwanag ng mabuti ang mga kondisyon at dahilan ng pagsauli at pagpalit ng produkto. Ngayon, ipapaliwanag namin ang checkpoints upang maiwasan ang mga problema sa Internet shopping. 【Check point kapag pumipili ng kumpanya at produkto】 I-check ang company profile, lokasyon, phone number, atbp. at i-check kung mapagkakatiwalaan ba ang kumpanya. I-check din kung mayroong mga counterfeit goods o mga pekeng items na ibinibenta tuwing pipili ng produkto. 【Check point kapag mago-order ng produkto】 Tuwing mago-order Siguraduhin na kumuha ng copy sa pamamagitan ng pag-print, pag-memo o di kaya i-screenshot ang inorder para malaman kung kailan at ano ang inorder, kulay, sizes, dami, atbp. Kundisyon ng Pagsauli / Pag-palit i-Check ang araw kung hanggang kailan pwede ang pagsauli / pagpalit. (Mayroong mga kaso na hindi na tinaanggap ang pagsauli at pagpalit ng produkto) iku-kumpirma kung sino ang magiging responsable sa bayad ng pagpapadala. Paraan ng pagbayad i-Check ang paraan ng pagbayad katulad ng cash on delivery, postpay sa pamamagitan ng bank transfer, bayad gamit ang credit card, atbp. Kapag pinapabayad ng cash in advance, mag-ingat muna at siguraduhin na may sapat na dahilan ito bago magbayad. i-Check kung ang lugar ng transfer location ay kaduda-duda. Bigyang pansin ang mga sumusunod na kaso: ・ Ang lokasyon ng branch para sa transfer account ay hindi tumutugma sa lokasyon ng mail order company. ・ Kapag ang account name ay hindi nakapangalan sa kumpanya kundi sa indibiduwal na tao o di kaya sa isang foreign name Shipping fee・Incidental cost Mangyaring mag-ingat sapagkat ang bayad sa shipment ay nag-iiba depende sa shipping destination. (Kahit na ang shipment ay libre, maaari pa din itong magkaroon ng bayad depende sa rehiyon.) i-Check kung mayroong adisyonal na bayarin katulad ng assembly fee at construction expenses maliban pa sa sisingilin na shipping fee. Oras ng delivery Pagkatapos mag-order, i-check kung gaano katagal bago ito dumating. Mag-ingat dahil minsan natatagalan ang na order na produkto bago ito matanggap dahil sa paggawa nito. 【Check point kapag natanggap ang mga produkto】 Kapag dumating na ang produkto, i-check agad kung tama ang na order at kung wala itong sira. Consultation window para sa may mga problema JADMA (ジャドマ) Japan Mail Order Association (Nihon Tsushin Hanbai Kyokai TEL 03-5651-1122 * Japanese only (10am – 12pm, 1pm – 14pm Sabado, Linggo at holidays) Http://www.jadma.org/ Consumer hotline TEL: 188 (いやや) ※ Japanese only Kapag tumawag, maririnig ang recorded announcement na magdadala sa inyo sa linya ng Consumer Affairs consultation window, o sa Mie Prefecture Consumer Life Center. Information provision: JADMA (ジャドマ) Japan Mail Order Association “Paano maiwasan na magkaproblema sa mail order?” Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp