Woman working in Mie Challengers Award 2017

三重で働く女性チャレンジャーズ・アワード2017

2017/08/11 Friday Seminar at mga events

Naghahanap kami ng participants para sa “Challengers Award 2017” upang maparangalan at masuportahan ang iba’t-ibang mga “challenges” na hinaharap ng mga babaeng nagta-trabaho sa Mie Prefecture.

Kahit anong uri ng okupasyon at kahit gaano man kalaki o kaliit ang industriya ng trabaho, mangyaring ibahagi saamin ang challenges na inyong nararanasan sa inyong kapaligiran.

  1. Kwalipikasyon sa pagsali

① Mga babaeng nagta-trabaho sa Mie Prefecture na nakakaranas ng kung anong challenge sa trabaho.

② Kapag napili bilang finalist, posibleng makasali sa “Challengers Award 2017” bilang isang parte ng “Mie no Kagayaku Joshi Forum 2017(Mie Shining Women’s Forum)” na gaganapin sa ika-22 ng Septyembro, 2017

③ Kayang makapag-participate sa training na gaganapin para sa presentasyon sa forum (1:30pm hanggang 4pm sa September 2, 10am hanggang 4pm sa September 10 (naka-schedule na gaganapin sa Tsu))

Kahit anong nasyonalidad, hindi importante kung saan nakatira o ang edad.

  1. Entry period

Hanggang 5pm ng August 17, 2017

  1. Paraan ng pagsali

Mag fill-up at i-submit ang entry form na nasa link sa ibaba

Kapag sarili ang isasali:  https://mie-w.com/awardform1

Kapag ibang tao ang gustong inominate:  https://mie-w.com/awardform2

※ Walang problema kahit i-nominate ang sarili o ang ibang tao. in case na ibang tao ang i-nominate, magyaring kumuha muna ng pahintulot sa nasabing tao bago ito isali.

  1. Tungkol sa qualifying round

① Ayon sa selection committee, pagkatapos na masusing suriin ang mga dokumento ay pipili ng 10 finalist.

② Ang resulta ng preliminary na pagsusuri ay indibiduwal na ipapaalam mula sa August 28 (Lunes).

Para sa mga finalist, mabibigyan ng presentasyon sa “Challengers Award 2017” na kung saan ito ay parte ng “Mie no Kagayaku Joshi Forum 2017”, at magde-desisyon ang judging committee kung sino ang mananalo sa mismong araw.

  1. Mga awards at pa-premyo

① Mie Model Award (1 person) Mabibigyan ng Award Certificate, cash prize na 300 thousand yen.

② Audience Award (1 person) Mabibigyan ng Certificate of Recognition at 100,000 yen cash prize

※ Magbibigay din ng prizes ang ibang mga sponsors

  1. Makipag-ugnayan sa:

Mie no Kagayaku JoshiForum 2017 Management Secretariat (Awards representative: E Presence Co., Ltd.)

E-mail award@mie-w.com    TEL  059-336-4002

Para sa detalye at iba pang recruitment, tignan ang homepage: https://mie-w.com/award(Japanese only)

 

Paano matutukoy ang Hiari o Fire Ant at ano ang paraan ng pag-asikaso nito

2017/08/11 Friday Seminar at mga events

ヒアリの見分け方と対処方法

Ang langgam na Hiari na may malakas na kamandag na native ng South America (English name: Red Imported Fire Ant) ay natagpuan sa Amagasaki City, Hyogo Prefecture noong Mayo 26, 2017, at sunod-sunod na natagpuan naman sa iba pang lugar katulad ng mga domestic ports.

Upang maintindihan ng husto ang Hiari o Fire Ant, ipapaliwanag namin kung paano matutukoy ang Hiari at paano ito aasikasuhin. Para malaman kung paano i-handle ng tama ang Hiari, mangyaring basahin ang mga sumusunod:

1 Mga katangian ng Hiari

・Hindi katulad ng native na langgam ng Japan, ito ay nakakagawa ng malaki at mataas na umbok sa lupa.

・Malakas ang pagiging aggresive, nasusundot ng stick ang umbok ng lupa, lumalabas at aatake ng grupo.

2 Paano ito matutukoy

・Ito ay mapula at makintab

・Ang parte ng tiyan(bandang pwet)ay mas maitim.

・May laki na 2.5mm~6mm na may iba’t-ibang laki ng langgam.

3 Kapag nakakita ng hinihinalang Hiari

Kapag nakakita ng grupo ng langgam at may hinala kayo na ito ay Hiari, agarang makipag-ugnayan sa inyong local na Municipal Office.

※Huwag i-exterminate ito ng kusa dahil may posibilidad na ito ay kumalat. Bukod pa dito, Huwag din gamitan ng mga bug spray o disinfectant dahil maaaring makasira kayo ng 270 species na conventional ants o native na langgam at makakasira sa eco system ng Japan. Kaya’t mag-ingat po tayo.

4 Kapag nakagat ng Hiari

Kung ikaw ay nakagat ng Hiari at nakaramdam ng matinding sakit, pamamaga at nakaramdam ng kakaiba, agarang pumunta sa hospital at sabihin na nakagat ng Hiari at magpa-konsulta.

5 Exhibition of Hiari Specimen

Sa Mie Ken Sogo Hakubutsukan (Mie Prefectural General Museum (Mie Mu)), simula sa Hulyo 14, 2017 hanggang Augusto 31, 2017, ay may exhibit (Libreng entrance) na summary ng aktuwal na specimen ng Fire Ants at kung paano ito nadiskubre. Mangyaring i-check ang mga detalye mula sa link sa ibaba:

http://www.pref.mie.lg.jp/TOPICS/m0013700083.htm

6 Makipag-ugnayan sa: Mie Ken Norin Suisan-Bu Midori Kyosei Suishin-ka (Mie Prefecture Agriculture, Forestry and Fisheries green symbiosis Promotion Division)

Address: 514-8570 Tsu Shi Komei Cho 13-banchi (Central Government Office 6F) TEL 059-224-2578 FAX 059-224-2070 E-mail midori@pref.mie.jp

【Reference Material】Kankyosho Shiryo (Ministry of the Environment Material)(Japanese only)

“Stop the Hiari (Katangian ng Hiari, kinakailangang aksyon kapag nakagat at paraan ng ecological na disinfection method.)

https://www.env.go.jp/nature/intro/4document/files/r_fireant.pdf