Upang maiwasan ang magka-problema sa Internet Shopping ~ Checkpoint simula sa pag-order ng produkto hanggang sa matanggap ito ~ インターネットショッピングでトラブルに遭わないために ~ 商品注文から受取りまでのチェックポイント ~ Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp 2017/07/31 Monday Anunsyo Ang Tsushin Hambai o Mail order (shopping site, auction, flea market, atbp.) ay convenient at nakaka-aliw kapag ginamit ng tama, subalit may mga bagay na kailangan mag-ingat. Ayon sa Japan Mail Order Association “JADMA”, dumadami ang konsultasyon tungkol sa pagsauli ng produkto at ang nais mapalitan ang produkto (return and exchange). Ang Cooling-off system ay pwedeng magamit kapag bumili ng produkto sa store, pagbili ng produkto gamit ang telepono, atbp. Subalit hindi ito maaaring magamit sa mail order. Sa halip, obligadong ipaliwanag ng mabuti ang mga kondisyon at dahilan ng pagsauli at pagpalit ng produkto. Ngayon, ipapaliwanag namin ang checkpoints upang maiwasan ang mga problema sa Internet shopping. 【Check point kapag pumipili ng kumpanya at produkto】 I-check ang company profile, lokasyon, phone number, atbp. at i-check kung mapagkakatiwalaan ba ang kumpanya. I-check din kung mayroong mga counterfeit goods o mga pekeng items na ibinibenta tuwing pipili ng produkto. 【Check point kapag mago-order ng produkto】 Tuwing mago-order Siguraduhin na kumuha ng copy sa pamamagitan ng pag-print, pag-memo o di kaya i-screenshot ang inorder para malaman kung kailan at ano ang inorder, kulay, sizes, dami, atbp. Kundisyon ng Pagsauli / Pag-palit i-Check ang araw kung hanggang kailan pwede ang pagsauli / pagpalit. (Mayroong mga kaso na hindi na tinaanggap ang pagsauli at pagpalit ng produkto) iku-kumpirma kung sino ang magiging responsable sa bayad ng pagpapadala. Paraan ng pagbayad i-Check ang paraan ng pagbayad katulad ng cash on delivery, postpay sa pamamagitan ng bank transfer, bayad gamit ang credit card, atbp. Kapag pinapabayad ng cash in advance, mag-ingat muna at siguraduhin na may sapat na dahilan ito bago magbayad. i-Check kung ang lugar ng transfer location ay kaduda-duda. Bigyang pansin ang mga sumusunod na kaso: ・ Ang lokasyon ng branch para sa transfer account ay hindi tumutugma sa lokasyon ng mail order company. ・ Kapag ang account name ay hindi nakapangalan sa kumpanya kundi sa indibiduwal na tao o di kaya sa isang foreign name Shipping fee・Incidental cost Mangyaring mag-ingat sapagkat ang bayad sa shipment ay nag-iiba depende sa shipping destination. (Kahit na ang shipment ay libre, maaari pa din itong magkaroon ng bayad depende sa rehiyon.) i-Check kung mayroong adisyonal na bayarin katulad ng assembly fee at construction expenses maliban pa sa sisingilin na shipping fee. Oras ng delivery Pagkatapos mag-order, i-check kung gaano katagal bago ito dumating. Mag-ingat dahil minsan natatagalan ang na order na produkto bago ito matanggap dahil sa paggawa nito. 【Check point kapag natanggap ang mga produkto】 Kapag dumating na ang produkto, i-check agad kung tama ang na order at kung wala itong sira. Consultation window para sa may mga problema JADMA (ジャドマ) Japan Mail Order Association (Nihon Tsushin Hanbai Kyokai TEL 03-5651-1122 * Japanese only (10am – 12pm, 1pm – 14pm Sabado, Linggo at holidays) Http://www.jadma.org/ Consumer hotline TEL: 188 (いやや) ※ Japanese only Kapag tumawag, maririnig ang recorded announcement na magdadala sa inyo sa linya ng Consumer Affairs consultation window, o sa Mie Prefecture Consumer Life Center. Information provision: JADMA (ジャドマ) Japan Mail Order Association “Paano maiwasan na magkaproblema sa mail order?” Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp « Inspeksyunin ang bahay para sa paghahanda sa summer typhoon at torrential rain Paano matutukoy ang Hiari o Fire Ant at ano ang paraan ng pag-asikaso nito » ↑↑ Next Information ↑↑ Inspeksyunin ang bahay para sa paghahanda sa summer typhoon at torrential rain 2017/07/31 Monday Anunsyo 夏季の台風・集中豪雨に備えて住まいの点検をしましょう Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp Ang mga bagyo at torrential rains ay madalas na nangyayari tuwing summer hanggang autumn, at nakakabahala ang pinsalang dala ng wind storm, storm surges, baha at landslides. Bago pa man dumating ang typhoon o ang torrential rain, tayo’y magsanay para sa “Pagpapatupad ng disaster prevention” sa paghahanda para sa sakuna katulad ng pag-inspeksyon ng bahay at gumawa ng matibay na tahanan para sa mga darating na sakuna. Ang pangunahing bagay sa inspeksyon 1 Bubong ・ Mayroon bang mga crack, butas, manipis, at nabaklas sa mga tiles? ・ Mayroon bang nabaklas na yero? ・ Naka-kabit ba ng maayos ang antenna? 2 Panlabas na pader ・ Mayroon bang bitak o crack sa mga pader? ・ Mayroon bang nabubulok at nababaklas na parte? 3 Bintana ・ May umuuga ba sa parte ng bintana? 4 Gutters para sa ulan ・ Hindi ba ito barado? 5 Veranda ・ May mga bagay ba na maaring liparin ng hangin katulad ng saampayan, o mga flower pots? 6 Paligid ・ Nakakabit ba ng maayos ang labas na unit air conditioner o ang propane gas cylinder? ・ May mga naipon bang dumi o lupa at buhangin sa giliran ng bahay? Ang BosaiMie.jp 「防災みえ.jp」 ay hindi lamang nagbibigay ng importanteng impormasyon sa tuwing panahon ng sakuna, kundi nagbibigay ng impormasyon tungkol sa iba’t-ibang sakuna katulad ng weather information sa iba’t-ibang linguwahe. Dahil maraming impormasyon na makakatulong sa disaster prevention tuwing panahon ng sakuna katulad ng lugar kung saan ang mga evacuation center, mangyaring tignan ang website. 防災みえ.jp http://www.bosaimie.jp Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp