Mag-ingat sa mga mapanlinlang na Business Scheme! ② ~Upang alamin at maiwasan na magka-problema sa kontrata~

悪質商法にご用心!② ~知って備える契約トラブル~

2017/10/30 Monday Anunsyo

Ang mga mapanlinlang na Business Scheme (o ang tinatawag na Fraudulent Business Scheme) ay isang uri ng business scam na nagtatangkang kumita sa pamamagitan ng isang mapanlinlang na pamamaraan. Sa pagkakataong ito ay magbibigay kami ng tatlong halimbawa at ipaalam namin ang tungkol sa mga countermeasures.

1.Purchase Visit  Bago mag benta, mag-isip munang Mabuti.

Halimbawa: May natanggap kang tawag at nagsabi na “kahit anong mga gamit na hindi mo na kailangan ay bibilhin ko” kaya’t pinapunta mo ito sa bahay mo subalit yung mga hindi mo inaakalang ibebenta mo ay sapilitang pinabenta at binili ito sayo.

<Pangunahing produkto> Precious metals, relo, accessories

 Mga puntos upang maiwasan maging biktima

・Huwag mahulog sa salitang, “mga hindi lang kailangan bagay ang bibilhin”, “kahit assesment lang”.

・Kapag may alok na ganito, huwag magdesisyon mag-isa, tawagin ang mga pamilya o kaibigan na samahan ka.

・Ang pagpunta nila sa inyong tahanan ng walang pahintulot ay ipinagbabawal ng batas. Huwag papasukin ito kapag biglaang dumating sa inyong tahanan.

 

2.Hypno Commercial Code (SF Commercial Law) may modus na “Free gifts”

Halimbawa: Pumunta ka sa store dahil inalok ka nila ng “Kapag pumunta ay may libreng regalo”. At biglang parang na pressure ka dahil medyo nakakailang ang atmosphere kapag wala kang bibilhin. Kaya’t napasubo ka at napabili ka nila ng mamahaling health food.

<Pangunahing produkto> Futon・Health equipment・Health food

Mga puntos upang maiwasan maging biktima

・Huwag pumunta sa store dahil sa naakit sa libreng alok na regalo.

・Huwag magpadala sa nakakailang na atmosphere, ayawan agad kapag may inalok na hindi naman kailangan.

 

3.Catch sales  

Halimbawa: Inalok ka sa kalsada ng “Libreng pag diagnose ng kondisyon ng iyong balat” subalit pagdating mo sa kanilang store ay sapilitan kang aalukin ng mamahaling beauty equipment at di ka na makatanggi kaya’t kumuha ka ng contrata.

<Pangunahin produkto・Serbisyo>

Accessories, Jewelry, Painting, Cosmetics, Esthetic

Mga puntos upang maiwasan maging biktima

・Ang libreng skin diagnosis at questionnaires ay ginagamit lamang na dahilan para mapabili nila kayo ng mamahaling items. Huwag hayaan mahulog sa ganitong modus at agad agad maniwala sa sinasabi ng nagbebenta.

・Hanggat maaari huwag sumama sa store o opisina nila.

Huwag mag-alalang mag-isa, kumunsulta po tayo!

Customer Hotline    TEL: 188

※Kapag tumawag, may maririnig na anunsyo at gagabayan kayo sa Shicho Shohi Seikatsu Sodan Madoguchi (tanggapan ng Municipal Consumption Consultation) o di kaya sa Mie Ken Shohi Seikatsu Center  (Mie Prefecture Consumer Lifestyle Center).

[Iga City] Multicultural Coexistence Awareness Event 2017

2017/10/30 Monday Anunsyo

[伊賀市] 多文化共生啓発イベント2017

Ginanap ng sabay-sabay noong October 8 ang Multicultural Coexistence Awareness Event 2017 at ang International Exchange Festival sa Iga City. Ang araw na ito ay ipinagpala ng magandang panahon at nagkaroon ng stalls ng iba’t ibang bansa at booths ng mga iba’t ibang organisasyon, nagkaroon din ng mga performances na sayaw, Piñata (Piñata) sa stage atbp. Nagtipon tipon ang maraming residente na may iba’t-ibang nasyonalidad at nagkaroon ng isang masayang araw.

Sa opening ceremony, nagkaroon ng pagbati mula sa Iga City Human Rights Department Director, Member of the City Council at Executive Committee Chairperson at tinalakay ang halaga ng pag promote ng mga efforts patungo sa isang multicultural coexistence society para sa mga dumalo.

Sa Iga City, ang ratio ng foreign residents ay nasa bandang 4.8%, na kung saan nasa doble ng national average. Datapuwat madami sa mga foreigners ang nakakapag-contribute sa pag develop ng local community, kahit na ito ay isang rehiyon na kung saan tumitibay ang multicultural coexistence, kinakailangan pa din ang patuloy na pag suporta upang mas lalong mapatibay at mas mapadalas pa ang pakikipagtulungan ng mga Japanese residents at foreign residents. Sa ganitong dahilan, Ito ay isang importanteng opurtunidad para sa madaming tao upang makasalamuha ang isa’t-isa sa ganitong klaseng event.

Nagkaroon ng mga presentations ng iba’t-ibang kultura sa stage at sa paligid nito. Sa umpisa ng event, nag perform ng sayaw ang Ryukyukoku Matsuridaiko Mie Shibu at pinasali nila sa sayaw ang ilang sa mga nanonood.

Isa sa mga aktibong miyembro ng grupo na ito ay si Mr. Kohatsu Pablo ng Peru.

Mr. Kohatsu Pablo – Ryukyukoku Matsuridaiko (Spanish)

“Ako po ay si Kohatsu Pablo, isang Peruvian. Dumating ako sa Japan 5 taon ng nakakaraan. Kasalukuyan akong nakatira sa Iga City, Mie Prefecture. Actually, kaya gusto ko ang Okinawa dance na ito dahil ang aking paternal grandparents ay taga Okinawa. Natutunan ko ang kultura na ito sa aking pamilya kaya’t mas lalo akong naging interesado. Nakakapagpahiwatig din ng mensahe sa pamamagitan ng sayaw na ito ang Peru, Brazil, Argentina, Bolivia at United States. Personally, gusto ko na hindi lamang sa mga Peruvians kundi mas malaman pa ng ibang mga Foreigners ang tungkol sa Japanese culture na ito. Gusto ko na malaman ng mga foreigners na nakatira sa Japan ang kultura dito. Importante na malaman kung ang last name ba ay galing sa Okinawa o Honshu. Magandang bagay na malaman ang kultura.”

May itinayo din na International Yatai mura o Intenational fair stalls sa event. Ang mga dumalo ay nakatikim ng local cousines ng iba’t-ibang bansa. Isa sa mga booth ay nagserve ng Philippine cuisine.

Ms. Ikeda Maki (Tagalog)

“Ako ay si Ikeda Maki. 12 years na ako dito sa Japan. Ngayon, mayroon kaming omise, Philippine foods at cuisine at Peruvian foods. Sa Philippine food, mayroong pork barbeque at Philippine “Turon”, sa Hapones ay banana no harumaki. Then mayroon din kaming Peruvian donuts, ang tawag dito sa Peru ay “Picarones” na gawa ito sa pumpkin at sweet potato. Ang Philippine barbeque ay may similarities sa Yakitori, matamis siya kaya ok siya sa panlasa ng mga Hapon.”

Bukod pa dito, nagkaroon din ng booth na may handog na Brazilian coffee at mga handicrafts. Ang taong in charge sa booth ay nag enjoy sa pagpakilala ng kultura ng sariling bansa.

Ms. Fukuoka Mara (Portugues)

“Ako ay si Mara. Nakatira ako sa Japan simula 17 years ng nakakaraan. Pumunta ako dito kasama ng aking pamilya at nag handcraft ako kasama ng mga kaibikan ko sa Iga City. Kami ay gumagawa ng handicrafts, baby gifts, garlands, drawing, atbp. Ngunit ang pinaka paborito ko ay ang pagserve ng Brazilian coffee, na kung saan isa itong importanteng kultura ng Brasil at malapit sa aming puso. Nagustuhan talaga ng mga Hapon ang aming kape. Napaka-gandang experience ito. Nagustuhan ng mga Hapon ang mga ipinakilala naming music, pagkain at kape. Kapag tinatanong namin na “Masarap ba ang kape ng Japan?” “Kalasa ba ito ng Brazilian Coffee?” ang sagot nila ay “Hindi, mas masarap pa ito keysa sa Japanese coffee!”.”

Ang Chinese native na si Ms. Nakahara Eibin ay nakatira sa Iga City ng 25 years. Ibinahagi niya ang importansya ng kaalaman sa kultura ng ibang mga residente at ang merits kapag natatanggap ang kultura ng bawat isa.

Ms. Nakahara Ebin (Chinese)

“Hello, ako si Nakahara Ebin. Dumating ako dito galing Shanghai China 20 years ago. Para saakin, ang buhay ay isang paglalakbay. May makikilala tayong iba’t-ibang tao along the way, makakakita ng iba’t-ibang kultura at kaugalian, ito ay nagsisilbing tanawin sa ating paglalakbay sa buhay at pagdating sa society, ang pagdagsa ng iba’t-bang mga kultura ay katulad ng pag-inject ng sariwang dugo na magbibigay sigla at buhay. Sa lipunang ito, ang buhay natin ay magiging makulay sa pamamagitan ng pag-alam, pag-intindi, pakikipagsalamuha at pagpatibay ng kultura ng bawat isa.”

 

Ang American na si Mr. Timothy Spicuzza ay lumahok din sa event. Binigyang diin niya ang kahalagahan ng pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang kultura at ibinahagi ang nakakatuwang karanasan na nakuha niya sa event na ito.

Mr. Timothy Spicuzza (English)

“Ang pangalan ko ay si Spicuzza Timothy. Dumating ako sa Japan mga sampung taon na ang nakaraan. Nakatira ako ng pitong taon dito, ngunit pansamantala akong bumalik sa aking bansa sa loob ng dalawang taon. Mahalaga na malaman ang iba’t ibang kultura. Napakahalaga para sa iba’t ibang mga bansa na makipag-usap sa bawat isa upang malaman ang tungkol sa bagong kultura. Upang makagawa ng isang mapayapang mundo, sa palagay ko pinakamahalaga na makilala ang isa’t isa at magpapasaya ito sa lahat. Talagang gusto ko ang kultura ng Okinawa at gustung-gusto ko ang sumayaw. Maraming nakakatuwang bagay na malalaman sa ibang kultura at maraming mga masasarap na pagkain, ito ang gusto ko dito.”

Ipinakita din ang tradisyon ng South America na tinatawag na Piñata. Kinausap namin si Uehara Giancarlo isang tauhan na mula sa Peru ng Mie Prefecture International Exchange Foundation.

Mr. Uehara Giancarlo – Mie Kokusai Koryu Zaidan (Mie International Exchange Foundation)

“Madaming foreigners ang nakatira sa Iga City at sa Mie Prefecture, kaya sa palagay ko ang co-existence (multicultural) awareness ay kailangang mabuo upang mapaalam at maibahagi nila sa mga Japanese ang kanilang kultura. Kaya’t sa palagay ko ay napaka-importanteng magkaroon ng ganitong exchange festival.

Ang Piñata ay ginagamit tuwing birthday party sa mga bansa sa South America. ito ay originally na nanggaling sa Mexico, ito ay may disenyo ng isang karakter na puno ng candies sa loob (Kusudama na puno ng sweets sa loob) at ito ang bumubuo ng isang birthday party. Papaluin ito ng mga bata gamit ang stick ng naka-blindfold upang mawasak ito at mahulog ang mga candies, laruan atbp.

Ngayong araw, ipapakita namin ang traditional Peruvian costumes. Nakasuot ako ngayon ng charan costume. Ito ay ang costume sa coastal area ng ​​Peru. Maaari ding masubukan ang mga musical instruments sa booth namin, Ito ay ang tinatawag na Zampoña.”

Sa buong araw na ito, nakaranas ang mga dumalo ng kultura at tradisyon ng iba’t ibang bansa.

Mr. Hisakazu Ohashi – Iga-shi Jinken Seikatsu Kankyo Bucho (Director, Human Rights and Living Environment Section, Iga City)

“Sa ngayon, mayroong 4,700 na foreigners na galing sa 45 countries sa Iga City. Madami ang bilang nila ngunit malimit pa din ang pakikipag-interact ng mga Hapon sa kanila. Base sa ganitong sitwasyon, nais ko na mas mapalalim pa ang exchange sa pamamagitan ng paggawa ng ganitong event at pagpapakilala ng mga foreign food stalls o foreign cultures.

May mga punto na minsan mahirap ipahiwatig sa salita lamang. Sa partikular, sa tingin ko ang pagkakataon na makilala ang isa’t isa sa pamamagitan ng paggawa ng event na ganito ay napaka-halaga.”

Ang kultura at tradisyon ay kadalasang mahirap maunawaan sa pamamagitan lamang ng impormasyon sa kasulatan o imahe. Mas mauunawaan kapag ito ay nakikita, nahahawakan at nararanasan. Sa hinaharap, iniimbitahan naming kayo na lumahok sa mga international exchange events na gaganapin sa bawat lungsod. Sigurado kami na magkakaroon kayo ng isang makabuluhang oras at mayroong panibagong matutuklasan.