2017 Mie Job Kids Caravan in Matsusaka 2017 三重ジョブ キッズキャラバンin松阪 Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp 2017/11/06 Monday Kultura at Libangan, Mga events Gaganapin sa Matsusaka area ang karanasan sa pagta-trabaho para sa mga bata na sumikat noon pang 2015, ang Mie Job Kids Caravan – Out of Kidzania~. Sa pamamagitan ng pag-experience ng mga bata ng isang unique na trabaho sa Mie ken, matatanto ang halaga at kasiyahan ng trabaho at mararanasan na mae-enjoy ang makukuhang sweldo na tinatawag na “Meets” na magagamit sa pang shopping, atbp. Mangyaring sumali sa event na ito! Sinong maaaring lumahok:Elementary at Middle school Students Araw at Oras ng Event: December 2, 2017 (Sabado) 10am~4pm (Reception starts: 9:30am) Lugar: Pagkatapos dumaan sa reception, ihahatid sa lugar ng pagraranasan na trabaho. General Reception:Chubu Dai Undokoen dai 1 Parking Lot (Mie Ken Matsusaka-Shi Tateno Cho 1370-Banchi) Satellite Reception:Matsusaka City Hall Parking Lot (Mie Ken Matsusaka Shi Tonomachi 1340-banchi 1) Nilalaman ng event: Advance reservation: Matsusaka’s history and culture: Trabaho sa manufacturing Matsusaka beef meat, traditional craftsmen (Matsusaka moomin), Matsusaka merchant’s hall atbp. Trabaho sa siyudad: policemen, firefighters, bank staff, atbp. Trabaho sa Media: TV casters, newspaper reporters, atbp. (2) Application sa venue sa araw ng event: Pag-distribute ng newspapers, flyers, atbp. Capacity: 700 katao Participation fee: 500yen o 200Yen kada experience (May mga programs na may karagdagang bayad sa materials) Free Entrance: hindi kinakailangan magpa-reserve para sa mga bisita Paraan ng reservation: Tatanggap ng application sa nakalaan na homepage at reservations via phone. https://www.mie-caravan.com/ (Umpisa ng reception: simula 10 am Wednesday November 1, 2017) Application-specific phone: 059-224-2162 (Umpisa ng reception: simula November 14, 2017, 9 am) ※ Reservation deadline: Friday, November 24, 2017 hanggang 5pm Ang pagtanggap ng application sa telepono ay simula 9am hanggang 5pm on weekdays. Isasara ang pagtanggap kapag napuno na ang capacity limit. Makipag-ugnayan sa: Mie Ken Koyo Keizai-bu Koyo Taisaku Kanai Mie Job Kids Caravan Jimukyoku (Mie Prefecture Employment Economics Department Employment Measures Division Mie Job Kids’ Caravan Secretariat) TEL 059-224-2162 FAX 059-224-2455 Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp « Mag-ingat sa mga mapanlinlang na Business Scheme! ② ~Upang alamin at maiwasan na magka-problema sa kontrata~ Mag-ingat sa mga mapanlinlang na Business Scheme ③ ~Upang alamin at maiwasan na magka-problema sa kontrata~ » ↑↑ Next Information ↑↑ Mag-ingat sa mga mapanlinlang na Business Scheme! ② ~Upang alamin at maiwasan na magka-problema sa kontrata~ 2017/11/06 Monday Kultura at Libangan, Mga events 悪質商法にご用心!② ~知って備える契約トラブル~ Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp Ang mga mapanlinlang na Business Scheme (o ang tinatawag na Fraudulent Business Scheme) ay isang uri ng business scam na nagtatangkang kumita sa pamamagitan ng isang mapanlinlang na pamamaraan. Sa pagkakataong ito ay magbibigay kami ng tatlong halimbawa at ipaalam namin ang tungkol sa mga countermeasures. 1.Purchase Visit Bago mag benta, mag-isip munang Mabuti. Halimbawa: May natanggap kang tawag at nagsabi na “kahit anong mga gamit na hindi mo na kailangan ay bibilhin ko” kaya’t pinapunta mo ito sa bahay mo subalit yung mga hindi mo inaakalang ibebenta mo ay sapilitang pinabenta at binili ito sayo. <Pangunahing produkto> Precious metals, relo, accessories 【Mga puntos upang maiwasan maging biktima】 ・Huwag mahulog sa salitang, “mga hindi lang kailangan bagay ang bibilhin”, “kahit assesment lang”. ・Kapag may alok na ganito, huwag magdesisyon mag-isa, tawagin ang mga pamilya o kaibigan na samahan ka. ・Ang pagpunta nila sa inyong tahanan ng walang pahintulot ay ipinagbabawal ng batas. Huwag papasukin ito kapag biglaang dumating sa inyong tahanan. 2.Hypno Commercial Code (SF Commercial Law) may modus na “Free gifts” Halimbawa: Pumunta ka sa store dahil inalok ka nila ng “Kapag pumunta ay may libreng regalo”. At biglang parang na pressure ka dahil medyo nakakailang ang atmosphere kapag wala kang bibilhin. Kaya’t napasubo ka at napabili ka nila ng mamahaling health food. <Pangunahing produkto> Futon・Health equipment・Health food 【Mga puntos upang maiwasan maging biktima】 ・Huwag pumunta sa store dahil sa naakit sa libreng alok na regalo. ・Huwag magpadala sa nakakailang na atmosphere, ayawan agad kapag may inalok na hindi naman kailangan. 3.Catch sales Halimbawa: Inalok ka sa kalsada ng “Libreng pag diagnose ng kondisyon ng iyong balat” subalit pagdating mo sa kanilang store ay sapilitan kang aalukin ng mamahaling beauty equipment at di ka na makatanggi kaya’t kumuha ka ng contrata. <Pangunahin produkto・Serbisyo> Accessories, Jewelry, Painting, Cosmetics, Esthetic 【Mga puntos upang maiwasan maging biktima】 ・Ang libreng skin diagnosis at questionnaires ay ginagamit lamang na dahilan para mapabili nila kayo ng mamahaling items. Huwag hayaan mahulog sa ganitong modus at agad agad maniwala sa sinasabi ng nagbebenta. ・Hanggat maaari huwag sumama sa store o opisina nila. Huwag mag-alalang mag-isa, kumunsulta po tayo! Customer Hotline TEL: 188 ※Kapag tumawag, may maririnig na anunsyo at gagabayan kayo sa Shicho Shohi Seikatsu Sodan Madoguchi (tanggapan ng Municipal Consumption Consultation) o di kaya sa Mie Ken Shohi Seikatsu Center (Mie Prefecture Consumer Lifestyle Center). Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp