Notisya tungkol sa “Guide sa Pamumuhay at Trabaho” na kapaki-pakinabang para sa mga nakatira sa Japan

2025/11/14 Friday Anunsyo, Kultura at Libangan

Inihanda ng Japan Immigration Services Agency (出入国在留管理庁) ang “Guide sa Pamumuhay at Trabaho,” isang source na nangangalap ng kapaki-pakinabang na impormasyon upang ang mga dayuhan ay mamuhay at makapagtrabaho nang ligtas at mapayapa sa Japan.

Ang guide ay available sa 19 languages, kabilang ang simplified Japanese (やさしい日本語).

Access: https://www.moj.go.jp/isa/support/portal/index.html

Mga halimbawa ng nilalaman mula sa Guide sa Pamumuhay at Trabaho

  • Chapter 2: Procedures para sa kasal at divorce sa Japan
  • Chapter 3: Employment contract, maternity/paternity leave, unemployment insurance
  • Chapter 4: Procedures kapag manganganak sa Japan, one-time birth at raising benefit
  • Chapter 5: Japanese education system
  • Chapter 7: Retirement (pension), long-term care insurance, childcare, disability assistance at social assistance (seikatsu hogo)
  • Chapter 8: Residential tax, car tax, property tax
  • Chapter 9: Ano ang gagawing tuwing may aksidente sa trapiko
  • Chapter 12: Rules at customs sa pangaraw-araw na pamumuhay, katulad ng pag-segregate at pag-tapon ng basura.

Ang ” Guide sa Pamumuhay at Trabaho ” na ito ay naglalaman ng mas detalyadong impormasyon kaysa sa ipinakita sa mga video ng “Life Guidance” na ginawa ng parehong ahensya

Mga Videos para Matutunan ang mga Rules sa Pamumuhay sa Japan

2025/11/14 Friday Anunsyo, Kultura at Libangan

Ang Japan Immigration Services Agency (出入国在留管理庁) ay gumawa ng isang serye ng mga video na tinatawag na “Life Guidance,” kung saan maaari mong matutunan ang tungkol sa mga patakaran at kaugalian ng buhay sa Japan.

Ang videos ay available sa 17 languages.

Panoorin at samantalahin ang resources na ito:
https://www.moj.go.jp/isa/support/coexistence/04_00078.html

Pag-aralan ang rules sa Japan

Alamin ang mga patakaran sa trapiko sa Japan at mamuhay nang ligtas.

Mahalaga ring malaman ang mga rules sa pamumuhay at mga kaugalian ng mga Hapones upang makabuo ng mabuting ugnayan sa mga tao sa iyong rehiyon.

  • Tungkol sa traffic rules: Chapter 2 (Batas trapiko)
  • Tungkol sa rules of life: Chapters 3 at 4 (Rules sa pamumuhay)

Pag-aralan ang tungkol sa immigration at pagpapa-register ng address

Para manirahan sa Japan at makatanggap ng mga pampublikong serbisyo, kinakailangang kumpletuhin nang tama ang mga pamamaraan sa imigrasyon at pagpaparehistro ng address.

Ang mga video na ito residency status, length of stay, change of address at My Number card.

  • Chapter 7 (Immigration at pagpapa-register ng address)

Pag-unawa sa sistema ng buwis at social security system

Kapag nag-aaply ng change of residency status o kapag renewal ng length of stay, kinakailangan ang na may taxes at social security at dapat bayad ng tama ito.
Kung hindi, maaaring negatibong makaapekto sa pagsusuri at humantong sa pag-deny ng renewal of change of status ng visa.

  • Health insurance: Chapter 8 (Health Insurance System)
  • Retirement system: Chapter 9 (Pension System)
  • Tax system: Chapter 10 (Taxes)

Pag-aralan ang tungkol sa medical services

In case na magkasakit o ma-disgrasya, importanteng malaman kung saan at paano makakatanggap ng medical care.

  • Chapter 5 (Medical Institutions)

Pag-aralan ang tungkol sa rules at sistema para makapag-trabaho ng ligtas.

Para makapag-trabaho ng ligtas sa Japan, kailangang malaman ang sistema ng trabaho at mga patakaran.

Sa mga video, ipapaliwanag ang tungkol sa pag-open ng bank account, tipo ng mga kontrata, rules tungkol sa sweldo at horas ng trabaho, atbp.

  • Chapter 11 (Employment at uri ng trabaho)

Pag-aralan kung paano mas-protektahan ang iyong sarili sa oras ng  emergency at mga sakuna.

  • Chapter 6 (Mga emergency at Sakuna)

Bukod pa rito, mayroon ding impormasyon tungkol sa pag-aaral ng wikang Hapon, mga sentro ng konsultasyon at marami pang iba.

Panoorin ang mga video at samantalahin ang impormasyong ito!

Gamitin din ang “Life and Work Guide”

Para sa iba pang detalyadong impormasyon, kumunsulta sa “Life and Work Guide”:
https://www.moj.go.jp/isa/support/portal/index.html

Tuwing emergency o mga sakuna, importanteng alam ang mga emergency numbers, preventive measures at paano makapag-evacuate upang ma-protektahan ang iyong buhay at mga taong nasa inyong paligid.