Mga Videos para Matutunan ang mga Rules sa Pamumuhay sa Japan

2025/11/14 Friday Anunsyo, Kultura at Libangan

Ang Japan Immigration Services Agency (出入国在留管理庁) ay gumawa ng isang serye ng mga video na tinatawag na “Life Guidance,” kung saan maaari mong matutunan ang tungkol sa mga patakaran at kaugalian ng buhay sa Japan.

Ang videos ay available sa 17 languages.

Panoorin at samantalahin ang resources na ito:
https://www.moj.go.jp/isa/support/coexistence/04_00078.html

Pag-aralan ang rules sa Japan

Alamin ang mga patakaran sa trapiko sa Japan at mamuhay nang ligtas.

Mahalaga ring malaman ang mga rules sa pamumuhay at mga kaugalian ng mga Hapones upang makabuo ng mabuting ugnayan sa mga tao sa iyong rehiyon.

  • Tungkol sa traffic rules: Chapter 2 (Batas trapiko)
  • Tungkol sa rules of life: Chapters 3 at 4 (Rules sa pamumuhay)

Pag-aralan ang tungkol sa immigration at pagpapa-register ng address

Para manirahan sa Japan at makatanggap ng mga pampublikong serbisyo, kinakailangang kumpletuhin nang tama ang mga pamamaraan sa imigrasyon at pagpaparehistro ng address.

Ang mga video na ito residency status, length of stay, change of address at My Number card.

  • Chapter 7 (Immigration at pagpapa-register ng address)

Pag-unawa sa sistema ng buwis at social security system

Kapag nag-aaply ng change of residency status o kapag renewal ng length of stay, kinakailangan ang na may taxes at social security at dapat bayad ng tama ito.
Kung hindi, maaaring negatibong makaapekto sa pagsusuri at humantong sa pag-deny ng renewal of change of status ng visa.

  • Health insurance: Chapter 8 (Health Insurance System)
  • Retirement system: Chapter 9 (Pension System)
  • Tax system: Chapter 10 (Taxes)

Pag-aralan ang tungkol sa medical services

In case na magkasakit o ma-disgrasya, importanteng malaman kung saan at paano makakatanggap ng medical care.

  • Chapter 5 (Medical Institutions)

Pag-aralan ang tungkol sa rules at sistema para makapag-trabaho ng ligtas.

Para makapag-trabaho ng ligtas sa Japan, kailangang malaman ang sistema ng trabaho at mga patakaran.

Sa mga video, ipapaliwanag ang tungkol sa pag-open ng bank account, tipo ng mga kontrata, rules tungkol sa sweldo at horas ng trabaho, atbp.

  • Chapter 11 (Employment at uri ng trabaho)

Pag-aralan kung paano mas-protektahan ang iyong sarili sa oras ng  emergency at mga sakuna.

  • Chapter 6 (Mga emergency at Sakuna)

Bukod pa rito, mayroon ding impormasyon tungkol sa pag-aaral ng wikang Hapon, mga sentro ng konsultasyon at marami pang iba.

Panoorin ang mga video at samantalahin ang impormasyong ito!

Gamitin din ang “Life and Work Guide”

Para sa iba pang detalyadong impormasyon, kumunsulta sa “Life and Work Guide”:
https://www.moj.go.jp/isa/support/portal/index.html

Tuwing emergency o mga sakuna, importanteng alam ang mga emergency numbers, preventive measures at paano makapag-evacuate upang ma-protektahan ang iyong buhay at mga taong nasa inyong paligid.

Gaganapin ang Housing consultation session (Announcement mula sa Mie Prefecture Housing Support Liaison Committee)

2025/11/14 Friday Anunsyo, Kultura at Libangan

Ang Mie Prefecture Housing Support Liaison Committee ay magsasagawa ng mga sesyon ng konsultasyon sa pabahay para sa mga taong nahihirapan sa paghahanap ng pabahay (mga nakatatanda, mga taong may kapansanan, mga dayuhang residente, atbp.).

Ang mga sesyon ng konsultasyon ay naka-iskedyul na gaganapin sa mga sumusunod na lokasyon sa 2025.

Ang mga konsultasyon ay walang bayad.

Maaaring kailanganin ang maagang pagpaparehistro, kaya mangyaring makipag-ugnayan nang maaga sa nauugnay na contact information.

Petsa Oras Lugar (Address) Registration period Contact
Oktubre 24, 2025 (Biyernes) ①10:00~12:00

②13:00~15:00

Suzuka City Hall – Main Building, 12th Floor, Room 1204 (Suzuka-shi, Kambe 1-18-18) Oktubre 6,2025(Lunes) hanggang Oktubre 23, 2025(Huwebes) Suzuka Housing Policy Department

TEL:059-382-7616

Nobyembre 8,2025 (Sabado) 13:00~16:00

 

Nabari City Hall – 1st Floor, Conference Room (Nabari-shi, Kounodai 1-1) Hanggang Nobyembre 7, 2025(Biyernes) Nabari Housing Department TEL:
TEL:0595-63-7740
Nabari Living Support Center
TEL:0595-64-1526
Nobyembre 24 (Lunes) ①10:00~12:00

②13:00~15:00

Kameyama City Hall Main Building, ika-3 palapag, Malaking Silid-pulong (577 Honmaru-cho, Kameyama City) Hindi kailangan ng paunang aplikasyon Kameyama City – Construction and Housing Division TEL: 0595-84-5038
Nobyembre 29, 2025

(Sabado)

①10:30~12:30

②13:30~15:30

Tsu Region Plaza – 2nd Floor, Meeting Room No. 2(Tsu-shi, Nishimarunouchi) 23-1) Nobyembre 4,2025(Martes) hanggang Nobyembre 28, 2025 (Biyernes) Tsu City Urban Planning Department, Urban Policy Division

TEL:059-229-3290

Nobyembre 30, 2025 (Linggo) ①10:30~12:30

②13:30~15:30

Aeon Mall Yokkaichi Kita – 1st floor, in front of Petemo (Yokkaichi-shi, Tomisuahara-cho 2-40) Mula sa huling bahagi ng Oktubre hanggang Nobyembre 21, 2025 (Biyernes) Yokkaichi Urban Planning Department TEL:
TEL:059-354-8214
Enero 25, 2026 (Linggo) ①10:00~12:00

②13:00~16:00

Kuwana Public Center (Kuwana-shi, Chuo-cho 3-44) Kahit hindi magpa-rehistro ng maaga  (possible ang magpa-advance reservation) Kuwana Urban Management Department TEL:

TEL:0594-24-1220

Mie Prefectural Housing Support Council (Mieken Kyoju Shien Renraku-kai Jimukyoku – 三重県居住支援連絡会事務局)

(Sa wikang Japanese lamang. Ang mga aplikasyon para sa mga konsultasyon ay dapat direktang gawin gamit ang mga contact details na nakalista sa itaas.)

Mie Prefectural Housing Policy Bureau (Mieken Kendo Seibibu Jutaku Seisaku-ka – 三重県県土整備部住宅政策課)

TEL: 059-224-2720